"Everything happens for a reason.."
-
"Good morning, my pretty Mommy.."
I smiled a little and kissed his forehead, "Good morning, baby.."
He stared at me, "You look sad, Mommy.."
"I'm not, baby. Mommy's just thinking about something, okay?" pangungumbinsi ko.
Pinalitan ko na siya ng damit dahil dadalin ko siya kila Ate Elaine kasi pupunta ako ng OB ngayon for check up. Actually, kami ni Raizen.
"Mommy. What if po sumama nalang ako? Please.." nakangusong tanong niya na ikinatawa ko ng mahina.
Someone hugged me from behind, na nagpatahimik sakin.
"Sama nalang natin tapos deretso tayo sa mall para bumili ng gamit ni baby.."
Kunot noo ko siyang nilingon, "Almost four weeks palang akong buntis tapos bibili na ng gamit? Seriously?" masungit kong sabi.
Pabalik palang kami ng Quezon City kagabi ay naging masungit na ako sakaniya at alam kong napapansin niya 'yon, hindi lang siya nagsasalita.
Sinama nga namin sa OB si Cole at tuwang tuwa siya nang makumpirma na magkakaroon na nga siya ng kapatid. Ayaw niya kasing maniwala sakin na magkakaroon na siya ng kapatid kaya tuwang-tuwa siya ngayon.
Habang nasa byahe papunta nang mall ay muli akong tumahimik lang at napapansin ko ang paglingon-lingon sakin ni Raizen.
Nauna akong bumaba nang mai-park niya ang sasakyan saka ako dumeretso sa backseat para pagbuksan ng pinto si Cole.
Naramdaman ko ang marahang paghawak ni Raizen sa kamay ko pero hindi ako nag-react. Hindi ko rin siya nilingon.
Hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag niya, hinding-hindi magiging maayos ang pakikitungo ko sakaniya.
Alam kong nasabi na ni Amber kay Raizen kung anong problema pero siya, wala pa ring ginagawa. Hindi pa rin nagpapaliwanag. Tangina, mahirap manghula nang manghula.
"You okay?" he asked, I just nod.
"You're not.."
Pairap akong tumingin sakaniya, "Edi sana hindi ka nalang nagtanong, diba?"
"Seriously, ano bang problema?"
"Seriously. Just fucking walk and stop asking me what's the problem." inis na sabi ko.
"Mommy.."
Nagbaba ako ng tingin kay Cole na pinangingiliran na ng luha.
"Mommy's not mad, okay? Stop crying.." sabi ko matapos punasan ang luha niya.
"You are.."
Nagbuntong-hininga ako. Manang mana sa tatay. Pinipilit ang gusto.
"I'm not. Wala lang sa mood si Mommy. Tama na, okay?"
Matapos namin maglakad-lakad at kumain ay nag-aya nang umuwi si Raizen dahil may pupuntahan daw siya. Alam ko naman kung saan siya pupunta dahil usapan na nga nila 'yon.
Sinundan ko yung kotse niya at tama nga ako. Condo 'to ni Michelle. Sa condo ni Michelle siya nagpunta. Nagmamadali pa.
Pinunasan ko ang luha na sunod sunod na pumatak saka ako umalis sa lugar na 'yon.
Sakit sa puso, Raizen..
Muling lumabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko kaya't hindi ko agad napansin ang van na pasalubong sakin.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife - COMPLETE
RomancePROLOGUE #1 Can you fall for someone you've never met? 'Yan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Coleen Enriquez. Dahil may isang lalaki siyang nakilala sa facebook pero hindi niya pa nakikita. Siya si Raizen Evangelista. Hanggang sa n...