Chapter 38: The Story Behind the Story

1.2K 90 30
                                    

Naging weird para sa akin ang mga sumunod na araw. At 'yong susunod . . . at 'yong susunod . . . hanggang sa umabot ng isang linggo na hindi ko sila nakikita.

Pag nakikita ko si Jet, umiiwas ako. Pag nakikita ko si Gab, umiiwas ako. Pag nakikita ko silang dalawa, umiiwas ako. Period. Nagte-text sila, pero hindi talaga ako nagre-reply. Umuuwi ako nang maaga. Hindi ko sinasagot ang mga tawag nila.

At dahil napansin nga ni Anya na hindi na naman niya ako nakikita, niyaya niya akong umalis, as in kaming dalawa lang. Tumambay lang kami sa isang Jollibee. At ang una niyang bati sa 'kin pagkaupo na pagkaupo niya kasama ng order niya: "O, ano, hirap maging heartthrob, 'no?"

"Ako pa talaga ngayon ang heartthrob."

"So anong plano mo?" tanong ni Anya sa 'kin habang sumisipsip sa soft drink niya. "Hindi ka puwedeng umiwas forever, bes."

"Plano? Wala akong plano."

"Wala? Paaasahin mo lang 'yong dalawa?"

And out of the blue, siguro dahil curious lang ako, tinanong ko sa kanya, "Mahal mo pa ba si Jet?"

Binaba niya 'yong inumin niya at inirapan ako. "Kung sinabi kong oo, igi-give up mo siya para sa 'kin?"

"Hindi ko naman sinabing igi-give up."

"Pero ano? Tingin mo, mas kaya ko siyang mahalin kaysa sa 'yo?"

"Wala rin akong sinasabing ganyan."

"Hindi, Cherry. Hindi, e. Desisyon ko na pakawalan si Jet para sa 'yo. Hindi ako pinilit ng iba. Desisyon ko, okey? Hindi ko inisip na mas kaya mo siyang mahalin. Like hello, kaya ko ring magmahal. Inisip ko na tama 'yong ginawa kong pagle-let go. Naiintindihan mo ba?"

Nagbuntonghininga ako. "Mahal ko si Gab, alam mo 'yon? Hinanap ko siya ng ilang taon. Siya lang ang alam kong . . . mahalin for how many years. Kahit iniwan niya ako ng isang taon, pagbalik niya, parang nando'n pa rin. Pero . . . hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kapag iniisip ko na papakawalan ko si Jet."

"Siguro dahil ayaw mo lang siyang masaktan . . . as a friend."

"Siguro nga—"

"Haaaaay, ang tanga!" Nagulat ako nang sinabi ni Anya 'yon. Dagdag pa niya, "Naniwala ka naman sa sinabi ko? Alam mo kung anong tingin ko? Na iniisip mo na dahil lahat ng first mo ay na kay Gab, hindi mo siya mapakawalan. Kung siya nga, ang gandang love story n'on, di ba? First mo tapos ang tagal mong hinanap. Aww . . . happy ending. Ilang beses ko na ba 'to sinabi sa 'yo? Ay, ewan. Pero paano magiging perfect ang love story ninyo kung sa dulo, hindi pala 'yan love?"

"So you mean, si Jet dapat ang pipiliin ko?"

"Mas magandang term ang 'mahalin' kaysa ang 'piliin.' Kasi ano naman kung pinili mo nga, hindi mo naman mahal. Tsaka, bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang pinagaagawan dito?"

"Anya naman, e."

"Wala akong sinasabi na si Jet ang gustuhin mo. Kung si Gab ang pipiliin mo, hindi ko alam kung magagalit ako dahil iniwan mo si Jet o magiging masaya ako dahil may chance na 'ko. Hindi ko rin alam. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, siguro inuntog ko na lang 'yong sarili ko sa pader para mawala lahat ng alaala ko at makalimutang kailangan ko palang pumili."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Ginulo ko ang buhok ko at tumungo.

"Walang ibang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw. Kahit sabihin kong piliin mo si Gab, ako ba ang masusunod?"

"Ewan ko na. Ewan ko na talaga. Sana mabunggo na lang ako ng truck ngayon."

"Gaga ka," sagot niya. "Pero napaisip ako, hindi kaya . . . nagustuhan mo lang si Jet dahil may hawig si Gab sa kanya?"

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon