Chapter 25: Going Back

1.2K 76 73
                                    

Feel na feel ko na handang-handa ako sa pag-uusap namin. Pakiramdam ko, physically, mentally, at emotionally prepared naman ako. Pero nang dumating ang araw kung kailan kami mag-uusap, kabang-kaba na ako.

"Anya, ano na? Mag-uusap na kami. Parang lalabas 'yong puso ko!"

Natatawa si Anya sa 'kin. Binatukan pa ako. "Make sure na kontrolin mo ang sarili mo kapag hahalikan ka niya, ha?"

"Anya naman, e!"

Kinurot niya ako sa pisngi. "Mahal mo ba talaga 'yon? Hindi kaya napipilitan ka lang na mahalin siya?"

"Ha? Anong pinagsasasabi mo diyan? Obvious naman kung ga'no ako ka-in love sa taong 'yon."

"Kasi kung tutuusin, kung kayo nga ang nagkatuluyan, ang ganda ng love story n'yo. Biruin mo, sa ilang taong paghahanap, nahanap mo siya."

"Tama."

"Ta's first kiss mo pa."

"Tama."

"Pero tingin ko kasi, nakakulong ka sa mga alaala niya kaya napipilitan ka lang na mahalin siya."

"Ay, diktahan ba raw ako kung sino talagang gusto ko?" natatawa kong pang-asar. Sumandal ako sa balikat niya dahil hindi ko na makayanan ang kaba ko.

"Malay mo. Ewan. Kapag in love ka nga naman."

Hinayaan lang niya ako sa balikat niya. Magkahawak kami ng kamay habang tinutukso niya ako na puwede nang ipandilig sa halaman dahil pasmado ako. Habang nag-aasaran kami, biglang dumating si Jet. Parang puyat.

"Hi, Jet." Pero di siya sumagot. Umupo lang siya sa tambayan at napayuko. "Uy, ayos ka lang?"

Pero di pa rin siya nagsalita. Mukhang masama ang pakiramdam.

"Jet?" tanong ni Anya. "Okey ka lang?"

Nag-thumbs up siya.

Di ko alam kung hindi lang niya ako narinig tapos narinig niya si Anya o nananadya lang talaga siya. Pumunta ako sa kanya at kinapa siya sa leeg. Napabangon siya nang ginawa ko 'yon.

"M-may lagnat ka," komento ko.

"Hayaan mo na."

"Puyat ka ba?" tanong naman ni Anya.

"Ewan ko. Basta sumama 'yong pakiramdam ko mula no'ng—" Tapos tumingin siya sa 'kin. "No'ng nag-inom ako."

Nagtinginan kami ni Anya.

"Ibibili kita ng gamot," alok ko sa kanya. Paalis na ako nang hinawakan niya 'yong kamay ko. Bigla akong kinilabutan.

"'Wag na. Malayo pa infirmary"

"Baka mayro'n sa main lib."

"May gamot yata ako. Tingnan ko lang sa bag." Kinalkal ni Anya ang bag niya at may nakita siyang paracetamol. Kinuha ni Jet 'yong gamot at ang baon niyang tubig at saka uminom.

Hindi ko alam, o ako lang siguro 'yong nakapansin. Pag ako ang nagtatanong o nag-aaya, parang wala sa kanya. Pero pag kay Anya—

Hindi . . . overthinking lang 'to.

"Salamat sa gamot."

"Sure. No prob." Ngumiti si Anya. 'Yong halatang kinilig.

Ang maganda sa pag-amin niya sa 'kin ng feelings niya para kay Jet, hindi na niya tinatago kung kinikilig siya.

Ang masama . . . wala. Walang masama.

"Kailangan ko na siguro umuwi," sabi ni Jet. "Sama ka, Anya?"

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon