Mariin kong kagat ang pang-ibabang labi ko at hinihiling na sana hindi totoong narinig nila Liam ang pinag-uusapan namin nina Amber.
Nandito kasi kami ngayon nina Nath sa bench dahil wala naman na kaming klase. Ang pinag-uusapan namin ay yung paghalik sakin ni Raizen sa Bataan.
Hindi ko na kasi mapigilan na hindi masabi sakanila. And besides hindi ko naman alam na papunta pala dito sa pwesto namin sila Liam kaya narinig nila 'yon.
Inagaw nila Ryan ang atensyon ko, "Seryoso nga. May nangyari ba sa inyo?"
My eyes widened, "Wala!"
Nag-iwas sila ng mga tingin nila at nagbuntong-hininga. Wala ni-isang nagsalita.
"Bakit ba nangyari 'yon, Raizen?" seryosong tanong ni Mark.
I looked at him. He doesn't looked hurt but I could see disappointment in his eyes. Maybe he's disappointed in me..
Wala akong pakialam sa sasabihin o iisipin ng iba, ang iniisip ko lang ngayon ay kung ano ang nasa isip ni Mark dahil best friend niya si Raizen at pinsan niya si Michelle. Tapos alam pa niya na may gusto ako kay Raizen at may gusto rin siya sakin..
Raizen looked at him, emotionless. "Lust."
Nagulat ako sa naging sagot niya. Lust? Ah, so he kissed me dahil sa libog na naramdaman niya? Bigla ay parang nawalan ako ng lakas. Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ko kasabay ng kirot na naramdaman ko sa dibdib ko.
I suddenly felt Amber's hand in my hand. I looked at her and smiled sadly.
Tumayo siya, "Sorry, mauna na kami sa room." inalalayan niya akong tumayo at si Nathalie naman ay kinuha ang bag ko.
Nang tumalikod ako sa pwesto nila ay mabilis na tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Lust.
It was just a kiss, alright. But that kiss meant something to me and knowing that he just kissed me because of lust, wow.
Niyakap ako ni Amber pagkapasok na pagkapasok namin sa CR. Dito nila ako dineretso.
I hugged her tight while crying because of so much pain.
"Okay ka na ba?" tanong niya nang humiwalay ako sa kaniya.
I just smiled at her and nodded at nagpaalam sa kanila.
"Where are you going?"
"Anywhere."
Nagbuntong-hininga sila, "Fine. Just please.. take care of yourself, okay?" I nodded.
Lumabas ako ng CR at dumeretso sa parking lot. Isa lang ang gusto kong puntahan ngayon.
Around 3:30 p.m. nang makarating ako sa Batangas, sa rest house namin. Mabuti na lang at Saturday ngayon at halfday lang kaya pwedeng dito muna ako mag-stay. Hindi ko naman na po-problemahin pa ang pagkain ko dahil marunong naman akong magluto. Marami rin akong damit dito.
Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit saka ako nahiga sa kama.
Nagising ako nang marinig kong tumutunog ang phone ko.
Mommy calling...
"Mom?"
["Baby, nasaan ka? Nandito si Amber sa bahay."]
I took a deep breath, "Batangas, Mom."
["What?! What are you doing there, Coleen?"]
Bago pa ako makasagot ay narinig ko ang boses ni Amber. ["Tita, can I talk to her?"]
["Where are you?"] bungad niya agad.
For the second time, I took a deep breath, "Batangas."
["Wait for us. We'll go there."] she ended the call.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...