Chapter 11: Static

1.3K 106 39
                                    

Habang naglalakad ako papunta kay Jet, kinokontrol ko pa rin 'yong sarili ko na 'wag magwala. Mamaya na lang siguro.

"Nakalimutan mong magtext sa 'kin," umpisa niya.

"Oo nga pala, 'no! Haha."

"Ha . . . ha?" Tumingin sa 'kin si Jet na parang nagtataka. May nasabi ba akong mali?

"O, ba't ganyan ka makatingin?"

"Kailan mo pa sinabi 'yong tawa mo? Anong haha? Tumawa ka, hindi 'yong parang text 'yong tawa mo."

"Masama ba 'yon?" tanong ko nang pabiro. Nagpaalam ako sa kanya na magpapalit lang muna ako ng pambahay. Wala pa si Mama, nasa office pa siguro. Si Papa, nagda-drive pa siguro. 'Yong kapatid ko, malamang, nagba-basketball kasama ng mga high school friends niya.

"O game, ba't ka nga ba pumunta dito?" tanong ko pagkalabas. Pero tinitigan lang niya ako. "B-bakit? May problema ba?"

"Ikaw," sabi niya, "may problema ka ba?"

"Gusto mo bili tayong soft drinks?" pag-iwas ko sa tanong. Hindi naman siya pumalag kaya sinamahan niya ako. Malapit lang naman 'yong tindahan. Inabot ko sa kanya 'yong nilibre ko. "Sarap!" sabi ko kaagad pagka-inom na pagka-inom.

"Wala ka sa katinuan."

"Teka, 'di ka pa ba uuwi?"

"'Di pa."

"Bakit? May something ka ba dito?"

"Mayro'n pa." Nagbuntonghininga si Jet.

"May problema ka ba? Go, sabihin mo sa 'kin," sabi ko sa kanya.

"'Wag ka ngang isip-bata."

"Grabe naman 'to. Isip-bata na ba 'yon?"

"Anong nangyari?"

"Anong 'anong nangyari'?"

"Sa inyo ni Gab?"

Ayan na naman, naaalala ko na naman 'yong mga sinabi ni Gab kani-kanina lang. Sumikip na naman ang dibdib ko. Gusto ko na lang matulog at humiga sa kama. Gusto ko na lang iiyak ang lahat. Pero ngumiti lang ako. Ayaw kong matalo sa pustahan. "Gusto mo sa swing?" tanong ko sa kanya.

"Halatang 'di ka okey."

"Ako? C'mon! Okey na okey ako, 'no."

"Nakalimutan mong umulan?"

"Ay, oo nga pala, 'no. Bukas na lang. Kita-kits na lang tayo sa school. Pagod na rin ako, e."

"Walang pasok bukas."

"Ay, oo nga pala no . . . Sa Tuesday—"

"Cherry, puwede ba kitang yakapin?"

Cherry. Ngayon na lang niya ulit ako tinawag n'on. Napatulala na lang ako sa sinabi niya. At nang nakita kong nanlambot ang expression ni Jet sa mukha, bigla na lang namuo muli ang mga luha.

"B-basta . . . 'wag mo akong paiyakin," sagot ko.

Niyakap ako ni Jet. Hinayaan ko lang siya dahil parang kailangan ko rin. Kanina ko pa gustong umiyak, humiyaw. Ngayong may pagkakataon na ako, hindi ko alam kung bakit parang nakakulob lahat ng nararamdaman ko sa puso ko.

"Walang malisya 'to," sabi niya. "Kaya sige na, sabihin mo na."

"Ang labo mo. Okey lang ako."

"Hihigpitan ko pa pag nagsinungaling ka pa sa 'kin."

Pero biglang lumakas ang ulan at kinailangan naming sumilong sa tindahan. Nagngitian kami pareho, pero hindi ko alam kung bakit biglang naging awkward. 'Di ko alam kung paano ko uumpisahan.

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon