Chapter 3: Press Rewind

2.8K 160 71
                                    

"Siya 'yong sinasabi ko sa 'yo," bulong ni Anya sa 'kin. "Medyo cute naman, 'di ba?"

Lord, bakit naman po ganito? Gustong-gusto ko naman na talaga siya makita. Pero bakit naman sa lahat ng lugar . . .

Sa lahat ng oras . . .

Sa lahat ng taong magiging dahilan ng muli naming pagkikita . . .

Bakit?

Define small world.

Pumunta siya sa amin. Mukhang hindi niya napansin na nasa likod lang ako. O baka hindi na niya ako kilala? Sabagay, sa ilang taon ba naman kasi na hindi kami nagkita, makikilala pa ba niya ako? Sino nga ba naman ako para isipin din niya nang gano'ng katagal?

Medyo nagbago ang itsura niya. Tumangkad at parang pumayat din. Nag-mature.

"Chi?" tanong niya.

Tinawag niya ba ang pangalan ko? Lord, maraming salamat po! Akalain ko nga naman, kilala pa niya ako! Kung makatingin naman kasi sa 'kin, parang stranger lang ako, e. Amp.

"Chi?" tanong niya ulit. "Ikaw si Chi, 'di ba?"

Bigla kong inisip na kung Sef ang itatawag ko sa kanya, mari-realize ni Anya na siya 'yong long lost—let's say—first love ko na gustong-gusto niya bugbugin dahil sa ginawa niya sa utak ko. Pero ibig sabihin, pusible na nagpaparamdam din siya kay Anya?

Hell no. Please no.

"Uy, Gab!" pagbati ko sa kanya na parang Gab na talaga ang tawag ko sa kanya noon pa. "Musta?"

Nakita kong biglang kumunot ang noo niya pero nakangiti pa rin. Ayoko siyang tawaging Sef dahil baka kung anong gawin ni Anya.

"Wow," komento ni Anya. "Magkakilala kayo?"

"First year siya, second year ako," sagot naman ni Sef—o Gab. "Kaso lumipat ako no'ng third year."

"Tsk! Sayang, e 'di, dapat pala schoolmates tayo no'n!"

Nakahinga ako nang maluwag nang maling sinagot ni Gab ang tanong. Ang tanong kasi ay kung paano nagkakilala. Kung nagkataon, malalaman ni Anya na siya rin si Sef.

Kung sakali, ito ang unang beses na magtatago ako ng sikreto sa kanya. Teka, bakit ko ba kailangan itago? tanong ko sa sarili ko. E, hindi naman gusto ni Anya si—

Pero malay ko.

Huwag naman.

Nakikipagtalo ako sa sarili ko sa utak ko. Bakit ba kasi ganito? Na sa lahat ng uri ng pagkikita, ganito pa? Steady ka lang, Cherry, sabi ko sa sarili ko. Steady ka lang. Walang mangyayaring kakaiba.

Kung kailan nag-decide na akong mag-move on, biglang ganito. Teka, anong move on ang pinagsasasabi ko? Ano bang imu-move on ko in the first place?

"Anong order mo?" tanong ni Gab kay Anya.

"Kahit ano. Ikaw na bahala," sagot niya. "Ikaw naman nagyaya, e."

"Sige. Ikaw, Chi?" tanong niya sa 'kin. "Ice cream?"

Hanggang ngayon, natatandaan pa rin niya.

Gusto ko sanang sabihin, Puwede bang ikaw na lang ang orderin ko? Dine in, pero magte-take out din ako.

Ba't naman kasi ako ganito? Bakit ako nababaliw sa isang nilalang na 'di ko naman nakausap nang ilang taon? Ni wala nga kaming alaala na magkasama!

"Hindi. Sira," sagot ko. "Kahit ano."

"Kahit ano? O sige, kayo bahala. Sabi n'yo 'yan, a!" Tapos tumingin siya sa orasan niya. "Tsk. Ang tagal talaga ng lalaking 'yon."

"Sino?" tanong ni Anya.

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon