Chapter 23

9.8K 155 38
                                    

Warning. Matured Content.

-

Tatlong araw matapos namin magpunta sa Palawan. Wala naman halos nangyari kundi siyempre ang maligo, mag-inom sila at magkuhanan ng kaniya-kaniyang picture kasama ang mga boyfriend/girlfriend nila.

Sa amin naman ni Raizen ay wala din. Dahil matapos nung araw na nag-usap kami ay hindi na kami nagtinginan pa. Hindi na kami nag-usap pa. Wala rin namang nagsasalita tungkol sa nangyari dahil sa kanila mismo ay alam na nila 'yon. Lalo pa't ganon ang sinabi ko sa truth or dare -- sa tanong ni Arra.

Noong una ay sa Bulacan ako umuwi pero doon din siya umuwi, may kasama pang babae. Tapos nung dito naman ako sa QC nagpunta, sumunod rin siya. May kasama ulit na babae, ibang babae naman. Nakakapikon lang.

Gusto ko na siyang iwasan dahil 'yun lang magagawa ko kasi ayaw niyang makipaghiwalay, siya naman 'tong pakita nang pakita sakin. May kasama pang iba.

Sa inis ko ay dito na lang rin ako sa QC nanatili kahit nakakapikon siya at yung babae niya.

Ang mas nakakainis pa, napapansin kong iniiwasan niya rin naman ako katulad ng pag-iwas ko. Hindi rin naman kami nag-uusap. Talagang nagpapapansin lang siya. Kung nasaan ako ay gusto niya nandun rin siya.

Pero kanina ay pansin kong hindi maganda ang mood niya. Nakakunot ang noo niya at seryosong-seryoso ang mukha niya. Hindi ko alam kung anong nangyari at wala na akong balak pang alamin 'yon.

Sa tatlong araw na 'yon ay pikon na pikon ako sa kanila ng babae niya. Ang lakas umungol.

Wala akong magawa ngayong Sunday at wala rin namang pupuntahan kaya naisipan kong manood na lang ng movie sa living room.

Halos mapatayo ako sa gulat nang biglang bumukas at sumara ng malakas ang pintuan kaya lumingon ako don. Si Raizen. Tama nga ako. Hindi nga maganda ang araw niya. Galit na naman siya.

Sakin na naman ba?

Masama ang tingin niya sakin nang malingunan ako. Sakin na naman nga.

"This is your fault!" sigaw niya sakin. Kitang kita ang galit sa mga mata niya.

He's drunk. Again. But thank God, walang kasamang babae.

Hindi ako nagpatinag kahit nasaktan agad ako sa sinabi niya. My fault? Again?

"Ano na namang ginawa ko?" kalmado kong tanong. Nadala na ako. Ayaw ko nang sabayan ang galit niya dahil lalo lang kaming nagkakasakitan na dalawa. Hindi rin naman naayos ang problema. Lalo lang lumalala at nadadagdagan.

"She left me because of you! Pinagpalit niya ako dahil sayo!" sigaw niya pa rin, bakas ang galit at sakit sa boses niya.

Baka nakita niya si Michelle at yung lalaki kaya siya ganiyan.

Hindi ko siya tiningnan. Nakatulala lang ako sa TV at nilaro-laro ang dila ko para pigilan ang pag-iyak ko.

Dahil na naman pala sakin. Dahil na naman sakin kung bakit siya nasasaktan. Pero wala akong ginagawa. Alam kong bulag pa siya sa katotohanan kaya siya ganiyan. Hahayaan ko na lang.

"Raizen.." nilingon ko siya. Nakatayo siya malapit sakin. Kuyom ang kamao at igting ang panga. "Hindi ka ba napapagod?" kalmado ko pa ring tanong.

Hangga't kaya kong mag-adjust para sakaniya, hangga't kaya kong intindihan siya, kahit pinalaya ko na siya, gagawin at gagawin ko pa rin. Dahil ganito ko siya kamahal. Wala rin naman akong choice dahil sinusundan niya ako kung nasaan man ako.

Totoo namang pinalaya ko na siya. Papansin lang talaga siya.

Ang dami niyang sinabi. Ang daming isinisi sakin, nakinig ako. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Dahil lahat naman ng sinabi niya ay halos hindi totoo. Wala akong kasalanan. Pipilitin ko 'yon sa sarili ko pero hindi ko 'yon ipipilit sa kaniya. Wala akong laban sa sarado niyang isip.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon