Chapter 11

5.8K 106 3
                                    

Four years later

"Congratulations to us, girls!!" masayang sabi ni Amber. Yes, we're officially.. finally a college graduate!

Bukas na.. Bukas na ang kasal namin ni Raizen. To be honest, I really don't know what to feel.

Should I be happy?

But, I knew for myself that I would never be happy in this marriage. Because this marriage will definitely ruin what he has. God knows, I don't want that, but like what my Mom said before, we had no choice but to obey.

"Are you ready?" Mark and Ryan asked, halos magkasabay pa. Kahit 'yon lang ang itinanong nila, alam ko kung anong ibig sabihin nila.

I sadly smiled, "I'm actually not.." I said, almost a whisper, "You know the real situation." malungkot kong sabi.

Akala ko hindi matutuloy 'to. Inisip ko pa dati na matagal pa naman, ilang taon pa, pero ngayon nandito pa rin yung plano na 'yun.

Ngumiti rin sila ng malungkot sakin.

Sa totoo lang, natatakot ako. Oo, mahal ko siya. Pero sa ilang taong nagdaan, hindi nawala sa isip ko at hindi lumipas ang isang araw na hindi ko naitanong sa sarili ko kung anong mangyayari kapag kinasal na kami.

Mark said that he still likes me, but he said that he knows his place. He knows that our friendship is more important than our feelings.

He always has my back.

"Congratulations, baby! We're so proud of you." bati sakin ni Mommy nang makalapit sila ni Daddy. I kissed their cheeks.

"Congrats, our future Cabin Crew." Dad said with a wide smile. I hugged them both.

Binati rin nilang dalawa ang mga kasama ko. Natutuwa nga ako at madaling nagkasundo ang mga magulang namin. Kaya sa nakalipas na taon ay madalas silang magkakasama, tapos kaming magkakaibigan naman ay palaging na sa bahay namin kapag magkakasama rin ang mga magulang namin.

Pero nakakalungkot din na sa loob ng apat na taon, napakadalang nila makasama si Raizen. Palaging si Michelle lang ang kasama niya.

Pakiramdam ko tuloy ay nabawasan ng isa ang grupo namin. Pero mas nalulungkot ako para kila Mark, dahil silang lima naman talaga ang magkakabarkada pero ngayon hindi na magkakasama.

Kasali din si Raizen sa mga nagtapos ngayon, si Michelle lang ang kasama niya at ang mga magulang nito. Si Kuya Paolo kasi ay bumalik sa ibang bansa.

Inaya na ako nila Mommy na umuwi kaya nagpaalam na ako sa mga kasama ko dahil may kaniya-kaniya rin silang mga lakad kasama ang mga pamilya nila.

"Magiging Mrs. Evangelista na ang baby girl ko." sabi ni Mommy habang kumakain kami. Nginitian ko lang siya ng tipid.

Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman. Hindi ko talaga kayang maging masaya.

-

"Ready?" tanong ng isa sa wedding coordinator, si Kate. "The wedding ceremony will start in two minutes."

Dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Hindi ko masabing masaya ako pero hindi ko rin masabing malungkot ako. Basta, hindi ko alam.

Nandoon kaya si Michelle? Si Raizen kaya nandoon na? Paano kung hindi siya magpunta? Paano kung nagtanan na sila? Umiling-iling ako para alisin sa isipan ko 'yon.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon