Chapter 15: Waiting in Vain

1.3K 87 43
                                    

Dalawang linggo ko nang iniisip kung bakit ako nababaliw sa isang tulad ni Gab na hindi naman ako napansin kahit kailan. Bakit nga ba? May sayad ba ako?

Malapit na mag-Pasko, at matagal na akong hindi nagpaparamdam kay Gab. Sakto lang ako dumadating sa klase kung saan magkatabi lang kami ng classroom, tapos maaga naman kami nadi-dismiss lately kaya tumatakbo ako pataas sa second floor para hindi ko siya nakikita. Tapos doon ako sa kabilang wing ng building e-exit.

Puro text. Puro "miss na kita" at "miss na rin kita" at "sorry kung busy ko" ang mga mensahe naming dalawa. Di ako makapag-unli dahil nag-iba ako ng network. Advice sa 'kin ni Jet 'yon matapos ng nangyari. Para daw hindi ako mapilitan sumagot kapag may text siya.

Pero sa tuwing nagte-text siya sa 'kin, di ko maiwasan ang kiligin. Minsan kasi alam mong pinagisipan niya talaga ang tine-text niya sa 'kin. Ang masaklap . . .

Hindi mawawala sa text ang pangalan ni Anya.

Kapag nagyayaya siyang makipagkita, ang lagi kong sinasabi, go ako at isasama ko si Anya. Pero kunwari biglang may kailangan akong gawin kapag magkikita na.

Para silang dalawa lang ang magkikita.

Para magkatuluyan na sila at matapos na 'tong kahibangan ko.

Oo na, sinasaktan ko lang ang sarili ko. O baka sinasabi ko na ring . . . it's a way to let go.

Mga tatlong beses ko siguro 'yon ginawa sa kanya. At tatlong beses siguro din siya nag-text sa 'kin ng . . .


Gab: Ikaw ha! Sinet-up mo ulit kami! Pero salamat. Ang saya ko talaga ngayon. :)


Heto, nasa tambayan ako at magka-text na naman kami. First time akong nainis sa kanya dahil sa pagkatorpe niya. Ayan na, e. Sasabihin na lang niya. Paano niya malalaman kung mutual ang feelings nila sa isa't isa kung hanggang gano'n lang sila?

Pero naiinis din naman ako kay Anya sa pagiging manhid niya. Ako nga na laging iniimbitahan ni Gab, tinutukso niya na may gusto si Gab sa 'kin. E, ngayong siya na ang iniimbita, bakit hindi niya maisip na siya talaga ang gusto ni Gab?

Higit sa lahat, pinakakinaiinisan ko ang pagkamartir ko.


Gab: Parang ayoko aminin. Mas ok na akong ganto.

Chi: Mas ok ka na nagaassume na MU kayo? Iba si Anya.

Gab: E baka mawala lang lahat pag inamin ko. Hahaha ang martir e no.

Chi: Mawawala siya pag hindi mo inamin. HINDI YAN PAGKAMARTIR. Ang tawag diyan, pagkaduwag. Martir kapag may iba talaga si Anya pero gusto mo pa rin siya at sinasamahan mo siya sa lahat ng lakad niya. Kaso wala naman di ba? So... hindi ka martir. Torpe ka lang.

Gab: Salamat. Da best ka talaga.


Nagbuntonghininga ako at napatingin kay Jet. "Alam mo, parang sasabog na 'ko sa ginagawa ko."

"Umandar ka na nga."

"Kailangan ba talaga umiwas?"

"Hindi ka naman umiiwas, e. Para namang hindi ko alam na nagte-text pa rin kayong dalawa."

"Minsan lang kapag may gusto siyang ikuwento."

"Ano bang mayro'n kay Gab?"

Napakagat ako sa doughnut na hawak ko. Ano nga bang mayro'n kay Gab? "Siya kasi . . . siya kasi ang first love ko."

Tossed CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon