Chapter 13

6.5K 123 3
                                    

I came out of my room, eyes swollen. Like yesterday.

Huwag naman sanang araw araw ay ganito ang mata ko sa tuwing lalabas ako ng kwarto ko.

I walked towards the kitchen. Wala pa siya. Nasaan kaya siya? Ah, baka nasa kwarto pa.

But it's already 9 am.

Natigilan ako nang makitang may pagkain sa mesa. Fried rice, hotdog, bacon at itlog. Meron pang isang basong gatas na may nakalagay pa na note, "Eat this."

Hindi ko maiwasang mapangiti. Sweet.

Magana kong inubos ang pagkain na niluto niya at hindi ko maiwasang mapaisip.

I always tell my friends that Raizen will get hurt sa forced marriage na 'to, but the truth is, ako yung nasasaktan. Maybe not emotionally, yes. But physically.

Marahan kong hinawakan ang panga ko na mahigpit niyang hinawakan kagabi at napangiwi agad ako sa sakit. Hindi lang ang mga mata ko ang namamaga, but also my jaw because of what he did last night.

Hindi ko naman siya masisisi dahil nasampal ko siya kaya baka nabigla lang din siya sa ginawa niya.

Really? Nabigla? Parte ba ng pagkabigla niya ang bastusin ka? sabi ng isip ko. Napapikit ako ng mariin.

"I'm sure na hindi niya sinasadya 'yon, Coleen." sabi ko naman sa sarili ko. Sana nga.

Niligpit ko ang pinagkainan ko matapos kong kumain.

I was about to go upstairs when I heard the door bell rang.

Sino naman kaya 'yon? Huwag naman sanang si Michelle na naman. Ihahampas ko na talaga siya sa sahig kasi diba ganon ang ginagawa sa mga ipis. Eh, mukha siyang ipis.

I walked towards the door and opened it. Sumilip ako sa may gate at nakita ko si Amber.

"Oh, what are you doing here? Wait, are you okay? What happened to you?" sunud-sunod kong tanong.

Naluluha siyang tumingin sakin kaya agad ko siyang inakay papasok sa loob ng bahay.

"Hey.. bakit?" tanong ko sa kaniya matapos ko siyang paupuin sa couch.

She looked at me and started crying. Pinuno ng pag-aalala ang buong pagkatao ko. Niyakap ko siya at doon siya umiyak nang umiyak.

Nakilala ko siyang matapang na babae. Halos mabibilang ko sa daliri ko kung ilang beses lang siya umiyak. Pero ngayon, kitang-kita sa mga mata niya yung sakit. Sakit na hindi ko pa alam kung bakit.

"I-I did everything.. I tried.. I gave everything.." umiiyak niyang sabi. Hindi ko maintindihan.

Humiwalay siya sakin at tumingin sa nakapatay na TV. "I love him so much but.. I am not enough. I am not his type. I even offered him my virginity, but still, he rejected me. Hindi niya ako kayang mahalin kasi hanggang ngayon mahal niya pa rin ang ex niya. Hindi niya ako kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya.."

Wait—

"You offered him what?"

She looked at me, "My virginity.."

"Why?"

"Because I love him. I really do." she said, sobbing.

"Four years. Four fucking years.." sabi niya at tumawa habang umiiyak pa rin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Alam ko naman kasing grade 12 pa lang kami, may gusto na siya kay Ken.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon