Chapter 16

7.5K 120 2
                                    

"Okay na ba?"

Nandito ako ngayon sa cafe ko. Opening na today! Free muna kami ngayon dahil nga opening pero bukas siyempre hindi na.

"Yes, Ma'am. Okay na po lahat. Pwedeng pwede na talaga tayo magbukas ngayon!" masayang sabi sakin ni Ailee na ikinatuwa ko.

"Thanks, Ailee.."

Mayroon na agad mga pumapasok sa cafe at masigla silang binabati ng mga waiter kasama na kaming tatlo nila Amy at Ailee.

"Nasaan po pala ang asawa niyo, Ma'am?" biglang tanong sakin ni Amy pagkalapit ko sa counter.

Ngumiti ako sa kaniya ng tipid, "He's busy with their company.."

"Oh, talaga, Ma'am?" tanong ni Ailee na tinanguan ko. "Eh, sino po 'yon?" tanong niya ulit at tumingin sa may entrance. Si Raizen kasama si Michelle.

Agad na sumama ang mukha ko pero pinilit kong maging kalmado.

"Sino siya, Ma'am? Bakit todo kapit naman yata?" bulong sakin ni Amy na ngiti lang ang isinagot ko.

Nakatingin ako sa dalawa habang papalapit sila dito. Hindi maipinta ang mukha ni Raizen habang hinihila siya ni Michelle. Alam kong alam niya na sakin ang cafe na 'to, ang hindi ko lang sigurado ay kung alam din ba ni Michelle.

Naupo sila sa table na malapit lang sa counter - sa pwesto ko.

Nag-angat ng tingin si Michelle at nanlaki ang mata niya nang makita ako. Siya namang iwas ng tingin ni Raizen.

"What the?" gulat na sabi niya. "Is this yours?!"

"Yes, Miss. This is hers..." si Amy ang sumagot saka ngumiti ng malapad kay Michelle, parang nang-aasar.

Gusto ko man siyang lingunin dahil sa pagtataka ay nanatili kay Raizen ang paningin ko na ngayon ay nakatingin din sakin.

Sa lahat na lang ng lugar kung nasaan ako, nandoon kayo at sinasaktan ako...

Umiling ako at lumingon kay Michelle.

"What's your order, Ma'am?" plastik akong ngumiti sa kaniya.

She smirked at me. "One cheesecake and one latte for me. How about you, babe?" mas lumapad ang pagkakangisi niya.

Bago pa siya makasagot ay may lumapit na sakin na isang waiter.

"Mrs. Evangelista, may naghahanap po sa inyo. Nasa labas."

Umawang ang labi niya at saka ako sinamaan ng tingin. Ako naman ngayon ang ngumisi sa kaniya.

"Sure, Jeric." I said, still looking at her.

Tumingin ako kila Amy at Ailee, "Kayo na muna dito." tumango sila. Aalis na sana ako nang may maalala ako.

"Pagbayarin niyo sila, okay?"

Kumunot ang noo ni Ailee, "Pero Ma'am, diba-" Amy cut her off by covering her mouth.

"Sure, Ma'am. Kaming bahala."

Tumango na lang ako at tumalikod na pero narinig ko pang bumulong si Amy.

"Gaga, kabit ni Sir Raizen yung kasama niya..."

Siya nga ba? Pakiramdam ko kasi ako ang kabit.

Lumabas ako ng cafe at nagulat ako nang makita si Kuya Paolo na nakasandal sa hood ng car niya.

"Oh my gosh, Kuya Pao!" masayang sabi ko at niyakap siya.

Natawa siya, "How many times do I need to tell you not to call me 'kuya'" nakasimangot na sabi niya.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon