Chapter 2: Fast Forward

4K 197 54
                                    

"Nag-search ako sa Twitter, Anya. Wala talaga."

"Ano ba naman, Cherry? After forty-eight long years! Pakawalan mo na nga 'yang lalaking 'yan!" Iyon agad ang sinabi ni Anya, best friend ko. Transferee siya noong second year high school kami. Simula nang naging seatmates at classmates kami, sa kanya ko laging nakukuwento si Sef.

At ngayon, second year college na kami. At heto, hinahanap-hanap ko pa rin si Sef. Nag-Google pa ako ng "Sef Ferrer," pero walang lumabas. Gusto ko lang naman siya makita ulit. Masama ba 'yon? Sabi nga ni Anya, hindi na raw 'to love. Obssession na raw 'tong nangyayari sa 'kin. Wala naman akong paki, sa totoo lang, sa kung anong sasabihin ng iba.

"Sige nga, may napala ka ba?" dagdag niya. "Ni hindi mo nga siya makita sa Facebook, e! Sa Twitter pa kaya?"

"Mayro'n namang iba na walang Facebook pero may Twitter," depensa ko. "Malay mo."

"Ano ba, Cherry? Kakahanap mo sa kanya, nawalan ka na ng love life no'ng high school."

"Siya! Hindi ko ba siya love life?!"

"Hindi! Totally hindi!" sagot ni Anya. "Wala ka ngang picture o ano para ipakita sa 'kin. Malay mo, nananaginip ka lang no'n."

"Gusto ko talaga siya makita ulit, Anya. Kahit isang beses lang ulit."

"Ang adik mo, ano? Ever since second year, wala ka ng nasa utak kundi Sef, Sef, Sef. Sef-ain ko siya, e."

"E, ikaw nga. Ayaw mong sagutin ang mga nanliligaw sa 'yo. May pa 'after college' ka pang nalalaman. Mamamatay kang single niyan."

Maganda talaga si Anya. Maraming nagkakagusto. Ang nakatatawa, ako lagi ang nagiging source of information kung ano ang gusto niyang chocolate o gusto niyang gawin. Kaso wala pang konsepto ng pagkakaroon ng boyfriend si Anya. Naniniwala siya sa isang banal na relationship kung sa'n payag ang mga magulang niya. Naniniwala siya na kung makapaghihintay ang isang lalaki para sa kanya, love 'yon.

"Mamamatay raw akong single. Ha! Sino kaya diyan?" tukso niya sa 'kin. "Two years na lang, okey na sa 'kin ang magka-boyfriend. Ikaw, ang criteria mo kasi, dapat ang pangalan niya ay Sef."

"Hoy! Hindi, a. Dapat kapareho siya ng Sef na nakilala ko no'ng first year pa ako."

"Ay naku! Ewan ko sa 'yo. Andiyan naman si Jet," pang-asar pa ni Anya.

Magkaka-org kaming tatlo. Si Anya, nakigaya lang ng course sa akin, pero di kalaunan, nagustuhan na rin niya. Si Jet, last semester ko lang nakilala. Magkaklase sila ni Anya sa isang subject, tapos nag-apply siya sa org namin.

Close kaming tatlo. Kami lagi ang magkakaklase at magkakasama sa tambayan. Pero mas madalas kong makasama si Jet lalo na pag pauwi. May isa pa kasing org si Anya, kung saan do'n siya napapagabi.

"Ang kulit mo. 'Wag mo nga ako tuksuhin do'n," sabi ko, sinusubukang patahimikin si Anya dahil baka may makarinig at mag-umpisa ng tuksuhan.

"Nagpaparamdam na kasi."

"Nagpaparamdam ka diyan, ano siya, multo? At ano bang masama kung mabait sa 'kin 'yong tao? Sa 'yo rin naman, a!"

"Iba kasi ang bait niya sa 'yo, alam mo 'yon. Iba talaga."

"Hindi 'yon iba."

Aaminin ko naman na sobrang gentleman ni Jet at kinikilig ako kapag may ginagawa siyang sweet. Hindi siya uuwi hangga't nakatambay pa ako sa org. Nando'n siya lagi sa side na mas malapit sa mga umaandar na sasakyan kapag tumatawid. Binubuhat din niya ang mga mabibigat kong dala paminsan-minsan. Pero alam ko namang hindi ako espesyal sa kanya dahil ginagawa rin niya 'yon sa ibang babae. Kaya nga maraming nagkakagusto sa kanya, e. Siya talaga ang depinisyon ng "Chivalry is not dead."

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon