Chapter 10

7.3K 105 3
                                    

Tulala ako sa kwarto ko at panay ang pag-iisip kung anong dapat gawin, kung anong dapat sabihin, kung papayag ba ako sa kasal na gusto nilang mangyari o hindi. Ngunit paulit-ulit ko ring iniisip na masasaktan si Raizen kung sakali mang pumayag ako. Natitiyak ko rin na hindi siya papayag magpakasal dahil kay Michelle.

Madali namang unawain ang bagay na 'yon dahil nagmamahalan sila. Eh, kami? Ako lang ang nagmamahal. Kung sakali mang matuloy ang kasal, tali siya sakin, ngunit ang puso niya ay tali sa kasintahan.

Nahihilo akong tumayo, marahil ay dahil ito sa kakulangan sa tulog dahil sa kakaisip ko.

Naghanda ako para pumasok, kahit masakit ang ulo at nahihilo. Pakiramdam ko ay napakabigat ng katawan ko at hirap na hirap akong maglakad.

"Oh, ayos ka lang ba?" tanong agad sakin ni Amber pagkapasok ko ng room. "Namumutla ka."

Tumango ako at naupo na sa upuan ko. Iniwasan kong tumingin sa likod, kung saan nakaupo si Raizen katabi nila Ryan.

"What are you feeling?" Mark asked, worried.

Umiling lang ako at yumuko. Napakasama ng pakiramdam ko. Sobrang init ng katawan ko at pakiramdam ko ay konting-konti na lang mapipikit na ako.

Buong klase sa ilang subject ay nakatulala lang ako at pilit na idinidilat ang aking mga mata. Ayoko man silang mag-alala sakin ay hindi na 'yon maiiwasan dahil halata na sa itsura ko na may sakit ako. Nagpapanggap lang akong kaya ko pa kahit hindi na.

Lumingon sakin si Amber, "Tara na? Kumain na tayo para makainom ka na ng gamot mo." aya niya.

"Sunod ako." simpleng sagot ko. Kumunot naman ang kanilang mga noo.

"Bakit? Hintayin ka na lang namin." sabi ni Liam.

Nahihirapan akong tumayo kaya gusto kong mauna na sila dahil ayokong makita nilang mahina ako.

"Sige na, mauna na kayo. Susunod nga ako." nakangiti kong sabi sa kanila at pagkatapos non ay umalis na sila.

Pumikit ako ng mariin at pilit na tumayo, hindi pa man nagtatagal ng ilang segundo ay nagdilim na agad ang paningin ko. Bago pa man ako tuluyang bumagsak ay mga bisig nang sumalo sa katawan ko.

-

Nagising ako dahil sa pamilyar na amoy ng ospital. Nandito na naman ako, pero hindi na bago 'to. Dahil sa tuwing nagkakasakit ako kay dito sa ospital ang bagsak ko.

"Raizen, 'nak, salamat sa pagdala dito kay Coleen, ha?" rinig kong sabi ni Mommy kay Raizen.

Wait — Raizen? Si Raizen ang nagdala sakin dito? Isa itong himala kung ganon nga. Dahil alam kong galit siya sakin.

"Wala po 'yon, Tita."

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mommy dahil napakatahimik dito sa loob ng kwarto.

"Ikakasal kayo ilang araw pagkatapos ng graduation niyo." sabi ni Mom. Muntik nang manlaki ang mga mata ko sa gulat, mabuti nalang at agad kong napigilan.

"Graduation, Tita?" bakas sa boses ni Raizen ang gulat din. Jusq! Ilang linggo na lang ay graduation na namin! Napakabilis naman ata?!

"I mean, sa college. Pagka-graduate niyo sa college."

Tila nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Mommy. College pa pala. Mababago pa..

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko, pinapakiramdaman ko lang sila hanggang sa marinig kong bumukas at sumara ang pinto.

"I know you're awake." ramdam ang lamig sa boses niya.

Pakiramdam ko ay nanlamig ako dahil sa pakikitungo niya. Napabuntong-hininga na lang ako saka nagdilat at deretsong tumingin sa kaniya.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon