Isang madiin na halik sa pisngi ang gumising sakin kinabukasan.
"Good morning, Mommy. Wake up na. We will go to the mall today!"
Tumalikod ako sa kaniya at nagtakip ng unan sa mukha.
"Mommyyy!!" mahabang sabi niya saka ako niyugyog-yugyog.
"Baby, please. Mommy wants to sleep pa."
Nakarinig ako ng tawa bukod sa tawa ni Cole pero hindi ko 'yon pinansin at pilit na bumalik sa pagtulog.
"Mommy, please. It's my first time here in the Philippines tapos ayaw mo pa mag wake up diyan." base sa pagsasalita niya ay nakanguso siya.
Naawa naman ako kaya dumilat na ako at humarap sa kaniya, doon ko nakita ang nakasimangot niyang mukha, nasa tabi niya din ang daddy niya na nakaalalay sa likod niya para hindi malaglag sa kama.
"Do you love me, baby?" tanong ko kay Cole.
"Yes!" sabay nilang sagot ni Raizen. Tinaasan ko naman ng kilay si Raizen bago muling lumingon kay Cole.
"I love you too, baby.." nakangiting sagot ko.
Hinila na ako ni Cole para makatayo na habang si Raizen ay nakasimangot na nakatingin sakin.
I raised my brow asking him why but he just rolled his eyes at me. Aba!
Naligo na ako at nag-ayos ng sarili pagkatapos. Nakaupo ako sa harapan ng salamin at nag-aayos ng mukha nang maupo sa may likuran ko si Raizen at yumakap sa bewang ko, pinatong niya rin ang baba niya sa balikat ko.
Umakto akong normal kahit sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa posisyon naming dalawa. Yes, I find it sweet siyempre, but hell! Hindi ako sanay na ganito siya sakin.
Ito yung Raizen na minahal ko dati. Yung sweet. Hindi yung Raizen na nanakit sakin bago ako umalis. Emosyonal at pisikal.
Sa totoo lang ay masaya akong bumalik na siya sa kung sino ba siya talaga. Hindi na siya yung Raizen na palaging galit at mainit ang ulo.
Kaya siguro ngayong nakabalik na ako at nagbago na siya, hindi na masiyadong big deal sakin yung nangyari dati kasi natauhan na siya. Alam na niya yung totoo at alam kong hindi na siya babalik sa ganung ugali niya.
"'Di mo na 'ko love.." nakangusong sabi niya habang nakatitig sakin mula sa salamin.
Napalunok ako bago ko sinubukang magsalita pero hindi ako nakapagsalita.
Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa bewang ko saka nag-iwas ng tingin. Goodness! Hindi ko napaghandaan ang bagay na 'to, ah.
"Mommy? Daddy?" rinig kong tawag ni Cole mula sa labas ng kwarto saka niya binuksan ang pintuan.
Napangiti siya agad nang makita kami ng daddy niya. Lumapit siya samin at naupo sa lap ko, hinalikan naman ni Raizen ang ulo niya.
"I love you both.." sabi ni Raizen. I love you too.
"We love you too, daddy." sagot ni Cole.
Ang kaninang mahigpit na yakap ni Raizen ay unti-unting lumuwag hanggang sa tuluyan siyang bumitaw. Tumayo siya nang hindi tumitingin sakin.
"Liligo lang si daddy, ha." sabi niya saka walang sabi-sabing tumalikod at pumasok sa banyo. Sinundan ko lang siya ng tingin.
Nagbuntong-hininga ako at pilit na ngiti ang binigay kay Cole dahil nakatingin siya sakin.
Halos isang oras bago siya lumabas ng kwarto at nakaayos na kami ni Cole. Siya na lang ang hinihintay.
Agad kong napansin ang medyyo namumula niyang mata at ilong. Ayokong isipin na umiyak siya pero parang ganon na nga. Umiyak nga siya.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...