Chapter 20

9.3K 143 24
                                    

Matured Content.

-

Kinabukasan nang magising ako ay nakarinig ako ng mga nababasag kaya hindi na ako nag-ayos pa ng sarili, lumabas agad ako at dumeretso sa kwarto ni Raizen. Halos maiyak ako sa nadatnan ko. Basag ang mga gamit niya at puro bote ng alak sa sahig habang siya ay nakaupo sa sahig at sabunot ang sariling buhok. Halatang umiiyak dahil sa pagtaas-baba ng kaniyang balikat.

Nasasaktan ako kasi nagkakaganiyan siya. Siguro nga may kasalanan ako. Dahil pinakita ko sa kaniya ang patunay sa sinabi ni Raizen sakin. Kung hindi ko 'yon ginawa edi sana hindi nagalit at nanakit si Michelle, hindi sana aabot sa ganito.

Mukhang nagkamali ako sa naisip ko noon. Sinabi kong masisira siya ng pagpapakasal namin, pero ito pala 'yon, ito pala ang sisira sa kaniya at masakit dahil ako ang dahilan nun.

Tahimik ko siyang pinanood sa maliit na pagkakabukas ng pinto ng kwarto niya. Tumayo siya at nahiga sa kama, pinanood ko kung paano siya makatulog. Nang masiguradong tulog na siya ay saka ako pumasok ng kwarto niya.

Tuluyang bumagsak ang mga luha ko nang makita ang kabuuan ng mukha niya. May dugo pa sa braso at pisngi niya. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Gulo gulo ang buhok niya. Bakas ang pagod sa buong mukha niya.

Kumuha ako ng bulak para linisin ang dugo sa braso at pisngi niya. Marahan akong naupo sa gilid ng kama niya umiiyak na dinampian ng bulak ang sugat niya. Siguradong magigising siya kung lalagyan ko ng alcohol ang bulak kaya minabuti kong alisin nalang ang dugo dahil bagong sugat lang naman 'yon.

Matapos kong gawin 'yon ay kumuha ako ng bimpo at maligamgam na tubig para punasan siya. Halatang ngayon lang siya nakatulog base sa itsura niya. Amoy na amoy ang alak na ininom niya sa buong katawan at kwarto niya.

Habang pinupunasan ko siya ay panay ang pagbanggit niya sa pangalan ni Michelle, maging ang salitang baby ay paulit-ulit niyang binubulong. Patuloy naman sa pagpatak ang mga luha ko.

Kasalanan ko...

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko.

"I'm sorry..." I whispered and kissed his cheek and his forehead, "Mahal na mahal kita at nasasaktan akong nakikita kang ganito. Please, Raizen, tama na.." umiiyak kong bulong, patuloy pa rin sa pagsuklay sa buhok niya. 

Hinalikan ko siya ng mariin sa labi bago ko napagdesisyunang lumabas ng kwarto niya.

Pumasok ako sa cafe, halos wala sa sarili pero pinilit kong magtrabaho at maayos na humarap sa mga customer. Pansin ko rin ang patingin-tingin sakin nila Ailee pero nginingitian ko lang sila. Alam naman nila kung anong nangyari, ilang araw ang lumipas.

"Coleen!"

Lumingon ako sa tumawag sakin at nakita ko sila Nathalie, Athena, Arra at hindi ko inaasahang makita si Amber.

Agad akong lumapit at niyakap sila. Hindi ko na napigilan ang mabilis na pagpatak ng mga luha ko. Sa bigat ng sitwasyon ngayon, sila lang ang  kailangan ko. Sila lang ang makakapagpagaan ng loob ko.

"Kumusta ka na?" malungkot ang ngiti na tanong ni Amber.

Sa kanilang apat ay si Amber ang mas kadikit ko kaya napakasaya ko ngayong nandito siya at sila kung kailan kailangang kailangan ko ng kasama.

"Kaya pa.." mahinang sagot ko.

Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala at awa.

"He's blaming me.." pikit mata kong sabi, pigil ang luha.

"What? Bakit!"

"Akala niya tinulak ko si Michelle kaya siya dinugo. Galit na galit siya sakin dahil nakunan si Michelle."

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon