Chapter 14: Beside

1.5K 102 142
                                    

Ang dami-dami ko pa ring iniisip kahit no'ng sem break. Nakakaasar kasi ngayon lang ako nakaramdam na gusto ko pumasok dahil sa isang tao. Tapos sobrang hina pa ng signal sa probinsya, sa hometown ni Mama, kaya hindi rin ako makapag-text nang mabuti.

Sa loob ng dalawang linggo, hindi kami nagkita. Sa loob ng dalawang linggo, wala akong nakausap sa telepono.

Anak ng tofu. I miss him.

No'ng mga panahong 'yon, wala akong ibang inisip. Gusto ko na talaga pumasok. Gusto ko na mag-second sem. Pag-uwi nga namin galing probinsya, inayos ko agad ang schedule ko. Pinagdasal ko pa na sana maging magkaklase naman kami. Nakakahiya naman kung tatanungin ko siya kung anong mga subjects niya, 'di ba?

Nakuha ko naman lahat ng subjects na kailangan ko sa pre-enlistment pa lang. Masuwerte pa rin. Nga lang, pahabaan ng pila no'ng enrollment. Buti na lang, sabay-sabay kami nina Jet at Anya na nag-enroll. Ang kaibahan lang, silang dalawa, may kailangan pang ipilang subjects. Kaklase ko silang dalawa, pero sa magkaibang subject.

Sobrang haba ng araw, napagdesisyunan naming tatlo na kumain sa McDo. Kinuwento ko sa kanila na wala ngang signal masyado ro'n. Habang nagkukuwento ako, napatingin ako kay Anya na biglang kinuha ang cell phone at napangiti.

"Uy, nakangiti," tukso ko.

Binaba ni Anya kaagad ang phone niya. "Wala 'yon. Si Gab lang."

Lang? Ako ang nasaktan para sa kanya. "O? Anong sabi?"

"Wala lang. Tinatanong niya kung ano ang mga subjects ko."

"Iba na 'yan, a," sagot ko. Kunwari hindi masakit. Dito naman ako magaling.

"Baka may gusto sa 'yo si Gab." Parang sinadya ni Jet na tanungin si Anya sa harap ko. Pero ako, inabangan ko pa rin ang reaksiyon at sagot ni Anya.

"Hindi, 'no," sagot ni Anya. "Kung may gusto 'yon sa 'kin, e di, sana ginagawa rin niya sa 'kin 'yong ginagawa niya kay . . ." Sabay tingin sa 'kin.

"O, ba't ka nakatingin sa 'kin?"

"Sa 'yo pa nga may gusto 'yon."

Hahaha! Wish ko lang. Pero alam ko namang hindi.

"Malalagot 'yon sa 'kin pag may gusto 'yon sa 'yo," sabi naman ni Jet sa 'kin. Napatingin tuloy kami ni Anya. Nagulat ako sa reaksiyon niya kasi bigla na lang niya nilukot 'yong wrapper ng burger.

Tumingin sa baba si Anya at hinalo-halo ang soft drink niya. "Bakit naman?"

Hinihintay ko ang sagot ni Jet. Teka, ba't ko ba hinihintay?

"Kilala ko kung sinong gusto ni Gab. Pag ang gusto pala niya ay si Chi, e di, ibig sabihin, nagsisinungaling siya sa 'kin."

"Ibig sabihin," sagot ni Anya, "alam mo kung sino 'yong gusto ni Gab?"

"Oo."

"Sino?"

"Ba't ka interesado?"

"Masama bang malaman?"

"Aminin mo na Anya," sabat ko. "Nadedevelop ka na, ano?"

"May iba akong . . . gusto."

Nalaglag ni Jet ang hawak niyang wrapper. Nabulunan naman ako sa kinakain ko. Pareho kaming nagulat.

"Himala," sabi ni Jet. "Nagkagusto ka. Magugunaw na ba ang mundo?"

"Next time ko na sasabihin." Napangiti si Anya. Nilakihan pa niya ako ng mata, e. Alam kong may gusto siyang sabihin sa mga tingin niyang 'yon, pero under repair yata ang BFF antenna ko.

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon