Chapter 9

5.5K 101 5
                                    

I wanted to ask them why. Badly wanted. But does it matter?

Malaman ko man ang rason o hindi.. alam ko namang hindi matutuloy ang kasal na 'yan. Hindi papayag si Raizen.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school at nagulat ako kasi nandito si Michelle. I'm sure that Raizen won't go to school for days because of his parents death, so why Michelle's here?

I walked towards her. I was about to speak but I was shock when she slapped me. I looked at her and she slapped me again. Did she just... slapped my both cheeks?!

"What the hell, Michelle!" gulat at inis na sabi ko. "What the hell is your problem?"

Nanlilisik ang mga mata niya. "You!" sigaw niya.

Maingat akong tumingin sa paligid at nakahinga ng maluwag nang wala pang masiyadong tao. Ngunit nasisiguro ko na may ilang nakakita ng pagsampal niya.

"What did I do?"

"You seduced my boyfriend!" sigaw niya ulit.

My eyes widened in shock. "I what?"

Galit siyang tumingin sakin. "You seduced Raizen! He told me yesterday! How could you?!"

I didn't answer her, not because I'm guilty. Hindi lang ako sumagot dahil ako yung tipo ng tao na hindi na nagpapaliwag kapag naakusahan na. What's the sense of telling her the truth if she believed with what her boyfriend said, right?

"Sa bataan pa lang pala inakit mo na siya! Anong pumasok sa isip mo at nilandi mo ang boyfriend ko? Ha?! For God's sake, Coleen! You already know that he's already taken pero inakit mo pa rin? Ganon ka ba talaga kalandi ha?! Ganon ka ba talaga kasabik sa lalaki?" sigaw niya at akmang sasampalin ako pero mas mabilis ang kamay ko, napigilan ko agad siya at mahigpit kong hinawakan ang braso niya. Napangiwi siya sa sakit pero wala akong pakialam.

"Wala kang alam." mariing sabi ko.

She smirked. "Really? Sapat na ang alam kong malandi ka at nilandi mo siya. Tapos ngayon, ano? Magpapakasal kayo?! Napaka desperada mo naman pala talaga! Dinamay mo pa ang pamilya niyong dalawa para lang diyan sa kalandian mo?!"

I slapped her, twice. Mas malakas at mas masakit sa naging sampal niya sakin. Kung sampalan lang naman pala, mas may laban ako. Kitang-kita ko sa mukha niya ang sakit. Kitang-kita ko sa parehas niyang pisngi ang dalawang palad ko, bumakat.

Nahigit ko ang hininga ko nang may biglang humila sa braso ko at isang malakas na sampal ang natanggap ko.

Mabilis na nangilid ang luha ko nang makitang si Raizen 'yon. He... He slapped me. Raizen slapped me..

"You don't have the right to hurt my girlfriend in front of everyone!" galit na sabi niya.

"And so are you." lumingon ako sa likod ko at nakita ko sina Mark, Ken, Ryan at Liam, kasama sila Amber.

"Mark!" sigaw ko at hinawakan ang braso niya dahil sinuntok niya si Raizen.

Nagdudugo ngayon ang gilid ng labi ni Raizen.

Hinila ako ni Ryan papunta sa likod niya, agad naman akong inalalayan nila Amber.

"For your fucking information, you don't have the right to hurt her." matigas na sabi ni Ryan na ngayon ay hawak ni Arra sa braso at pinipigilan.

Galit na tumingin sa kaniya si Raizen. "And she has the right to hurt my girlfriend?!"

Mark glared at him. "You fucking saw everything. You saw that Michelle slapped her first." seryosong sabi niya.

He saw? And now, my fault?

"Mark! You are my cousin! Dapat ako ang kinakampihan mo at hindi ang malandi na 'yan!" sigaw ni Michelle kay Marc.

Galit na pumunta si Amber sa harapan ni Michelle. "What did you just call her?" mariin at mabagal na itinanong ni Amber.

"Malandi! Kasi malandi naman talaga siya-" Amber cut her off by slapping her. Harder.

"Amber!" sigaw ni Raizen kay Amber. Hindi naman nagpatinag si Amber. Hindi nila matatakot ang best friend ko. Nanatili naman kaming walo sa pwesto namin at tiningnan lang si Amber.

"Call her that once again, I will show you what hell looks like." seryosong sabi ni Amber. Mukha namang natakot si Michelle at umatras ng bahagya. Kahit ako nakaramdam ng takot sa paraan ng pagsasalita ni Amber. Masiyadong madiin at mabagal, idagdag pa ang seryosong mukha niya.

"I'm not scared of you!" Michelle said. Gusto kong matawa. Kanina lang napaatras siya, tapos ngayon humawak siya kay Raizen at hindi daw siya takot.

Amber smirked at her, "You should be, girl. You should be." she said and looked at me. "Let's go, Coleen." sabi niya at hinila ang kamay ko. Sumunod naman sila Nathalie.

"Explain." sabi niya pagkapasok na pagkapasok namin sa room. Wala pang masiyadong tao sa room, nasa labas pa panigurado ang mga kaklase namin o wala pa yung iba. Gaya nga ng sabi ko kanina, maaga akong pumasok. Hindi ko naman alam na sila din pala.

I bit my lower lip and sighed, "Obviously, she's waiting for me. She said that Raizen told her yesterday that I sed-" she cut me off.

"Not that one." sha said and I got confused.

"What?" I asked before looking at them. They are all looking at me. I got more confused.

Liam spoke, "Ikakasal kayo?"

Bigla ay parang nawala ang pagkalito ko dahil sa tinanong niya. 'Yon pala ang tinutukoy ni Amber.

Nagbuntong hininga muna ako bago nagsalita, "Arranged marriage.. I guess."

Lahat sila nagulat sa sinabi ko. Sino ba namang hindi? Hindi naman kasi uso samin 'yon nila Amber. Hindi na uso 'yon ngayon.

"How did that happen?" tanong ni Mark.

"I don't know. I didn't ask my Mom though I wanted to."

Tinanong ko sa kanila kung bakit maaga silang pumasok ngayon. Pupunta daw sila kila Raizen pero nakita nilang umalis ito kaya sinundan nila.

Lumipas ang apat na araw, ngayon na ang libing ng mga magulang ni Raizen. Kasama ko sila Amber. Buong grupo namin. Umuwi din ang Kuya ni Raizen na si Kuya Paolo, hindi ko alam kung anong mayroon at mabilis ko siyang nakapalayagan ng loob. Ayaw niya pa na mag-patawag sakin ng Kuya dahil limang taon lang naman daw ang age gap namin.

Wala kang ibang maririnig kung hindi iyakan ng mga ka-pamilya. Si Raizen at ang Kuya niya naman ay tahimik na nakatingin sa kabaong nila Tita. Ayon na naman siyempre si Michelle na todo ang alalay kay Raizen. Noong nakita niya nga ako kanina inirapan niya agad ako. Hindi ko na lang pinansin pero sila Amber ang inis na inis.

Michelle walked towards us. "Hindi mo siya makukuha sakin. Never." mariing sabi niya.

Hindi ako kumibo at inirapan niya lang ulit ako.

"That bitch!" inis na sabi ni Nath. Siniko ko naman siya at pa-simpleng tumingin kay Mark. Na-gets niya naman at tumikhim.

Kahit inis na inis ako sa babae na 'yon, irerespeto ko pa rin ang katotohanan na pinsan siya ni Mark.

Umuwi na kaming lahat pagkatapos non at nagpahinga. Pakiramdam ko ang daming nangyari sa ilang araw na lumipas at pagod na pagod ang isip ko kaya napagdesisyunan kong matulog na lang dahil bukas panibagong usapan at araw na naman.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon