Chapter 29: The Story of a Swan

1.2K 94 96
                                    

Pagkatapos ng araw na 'yon, sinubukan kong ibalik ang sarili ko.

Bumalik ako sa org, at lahat sila nagsisisigaw na parang galing akong digmaan at naka-survive ako. Natutuwa ako dahil na-miss nila akong lahat. Napangiti ako nang nakita ko si Anya, sobrang ikli na ng buhok. Parang panlalaki, pero I swear, bagay sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Alam mo, nakikita kita paminsan sa campus," pagbati ni Anya. "Pero natatakot ako na i-approach ka. Physically present ka nga, pero 'yong kaluluwa mo, parang nasa ibang bansa. Tapos hindi pa kita nabutan no'ng once or twice ka raw bumisita."

Ngumiti na lang ako. "Ganda mo sa buhok mo."

"As always."

Nagtawanan kaming dalawa.

Naisip ko . . . nasaan nga ba ako no'ng mga panahong lumipas? Wala. Inaksaya ko ang buhay ko sa kaka-emote. Nangako ako sa langit na hindi ko na ulit 'yon gagawin.

Bumalik man siya o hindi na.

***

Ever since ng araw na bumalik ako, unti-unti ko ring naibalik 'yong dating ako. 'Yong wala pang Gab—o Sef—sa buhay ko. Pero this time, hindi ko na siya hinahanap.

Nakatago lang siya sa puso ko. In that way, naghihintay pa rin ako.

Sabay-sabay na kaming tatlo ulit na umuwi. Nakakatawa nga kasi alas kuwatro ang tapos ng klase ko. Si Jet naman, tapos na ng alas dos y medya. Si Anya, alas singko y medya pa. Pero kahit gano'n, naghihintayan pa rin kami. Tulad ng dati.

Tumambay kami sa Starbucks nang nagkaro'n kaming tatlo ng pera galing sa kanya-kanya naming raket. Haha. Oo, lahat kami may part-time job. Pare-pareho kaming tutor, pero si Anya, may extra siyang kinikita sa modeling raket niya.

"Yumayaman na tayong tatlo. Ayos 'to," komento ko.

"Hay! Napakasaya ng buhay!"

Natawa kaming dalawa ni Anya sa sinabi ni Jet. With matching stretching pa 'yon habang may kanya-kanya kaming frappe sa harap.

"Walang 'ya kasi kayong dalawa," dagdag niya. "Para kayong nawala na parang bula."

"Grabe ka naman. Dumadalaw-dalaw naman ako paminsan," depensa ni Anya. "Itong babaeng 'to ang talagang nag-disappear."

"Pero hangga't hindi talaga tumambay si Chi, hindi ka rin naman tumatambay nang matagal."

"Sa'n ka pala rumarampa?" tanong ko kay Anya. "I wanna see!"

"Next time na. Next month pa kasi 'yong next, e. Tutor-tutor muna."

Biglang kumidlat. Napatakip ako ng tainga dahil takot na talaga ako sa kidlat ever since. "Mukhang uulan yata," komento ko.

"Babagyo kamo," sabi naman ni Jet.

"Hindi naman siguro gano'n kalala."

In-on ni Anya ang laptop niya para mag-check daw ng email saglit, at do'n ko nakita na ang wallpaper niya ay kaming tatlo: si Jet, ako, tapos siya.

"Nakaka-miss," komento ko.

"Bakit, ano 'yon?" Tiningnan ni Jet 'yong wallpaper ni Anya. "Cute nga. Lalo na 'yong nasa pinakakaliwa."

Pinalo namin siya ni Anya dahil sarili naman niya kasi ang tinutukoy niya. "Para tayong galing high school, ano?" komento ko. "E, isang taon lang naman tayo nagkanya-kanya ng buhay."

"Gano'n na rin 'yon," sagot naman ni Jet pagkatapos niyang humigop galing sa frappe niya. "Ang haba kaya ng isang taon."

"Matanong ko lang, Anya. Bakit ka rin nawala?"

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon