Chapter 16: A Broken Promise

1.5K 82 71
                                    

 "Sa'n ka nagpunta no'ng Friday ng gabi?" Hinarangan ako ni Jet bago pa man din ako makaiwas sa tanong niya. Ngumiti na lang ako at saka ko nilapag ang bag ko. Marami-rami kaming pag-uusapan.

Alam kong pagagalitan na naman niya ako, pero keri lang. Kailangan ko lang siguro ng taong papaalalahanan ako kung ga'no ko inaaksaya ang oras ko sa isang taong hindi naman ako pinagaaksayahan ng oras.

Naglakad kami papuntang bilihan ng pancit canton. Ang una kong sinabi, "Sabihin mo nga . . . may karapatan ba akong magalit kay Anya?"

"Wala."

"Buti na lang nandiyan ka, kundi baka makalimutan kong hindi lang ako ang may karapatang magmahal." Napayakap ako sa sarili ko dahil nag-cringe ako. "Yuck. Ano ba naman 'yong sinabi ko?"

"Ikaw, sabihin mo nga, may karapatan ba ako magalit kay Gab?"

"Wala, natural."

"Malapit na talaga." Tapos nagkunwari-kunwarian siyang acting. "Lintik laaang! Ang walaaang! Ganti!"

Natawa ako. "Teka! Hindi mo pa nga naririnig 'yong kuwento, e," sabi ko. "Naalala mo no'ng sinabi ko na may emergency?"

"Malakas ang kutob ko na nagsisinungaling ka."

"Emergency naman talaga . . . hindi nga lang sa bahay."

"Naka-receive ka ng text galing sa kanya?"

"Naka-receive ako ng pitong text. Lahat galing sa kanya."

Pinakita ko kay Jet 'yong pitong text na gumimbal sa 'kin no'ng gabing 'yon. Binalik niya sa 'kin nang pabato.

"H-hoy! Ingat-ingat naman!"

"Hindi rin naman 'yan mawawasak kahit malaglag," sabi niya.

"Ang bully mo. Ina-ano ka ba ng keypad phone ko?"

"Sinasaktan ako," sabi ni Jet. Tapos dagdag niya, "N-naaawa ako—ibig kong sabihin. Ikaw na lang hindi touchscreen phone sa 'tin."

"Okey lang, for peace of mind."

"Kaya rin kita tinanong kung may load ka. Tinanong ng hinayupak na 'yon, e. Ano, pumunta ka naman? Natural, siya ang pinuntahan mo. Ba't ko pa nga ba tinanong?"

"Oo . . . di ko natiis."

"Hindi lang fasting ang kailangan mo. Abstinence pa. Ano bang sinabi niya?"

"Hindi ko kasi alam kung . . . dapat ko ba 'tong isikreto kasi . . ."

"Kung hindi puwede sabihin, ayos lang. Nabubuo naman ang kuwento sa utak ko."

"Basta, in short, pinaghintay ni Anya si Gab."

"E, natural. Si Anya 'yon."

"Kahit na ba."

"Siguro nawasak 'yong pride niya kasi first time siyang pinaghintay."

"Nakakainis lang na 'yong taong pinakagusto ko ever since, pinaghihintay lang ng ibang tao."

Tumahimik lang si Jet no'ng sinabi kong 'yon, pero naghintay ako ng reaksiyon. Sa tagal niyang mag-react, nauna pa 'yong order kong pancit canton.

Kinuha ni Jet 'yong order din niya na may siomai. "Nakakatawa. Naisip mo ba na hindi lang ikaw 'yong taong nag-iisip ng mga iniisip mo? Na hindi lang ikaw 'yong nakakaranas ng ganyan?"

"As in 'yong martir mode and all?"

"Oo. Parang gano'n."

"Kung mayro'n mang tulad ko na binabalewala ng gusto nila, e di, astig . . . kasi may tulad akong tungengots."

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon