Chapter 19: Speed Up

1.2K 76 75
                                    

Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Para bang gusto kong magalit na—teka. Ba't naman ako magagalit? E, ano naman kung . . . magkahawak sila ng kamay?

Pero parang may mali. Hindi ko pa natutuklasan kung ano.

Nagulat kami ni Gab sa nakita namin. Si Anya, hindi nakatingin sa 'min. Para siyang galit tapos kagagaling lang sa iyak. Si Jet, seryoso naman.

Maya-maya, binitawan na niya ang kamay ni Anya.

Nakaramdam ako ng lungkot.

Siguro dahil . . . biglang lumuwag din ang hawak sa 'kin ni Gab . . . hanggang sa nalaglag na rin ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya.

Walang gusto magsalita.

Di ko alam kung tama ang gagawin ko, pero kaysa naman nakatayo lang kaming apat.

"Anya," tanong ko, "anong nangyari sa 'yo?" Pumunta ako kay Anya at hinawakan ang mga kamay niya tapos bigla na lang siyang umiyak sa 'kin. Nagulat ako.

Malakas at matapang siyang babae. Ayaw nga niyang may makakakita sa kanyang nagagalit, ang umiiyak pa kaya? Something's wrong.

"Jet, ano bang nangyari?"

Pero hinawakan ni Anya ang braso ni Jet. Parang pinipigilan ba.

"Don't." Narinig kong sinabi niya.

Nakatayo lang si Gab sa harap namin, parang nasasaktan na nakikita si Anya na umiiyak. At siyempre, nasasaktan naman ako dahil gano'n ang reaksiyon niya.

Mahal mo talaga si Anya, 'no? gusto kong itanong sa kanya sa mismong segundo na 'yon, pero hindi ako gano'n kahangal.

"Gab, sorry, 'wag muna tayo ngayon lumabas," sabi ko, yakap-yakap si Anya.

"Ayos lang," sagot niya. "Balak ko na rin umalis."

"Uwi ka na?" tanong ni Jet sa kanya. Ewan ko ba sa magkapatid na 'to. Parang anytime, magsusuntukan na sila, pero parang hindi rin.

"Di pa. Maglililibot lang," sagot ni Gab. "Uminit ulo ko."

"Samahan mo 'ko."

Bakit parang ang lakas ng pakiramdam ko na may sasabihin si Jet kay Gab? Hindi kaya . . . kaya umiiyak si Anya ay dahil nalaman niyang may gusto ako kay Gab? At nagpaparaya siya para sa 'kin?

Tiningnan ako ni Jet habang papalakad silang dalawa papalayo. Tiningnan ko siya, at tingin ko alam na niya ang ibig sabihin n'on.

"'Wag kang mag-alala," sabi niya sa 'kin na parang nababasa niya ang nasa isip ko. "Hindi iyon 'yon."

Tapos umalis na sila.

Pumunta muna kami ni Anya sa college building namin at saka ko siya ibinili ng tubig. Ayaw ko munang magtanong agad. Siyempre, gusto ko muna siyang patahanin. Sa may garden kami tumambay para kahit papa'no, may kaunting privacy.

Hindi ko maalis sa isip ko ang paghawak ni Jet sa kamay ni Anya. Hindi kaya mayro'n silang thing? Kaya ba kakausapin ni Jet si Gab?

Iba talaga pag maganda, 'no? Sa diyosa mismo ng kagandahan yata ipinaglihi si Anya.

"Anya, ano bang nangyari?" tanong ko habang pinapatahan na siya.

"Wala," sagot naman niya. Pinunasan niya ang mga luha niya gamit ang isang panyo. "Wala 'to."

"Anong wala? Sa lagay na 'yan wala?"

"Wala nga lang 'to. Pagod lang. Stressed sa assigments."

"Di ka magaling magsinungaling. Tell it to me."

"You don't need to hear it."

"Sige, gan'to. Ako na lang magtatanong." Huminga ako nang malalim bago ko diretsahang sinabi, "Kayo na ni Jet?"

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon