Happy 13k reads! 💛
—
"Maayos na ba lahat?" tanong ko sakanila.
"Yes, Sir. Maayos na po ang lahat. From her wedding gown, motif and lahat ng guests niyo, okay na." nakangiting sagot ni Kate.
"Thank you, Kate!"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa tuwa na nararamdaman ko.
Surprise wedding kasi ang naisip ko for Coleen at 'yon nga, maayos na daw ang lahat.
Gusto ko na makita ang magiging reaksyon niya bukas. May naisip kasi akong plano para hindi niya mahalata na totohanang kasal ang pupuntahan niya bukas.
Masaya akong umuwi at naabutan ko siya sa may pinto na masama ang tingin sakin.
"What?" tanong ko.
"What what-in mo mukha mo! Huwag mo akong kausapin! Diyan ka makipag-usap sa babae mo! Bwisit ka!" galit na sabi niya.
Pigil ang tawa akong nag-iwas ng tingin sakaniya.
Lagi kasi akong nakikipag-usap kila Kate para sa surprise wedding at palagi niya din ako nahuhuli. Siyempre, todo tanggi ako para hindi niya mahalata. Pero minsan sinasakyan ko nalang ang mga sinasabi niya na nambababae ako para lang maging maayos ang kasal na gusto kong ibigay sakaniya.
"At talagang tumatawa ka pa! Akala mo ba natutuwa ako sa pinaggagagawa mong lalaki ka ha?! Hindi kita mahal! Lumayas ka dito!" sigaw niya ulit.
Niyakap ko siya at pilit na pinakalma.
"Sorry na.." malambing na sabi ko habang hinihimas ang likod niya.
Umiiyak siyang humiwalay sakin.
"Hindi mo na kasi ako love! Porke tumataba na ulit ako nambababae ka na! Hindi na kasi ako sexy eh!" nakanguso at nag-papaawa niyang sabi habang umiiyak pa rin.
"What?" natatawa kong sabi. "Baby, you're not mataba okay? Nag a-adjust lang ang katawan mo because you're pregnant so stop crying na. I love you. I love you." malambing ko ulit na sabi.
Yes, she's almost four months pregnant. At sa tuwing ganito siya, nilalambing ko lang siya.
Mula kasi nang mabuntis siya naging iyakin siya, mabilis magtampo at palaging nagagalit kapag hindi niya ako nakikita ng madalas dahil ako ang pinaglilihian niya. Naging mas toyoin din siya ngayon. Minsan nakakapikon na rin pero siyempre pilit kong hinahabaan ang pasensy ko huwag lang sumama ang loob niya.
"Weh? Love mo talaga ako? Eh bakit nakikipag-usap ka sa iba?" malungkot niyang tanong.
"Usap lang naman 'yon, baby. Ikaw pa rin ang love ko!" sagot ko.
Biglang nanliit ang mga mata niya at malakas akong hinampas sa braso.
"Edi may kausap ka nga!" galit niyang sabi. "Huwag mo kong lalapitan ah! I hate you! I hate you! Argh!" sigaw niya saka ako tinalikuran.
See? Kanina nakangusong umiiyak, malungkot tapos ngayon galit na naman. Oh, my baby..
Nagkakamot ng ulo akong pumasok sa loob ng bahay at hinanap siya.
Wala siya sa kwarto namin, sa kwarto ni Cole o sa guest room. Alam ko na kung nasaan siya.
Kitchen.
"Kumakain ka na naman? Kakakain mo lang ah?"
Masama siyang tumingin sakin.
"Pake mo?! Saka kanina pa 'yon! Oh, hindi mo alam 'no? Paano kasi nanggaling ka sa babae mo!" sigaw niya sakin.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...