Chapter 28: Moving On

1.3K 89 127
                                    

Alam ko namang umalis na siya, pero hindi man lang siya nag-text kung nakaalis na nga siya. Tinitingnan ko lagi ang Facebook niya kung may bago siyang update, pero wala siyang bagong post. Ang huling post pa niya ay lyrics ng "Bye Bye Na" ni Rico Blanco, isang linggo bago ang padespedida niya.

Hindi ko naman akalain na walang communication involved ang "Kaya mo bang maghintay?" Sinubukan kong mag-message, at araw-araw kong tinitingnan kung nag-seen na ba siya, pero wala.


Chi: Jet

Chi: Nagmessage ba sayo si Gab?

Jet: Wala

Jet: Wala siyang dalang phone papunta don. Laptop lang.

Chi: Okay. Pero as in kahit sa fb wala?

Jet: Wala yata

Jet: Sabihin ko sayo kung meron

Jet: Ano na ba kayo non? Kayo na?

Chi: Di ko nga rin alam e. Parang may mutual understanding pero ewan.

Chi: Sabi niya maghintay ako e. E di wait lang.

Jet: Labo niya. Bakit di ka na lang sa malinaw

Chi: Siya lang naman malinaw :))) chos

Jet: Hahahahaha minsan talaga sarap maghukay ng libingan e

Chi: Grabe ka sa kapatid mo.

Jet: Di naman para sa kanya

Jet: Musta pala summer classes?

Chi: Ay para sa kin pala :))

Chi: Okay lang. :) Sana normal lang ang 6 units every sem. Parang ito talaga dapat ang okay na workload for students pero kebs pa rin sa utak

Jet: Hindi rin

Jet: Oo nga

Chi: Ano?? Ang gulo mo. :))

Chi: Ikaw musta summer class

Jet: Di ako nagsummer. Ikaw lang naman masipag na magsummer classes dito

Chi: Di ka kasi madedelay kung hindi hmphhh

Jet: Di ka rin naman madedelay ah

Jet: Ayaw mo lang na may kasabayan practicum

Chi: Lam mo im deciding na maglielow muna sa org.

Chi: Tingin ko... kailangan ko muna ng space.

Jet: Sa kin ba? Haha.

Chi: Luh hindi. Sa tao mismo.

Chi: Papaka cave woman muna ako.

Jet: Space AT time. Sa physics, hindi mo mapaghihiwalay ang space... at time. Ganon din sa totoong buhay.

Jet: So ibig sabihin di kita makikita?

Chi: Minsan naman siguro dadalaw. Tulungan ko sina mama. Mag part time ako

Chi: Concentrate muna sa studies.

Jet: Sige. Text mo lang ako kung kailangan mo ako


Napatitig ako sa message niya: Text mo lang ako kung kailangan mo ako. Tapos bigla kong naalala ang mga huli niyang sinabi no'ng huli kaming nagkita: Hindi kita bibitawan.

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon