"I may not have loved you first, but I loved you the most.."
-
Pang-apat na linggo na namin ngayon ni Cole dito sa Korea at bumalik na rin siya sa school niya habang ako ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho.
Noong una hanggang pangalawang linggo madalas siyang umiyak dahil nami-miss na daw niya ang daddy niya pero ngayon hindi na. Siguro nakasanayan na rin niya na hindi nakikita si Raizen kaya ganon.
Ngayon ay nandito kami sa isang park dahil wala akong lipad ngayon kaya naisipan kong ilabas muna siya.
Marami siyang pinagbibiling pagkain kahapon para daw kapag tumambay nga kami dito ay marami siyang makakain.
Pinapanood ko siyang makipaglaro sa mga bata dito habang ako ay tahimik na kumakain.
Maya maya ay nakangiti siyang lumapit sakin at nag-abot ng sunflower na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
Nakangiti ko 'yong tinanggap at tiningnan ang nakasulat.
I love you,
"I love you too, baby.. Pero saan mo 'to nakuha?"
Ngumiti siya sakin at tinuro ang lalaki na may hawak na mga sunflower. "Sakaniya po.."
Nakasuot ng hoodie yung lalaki at naka face mask.
"Nagtitinda siya?"
"No-I mean yes, Mommy.." sagot niya saka nag-iwas ng tingin at ngumuso.
"You're lying.."
Anak ko siya kaya kilala ko siya. Ganito siya kapag hindi nagsasabi ng totoo.
Mabilis siyang tumingin sakin at sunod sunod na umiling. "Mommy, I'm not!"
You are, baby..
"Okay. Bili mo pa si Mommy. Diba love ni Mommy ang sunflower?" nakangiti kong sabi.
Kaya nga naisipan kong Sunflower ang ipangalan sa cafe ko eh.
Tumango siya saka bumalik doon sa lalaki tapos bumulong, maya maya ay nag-apir silang dalawa sabay yakap ni Cole at mabilis ding lumayo saka lumingon sakin.
Niyakap ng anak ko? Sino ba 'yon?
Nang makalapit siya sakin na may dalang tatlong sunflower ay tinanong ko agad siya kung sino 'yon.
"Well, Mommy.. He's my friend po."
"Friend?" kunot noo kong tanong.
"Yes, My. Kasi po nagkwento siya sakin and he said that malayo siya sa anak niya kaya po bati kami kasi malayo din po ako sa daddy ko.."
Malungkot akong ngumiti nang maalala si Raizen.
Noong pangalawang linggo namin dito ay tinawagan ako nung lawyer at sinabi niya na pumirma na si Raizen kaya hiwalay na talaga kami. Napabilis ang pag-approve ng annulment dahil kaibigan ni Amber ang nilapitan ko.
I admit, nasaktan ako non. Iyak ako nang iyak nung araw na 'yon pero ginusto ko 'to eh. Ako ang may gustong maghiwalay kami kaya kahit masakit sakin, tinanggap ko na wala na talaga. Na hiwalay na talaga kami at hindi na magkakabalikan pa.
Pero ano naman kasing magagawa ko, nawalan ako ng anak. Sobrang sakit nun para sakin na ina.
Inaya ko nang umuwi si Cole dahil mag-aayos pa ako ng gamit kasi may flight na ako bukas at ilang araw din 'yon na sunod sunod kaya maiiwan muna siya sa yaya niya.
Since wala na sila Amber dito, wala nang magbabantay sakaniya kapag wala ako kaya naisipan kong kumuha ng yaya niya at natutuwa ako dahil hindi ako nabigo. Mapagkakatiwalaan yung yaya niya kaya kampante ako na walang mangyayaring masama sa anak ko kahit pa wala ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...