Chapter 21: Blind

1.2K 73 130
                                    

Halos isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari. Parang nakadikit pa rin 'yong kamay ni Gab sa kamay ko. Pang-ilang beses ko na nga kinukulit si Jet tungkol dito dahil wala akong mapagsabihan ng kilig.

Eksaktong isang linggo at apat na araw na ang nakalilipas. Magka-text lang kami t'wing gabi, at nang tinanong niya kung puwede ba kaming magkita kinabukasan dahil may sasabihin daw siya, nahulog ako sa kama dahil sa saya. Nag-panic pa nga ang magulang ko dahil akala nila, nahimatay ako.

Sa sobrang excited ko, parang isang segundo lang ang pagtulog ko. Naligo, nagbihis, at humarurot na ako papuntang school. Nang wala na akong klase, tumambay na ako sa org namin. Nando'n si Jet, nakaupo, nakatulala.

"Grabe, Jet—"

"Ano, 'yong tungkol na naman ba 'yan sa debut?"

Malamang rinding-rindi na sa 'kin 'to. Ilang beses ko na rin kasing kinuwento sa kanya ang tungkol sa isang buong gabing pag-holding hands namin ni Gab.

"Alam mo 'yong kabog? 'Yong hindi makagalaw? Iyon talaga 'yon, e."

"Alam mo 'yong pang ilang araw mo na yata sinasabi sa 'kin yan?" komento niya. "Oo na, nag-holding hands na kayo. Naghugas ka ba ng kamay pagkatapos?"

"Hindi kaagad." Tapos tumawa ako.

"Kaya ka tinotopak, e. Ang daming bacteria n'on."

"Ikaw! Ang sama-sama mo kay Gab, ano!"

"Matanong ko lang," bigla niyang pag-iiba ng usapan. "Sinubukan mo na bang aminin sa kanya 'yong nararamdaman mo?"

Nagulat ako sa tanong niya. Kung iisipin, wala na talaga akong balak aminin kay Gab 'yong nararamdaman ko. Gusto ko na lang itago . . . siguro dahil natatakot talaga ako na mawala 'yong pagkakaibigan namin. At the same time, gusto ko rin na siya ang unang umamin. Tutal, mukhang iyon na ang mangyayari. Haha! Hindi dahil sa iyon ang nakasanayan, pero dahil ayaw ko na ako ang magte-take ng risk tapos kapag hindi naman pala—poof! Wala na ang pagkakaibigan namin.

"H-hindi pa," sagot ko.

"Bakit?" Sumandal si Jet sa table tapos nilabas niya 'yong tubig niya mula sa bag. "Kaya ka ba hindi umaamin dahil natatakot kang mawala 'yong pagkakaibigan n'yo?"

"Exactly."

"Dahil sayang 'yong napagipunan n'yong mga araw?"

"Exactly."

"At tingin mo pag inamin mo na 'yon, kung wala siyang gusto sa 'yo, hindi na niya sasabihin 'yong mga sikreto niya tulad ng dati?"

"Eksaktong-eksakto."

"At alam mong may gusto siyang iba, kaya bakit mo pa aaminin, di ba?"

"Eksak—teka! Bakit mo alam?!"

"Tingin mo ba ikaw lang ang nakakaramdam niyan?"

At siyempre, bilang queen of assumptions, sumigaw ako, "Inlababo ka! Hindi nga?! Seryoso?!"

"Kahit naman sino, puwede 'yon maramdaman."

"Tingin mo sabog ako para maniwala sa sinasabi mo?! Asaaaaa! Sino 'yan?!" pangungulit ko sa kanya. Sa malalim na bahagi ng isip ko, May gusto si Jet. Hindi kaya . . . si Anya?

"Katulad nga ng sinabi ko sa 'yo kanina, nakakatakot umamin dahil baka masira ang pagkakaibigan."

"Ha?! Anong konek kung sasabihin mo sa 'kin?!"

"E, kilala mo."

Ako? Haha, siyempre natawa ako at binura 'yon sa isipan ko. "OMG. Si Anya?!"

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon