Chapter 21

8.9K 134 23
                                    

Warning. Matured Content.

-

It's been a month already. Nandito pa rin ako sa bahay namin sa Bulacan. Pumapasok pa rin naman ako sa cafe everyday pero I have no news about him. Nakakausap ko pa rin madalas sila Ate Margaux, Kuya Paolo and yung mga kaibigan at kasama ko sa cafe pero hindi ko sila pinapakinggan kapag siya na ang pinag-uusapan.

Halos dalawang buwan na lang wedding anniversary na namin. Nakakatawa kasi parang normal na araw na lang 'yon, na parang walang dapat ipag-celebrate. Sabagay, paano ice-celebrate ang araw na 'yon e hindi ko nga siya kasama kasi pinili niya ang iba.

"Hindi mo ba siya namimiss?" tanong ni Amber. Nandito siya ngayon sa bahay dahil next week ay babalik na sila ni Drake sa Korea kaya sinusulit na daw niya yung remaining days niya dito.

Namimiss? "Sobra.."

Nagbuntong hininga siya, "Bakit ayaw mo pang umuwi?"

Kunot-noo ko siyang nilingon, "You know why.."

"Eh, ano? Dito ka na lang? Mag-asawa kayo, Coleen. Kailangan niyo pa ring ayusin 'yan. Kung ayaw niyo na talaga, edi maghiwalay na lang kayo kaysa patagalin niyo pa nang patagalin."

Nagbuntong-hininga ako at hindi sumagot.

Gusto ko nga, pero kaya ko ba? Sobrang mahal ko 'yon kahit sobrang gago rin. Isa pa, ayaw niya rin naman makipaghiwalay.

Nung araw na 'yon ay hindi ako pumasok sa cafe dahil may usapan kami ni Ate Margaux na magkikita kami ngayon.

Around 11 AM ako umalis ng bahay at bumyahe papuntang QC. Para hindi na siya mahirapan ay sinabihan ko siya na ako na lang ang pupunta sa QC para sa kaniya. Pinilit pa niya na siya na lang ang susundo sakin para makita niya na rin ang bahay ng kapatid niya pero hindi ako pumayag. Mahirap pa kasi kung magpapabalik-balik kami.

Halos ala una na ako nakarating sa bahay niya sa QC dahil sa traffic.

Tinawagan ko siya na nasa labas na ako ng bahay niya kaya sinalubong niya ako sa gate. Napakaganda ng bahay niya. Natatandaan ko ang sinabi niya sakin na pauuwiin niya dito ang asawa't anak niya at dito na sila titira na ikinatuwa ko. Finally, mami-meet ko na ang baby girl niya.

Pumasok kaming dalawa sa loob ng bahay at nagulat ako nang makita si Raizen na natutulog sa couch, sa living area.

Anong ginagawa niya dito?

Pasimple akong tumingin kay Ate Margaux at tinanong gamit ang tingin.

"One week na siya dito." sabi niya at nagbuntong-hininga.

My forehead creased, "One week? Why? I thought.." naguluhan ako sa sinabi niya.

One week na siya dito? Bakit naman kaya? Nasaan si Michelle, kung ganon?

"Michelle left."

"What?"

Kung kanina ay naguguluhan ako, ngayon naman ay nagulat ako. Ano bang nangyari sa loob ng isang buwan na wala ako dito?

"Because of you, Coleen." What?

Nagbuntong-hininga ako at tumingin kay Ate, "Ate please, deretsuhin mo na ako. Bakit siya umalis? Anong dahil sakin? Eh, diba nga iniwan ko na sila sa bahay? Paanong ako pa ang magiging dahilan kung bakit siya iniwan?"

Gulong-gulo na talaga ako. One month akong nanahimik. One month kaming hindi nagkita-kitang tatlo tapos because of me daw why she left? Seriously...

"Okay. Sa loob ng isang buwan na wala ka, Raizen was—"

She was cut off by a fake cough.

Lumingon ako sa pinanggalingan non at halos mapigilan ko ang paghinga ko nang makitang gising na siya at seryosong nakatingin sakin. Napalunok ako sa hindi maipaliwanag na pakiramdam.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon