Chapter 34: I Hate This Chapter

1.3K 102 146
                                    

Pagkatapos ng araw na 'yon, hindi na 'ko tinantanan ni Cynthia.

Nakakatakot dahil kulang na lang, makatanggap ako ng death threats galing sa kanya. Naiinis lang ako sa mga text niya na hindi ko na pinapansin. Nagulat nga ako na alam niya 'yong number ko. Siguro kinuha niya kay Jet noon pa . . . secretly? Ewan. Hindi naman 'yon ibibigay kasi ni Jet.


Cynch: Cherry, bat mo ko siniraan kay Jet?! Do you know what OUR friendship means?!

Cynch: Umiyak ka pala e, nasaktan ka pala sa sinabi ko. Why, totoo?! Sana hinarap mo na lang ako kesa nakipagplastikan ka sa kin.


Ako pa ngayon ang plastic? Nasisiraan na yata 'to ng bait. Siya nga 'tong parang wala lang no'ng hinarap niya ako no'ng uwian.

Nga lang, ako naman si patol. Nag-stalk ako sa Facebook. E, viewable by everyone 'yong page niya. Aba, ang first status niya ay:


AFFECTED KA MUCH?! OA MO. Pinantotoppings ka lang naman sa cake.


What the hell?! Kumulo talaga 'yong dugo ko nang nakita ko 'yon.

Tapos 'yong isa naman niyang comment sa same wall post niya, sinagot niya 'yong nagtanong sa kanya ng "What happened? Sino? Resbakan na ba natin, sis?"


Wala. May isang nobody na umentra sa buhay ko. Ako tuloy yung nagmukang masama. Gusto ko na nga sugurin e. Joke. Haha. Angel pa rin ako no. Ang OA niya as in.

Sis and brods, I'm okay. Pero if you want mangresbak, di ko kayo pipigilan. Haha.


Nobody? Nobody raw pero kung makapag-rant tungkol sa 'kin wagas.

Bakit, totoo naman, ha? She's rude. OA na pala ngayon ang umiyak pag nasaktan ang isang tao.

Ito pala ang feeling na may kontrabida sa sarili kong buhay. Hindi ko nga in-accept 'yong invitation niya sa Facebook, e. (At ang lakas talaga ng loob mag-send ng friend request?) At ayun nga, nakita kong member siya ng isang sorority sa school nila. So anong gusto niya, gamitin niya 'yong "power" na 'yon over me?

Kaya ang daming corrupt sa Pinas, e.

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganyang tao.

Pero kung may taong mas hindi ko maintindihan ngayon, marahil, si Jet 'yon.

Umiiwas siya sa 'kin. Siguro dahil natatakot siya na baka galawin ako ni Cynthia at ng sorority niya. Magka-text pa rin naman kami. Sinasabi niya na uuwi na raw siya, na mag-ingat ako, at na papahupain lang niya 'yong issue. Siyempre, worried din ako para sa kanya dahil, di ba, may mga partner frats ang mga sorority? Pa'no kung siya naman ang sugurin?

Sinabi ko 'yon kay Anya—na nalulungkot ako dahil hindi ko siya nakikita. Kung hindi lang talaga kasalanan, babalatan ko talaga 'yong Cynthia na 'yon nang buhay.

"Wala naman akong pake kung magkasabunutan kami ng Cynthia na 'yon, e," sabi ko. "Pero siyempre, siya . . . baka mamaya pagtripan siya."

"Bes, kilala mo naman akong hindi nananabunot at hindi palaaway," sagot ni Anya. "Pero kung sakaling kailangan mo ng backup, nandito lang ako. Nakita ko nga 'yong mga sinabi mong FB wall posts. She's too much."

"Kung mag-sit in kaya ako sa class ni Jet tapos kausapin siya?"

"Naks naman. Naka-move on ka na?"

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon