36

7.1K 109 12
                                    

Two days has passed.

We are still doing everything to find my baby. I admit, pinanghihinaan na ako ng loob sa bawat oras na dumadaan na hindi pa rin namin siya nakikita pero pinipilit kong maging positive. Iniisip ko na makikita ko din ulit siya, na mayayakap ko ulit siya.

"Baby, let's eat?" tawag sakin ni Raizen.

Umiling ako. "Hindi ako nagugutom."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Pero hindi ka pa nga kumakain. Kahapon pa."

Tama siya. Hindi pa ako kumakain pero kahit saglit ay hindi ako nakakaramdam ng gutom. Pangungulila at pag-aalala para sa anak ko lang ang nararamdaman ko.

"Sige na, kumain ka na. Hindi nga ako nagugutom." ulit ko.

He walked towards me and then I felt his lips on my forehead. Tumulo ang mga luha ko.

Siya lang ang pinanghahawakan ko ngayon. Siya lang din ang nagbibigay lakas sakin ngayon. Siguro kung wala siya sa tabi ko sumuko na ako. Pero nandito siya, katulong ko sa paghahanap sa anak naming dalawa.

"Hindi matutuwa si Cole kapag nalaman niyang hindi ka kumakain. Hindi siya matutuwa kapag nagkasakit ang Mommy niya." bulong niya habang yakap yakap ako.

Sinandal ko ang ulo ko sa may tiyan niya at tahimik na umiyak.

Miss na miss ka na ni Mommy, baby. Please, umuwi ka na. Bumalik ka na sakin.

Tumayo ako at iniwan siya sa kitchen.

"Where are you going?" tanong niya.

Huminto ako sa laglakad pero hindi ko siya nilingon. "Hahanapin ko ang anak natin." sagot ko.

Naramdaman ko ang paglapit niya.

"Gabi na. Ano ka ba? Paano kung ikaw naman ang mapahamak? Pwede ka naman ulit umalis bukas pero hindi ngayong gabi na."

Inis ko siyang nilingon.

"Kahit pa mapahamak ako wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makita ang anak ko."

Nagbuntong-hininga siya.

"Magiging ligtas din siya. So please, huwag ka nang umalis." kalmadong sabi niya.

"Paano mo nasasabi 'yan?" 'di makapaniwalang tanong ko. "Ikaw kalmadong-kalmado habang ako alalang-alala sa anak natin. Hindi ka ba nag-aalala para sakaniya? Kung nasaan man siya ngayon, alam kong takot na takot na siya. Alam kong gusto na niyang umuwi. Tapos ikaw? Parang wala kang pakialam na nasa kamay ng iba ang anak mo?" umiiyak na tanong ko.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya saka deretsong tumingin sa mga mata ko.

"Nag-aalala ako kay Cole katulad ng pag-aalala mo. Natatakot din ako. Pero kung sasabayan ko ang takot mo, sinong magpapalakas ng loob nating dalawa?" sagot niya na ikinatahimik ko. "Kaya huwag na huwag mong iisipin na wala lang sakin ang nangyayari ngayon kay Cole dahil hindi mo alam kung anong takot ang nararamdaman ko para sakaniya." sabi niya ulit at walang emosyon akong iniwan.

Umiiyak akong napaluhod.

Baby kasi.. Umuwi ka na kay Mommy at Daddy..

Tumayo ako saka pumasok sa kwarto namin. Naabutan ko siyang nakatayo sa balcony.

Naglakad ako palapit sakaniya at marahan siyang niyakap mula sa likod.

"I'm sorry.." umiiyak kong bulong.

Humarap siya sakin at mahigpit akong niyakap. Doon ko pinakawalan ang paghagulgol ko.

"Shhh.. Stop crying, baby.." bulong niya sa may tenga ko.

The Battered Wife - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon