"Coleen.."
Nagulat si Raizen nang makita akong tahimik na umiiyak at pinapanood silang dalawa.
Ayoko na.. pero hindi ko talaga siya magawang iwan. Parang kaya kong tiisin lahat ng sakit basta kasama ko siya. Basta sakin siya uuwi. Pero ibang usapan na 'to, magkaka-anak na sila. Sana lang kayanin ko pa.
Ngumiti ako ng tipid sa kaniya kahit patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko.
Lumapit siya sakin at akmang hahawakan ako pero mabilis kong inilayo ang sarili ko at umiiyak na umiling.
"N-No.."
Namungay ang mga mata niya, nakikiusap. "Please, let me explain.."
Anong ipapaliwanag niya? Sa tingin ko wala. Dahil parehas nilang ginusto ang bagay na 'yon.
I smiled at him, "You don't have to.." I whispered, still crying because of so much pain. "By the way," sinulyapan ko si Michelle na ngayon ay nakangisi sakin. "C-Congrats.." huling sabi ko bago tumakbo paakyat at pumasok sa kwarto ko.
Totoo nga yung sinabi ni Michelle. Babalik nga ako sa pag-iyak ko. Gano'n lang kabilis..
Bakit ba napakasungit ng mundo? Hindi ba ako pwedeng maging masaya? Bakit naman ganito? Sasaya sandali, tapos ang sakit at lungkot na kapalit ay sobra sobra, tipong manghihina ka na.
Ano bang nagawa kong mali at ganito ang parusang nakukuha ko?
Kinabukasan ay wala akong kinibo, si Raizen man o yung mga katrabaho ko. Hindi ako nagsalita.
"Ma'am, okay lang po ba kayo? Kanina pa po kayo tahimik?" bakas ang pag-aalala at pag-aalangan sa boses ni Amy. Tumango lang ako at pumasok sa opisina ko saka nahiga sa couch.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Sa tuwing maaalala ko ang sinabi ni Raizen na masaya siya dahil buntis si Michelle, paulit ulit na nadudurog ang puso ko sa sakit.
Nakarinig ako ng katok ngunit hindi ko na pinansin pa 'yon.
"Ma'am, lunch na po. Kain na po tayo?" rinig kong sabi ni Ailee mula sa labas. Hindi ko ulit pinansin.
Sa ganitong sitwasyon hindi ko alam kung paano ako kakain, kung paano ako matutulog, hindi ko na nga alam ang salitang pahinga mula pa kagabi. Wala akong ibang ginagawa kundi ang umiyak nang umiyak.
Kung kanina ay narinig kong may kumatok lang sa pinto, ngayon ay narinig kong bumukas na 'yon. Paniguradong si Amy o si Ailee lang 'yan at pipilitin akong kumain.
"Hindi ka pa daw kumakain.."
Napabangon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Raizen.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig kong tanong.
Binaba niya ang tray ng pagkain sa table ko at lumapit sakin.
"I'm sorry.." mahinang sabi niya.
Mapait akong natawa. Sorry na naman? Pang-ilang sorry na ba niya 'yan? Hindi ko na mabilang.
Sumandal ako sa couch at tumingin sa kisame. "Sawang-sawa na ako sa sorry mo." bulong ko. "Wala rin namang nangyayari at wala na rin namang mangyayari pa. Nandiyan na 'yan, e.. Buo na." sarkastiko akong natawa sa huli kong nasabi. Wala akong narinig na sagot sa kaniya.
Pumikit na lang ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Pilit ko pang pinipigilan ang paghikbi ko. Mas lalo akong naiyak nang punasan niya ang mga luha ko kasabay ng paghalik niya sa noo ko.
"Let's end this.." kusang lumabas sa bibig ko.
"E-End what?"
I opened my eyes and looked at him, "This bullshit." bakas sa mukha niya ang pagkalito kaya nginitian ko siya, "Maghiwalay na tayo.."
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...