Masama ang loob na natulog ako nang gabing 'yon at kinabukasan ay sinadya kong tanghaliin ng gising. Hindi rin ako natulog sa kwarto namin, sa guest room ako tumuloy matapos kong makita ang kiss mark sa leeg niya.
Sino ang hindi sasama ang loob sa gano'n? Inaway niya ako no'ng umaga kahit hindi ko alam kung anong dahilan, umalis siya nang hindi nagpapaalam tapos uuwing may bakat ng ngipin sa namumula niyang leeg? Wow! Hindi 'yon katanggap-tanggap.
Tumayo ako at lumingon sa may gawi ng pinto at nagulat ako dahil nakita ko si Raizen na nakatayo at nakatitig sakin.
"Why ka dito nag-sleep?" Ano daw?
At kailan pa siya natutong magsalita ng gano'n? Kagabi ba? Conyo ba yung babaeng kasama niya?
Inirapan ko lang siya at pumasok ako sa banyo para mag-ayos ng sarili.
Matapos non ay lumabas na rin ako at nagulat ako dahil mahigpit na yakap niya ang sumalubong sakin.
"Sorry."
Imbes na maiyak dahil sa sama ng loob at selos ay muli lang akong napairap. Sorry na naman. Paulit-ulit na sorry.
Humiwalay ako sakaniya at pinagkrus ang mga braso ko sa may dibdib at seryoso siyang tiningnan, deretso sa mga mata niya.
"Isang tanong, isang sagot."
Napalunok siya. Dapat lang. Dahil kahapon pa ako hindi natutuwa sakaniya.
"Anong problema mo at nagagalit ka sakin kahapon?" taas-kilay kong tanong.
"I was jus.. I just was jealous.." sagot niya at nag-iwas ng tingin saka kinagat ang ibabang labi.
Nagselos siya? Kanino naman? Eh maghapon akong nandito sa bahay kasama niya.
Tumingin lang ako sakaniya at hindi umimik.
He sighed. "Fine. Nagselos nga ako dahil sa lalaking nagbigay sayo ng donut. Why? Because you hugged him."
Nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nagselos siya kay Jeff?
"Raizen. He is my friend and he is fucking married." inis na sabi ko.
"See? He's married naman pala pero niyakap mo pa." inis niya ring sagot.
"Niyakap ko siya, oo. Dahil komportable naman kami sa isa't isa. Siya lang naman ang nagbabantay kay Cole sa Korea kapag nagtatrabaho ako at ikaw nandito kasama si Samantha. She became your strength pa nga diba?" sarkastikong sabi ko.
Hindi siya makapaniwalang tumingin sakin.
"Coleen. She's my friend." nagpapa-intinding sabi niya.
"And she loves you!" I shouted.
Hindi ko alam pero nabuhay ulit ngayon ang inggit at selos na naramdaman ko noon kay Samantha.
"Wait. Bakit mo ba dinadamay pa si Samantha sa usapan?"
Binasa ko ng dila ko ang mga labi ko saka muling tumingin sakaniya.
"Why do you have a fucking kiss mark last night? Saan ka nagpunta?" pag-iiba ko sa usapan.
"What?"
"What?" pang-gagaya ko sakaniya. It's freaking obvious na hindi niya inaasahan ang tinanong ko. "Saan ka nagpunta kahapon?"
"Bar."
"Oh. Bar. Sino naman ang kasama mo?" mataray kong tanong.
"Wala!" maagap niyang sagot. "Nagpunta lang ako don dahil naiinis ako sayo."
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...