Chapter 1

106 9 1
                                    

Chapter 1

"Sigurado ka ba na sisiputin ka no'n?"

"Yes, Erika."

Inismiran na lang niya ako at bumalik sa counter. Cashier siya dito sa café na madalas kong pinupuntahan, dito kasi ang café shop na paborito ng multong palaging sumusunod sa akin.

Magrereklamo na sana ako ng makatanggap ako ng message niya.

From: Johnson

Haffai, where are you?

To: Johnson

Near the window.

May pumasok sa café shop at hindi lang ako ang napanganga. Seriously is he Johnson?

He's so handsome. His hair is cool, his thick eyebrows, his jawline, his fair skin, his lips. Who's this human? Do I know him?

Kung multo lang ito ay baka hindi ko na to pakawalan. Akala mo ay may artista na dumating, ang ibang babae ay impit ang tili at mga hindi na rin mapigilan ang ngiti.

Napangiwi ako ng ngumiti siya sa akin. Oh. Siya nga si Johnson.

Ganito ba talaga siya ka-gwapo? Then, that's amazing.

"Y-you're Johnson?"

"Yes, Haffai."

"O-oh, have a seat."

Ang kaninang banas na banas na Erika ay ngayong nagkakandarapa sa lalaking kaharap ko.

"Do you remember me?" Agad niyang tanong sa akin. Umiling ako, I want to be honest.

"I see, may naaalala ka naman tungkol sa pag-comatose mo?" He asked.

"Yup, why?"

Akmang magsasalita siya pero biglang dumating si Erika na talagang nakabungisngis ngayon sa kaniya. Johnson gave her a smile that made her cheeks red as tomato.

"Thank you, dito." Referring to the coffee that I ordered earlier. Sabi niya at tumango lang ako.

"You can see ghosts, right?" He asked so I nodded, how did he know that?

"You're curious aren't you? Like how did I know that? Simply. Remember the man you're with, Haffai? That's me. We're together there, in that world. Alam kong naaalala mo yon. Remember Soul World?" He whispered.

Kumunot bigla ang noo ko. Siya? Siya 'yon? How? Comatose ako ng mga panahong iyon, malabo na rin ang ibang detalye sa akin. Paanong siya at paanong naaalala niya lahat-lahat?

"Wait, how-"

"I'm was in coma, too. Kagaya mo, na-comatose rin ako dahil sa aksidente. Nauna lang ako ng isang taon sayo. Soul World ang mundong sinuyod natin sa limang taon, that's why you saw different ghosts. Diba nga ay nakipag-laro pa tayo sa kanila, naaalala mo?" He said and then he smirk like he's enjoying this conversation.

Wala akong maisagot. Parang umurong bigla ang dila ko at walang salita na lumalabas dito. Gosh. Seriously?

"I am here because I want to tell you all the details, Haffai. I don't want you to be clueless in your condition, you're in danger."

"H-huh?"

"Katulad mo, nakakakita rin ako ng multo. May kasama ka nga ngayon na mahilig sa kape, Hi!" Sabi niya sabay kaway sa katabi kong nakangiwi ngayon dahil may kape sa harapan niya. Tumango naman ako.

"Limang taon tayong nagpagala-gala sa Soul World, may naiwan tayo roon kaya binigyan tayong pareho ng lakas para makakita at makatulong sa mga multong naliligaw ng landas at sa mga multong hindi pa tapos ang misyon sa buhay." He said and sip on his coffee.

"Wait, Johnson. How did you know all of these? Kasi parehas lang naman tayong tao, ah? Parehas lang tayong na-comatose?" Sunod-sunod kong tanong, his words are powerful at alam ko na tama siya. I shouldn't be clueless in my current condition.

"As I said earlier, mas nauna akong ma-comatose kumpara sayo, Haffai. Isang taon din ako sa Soul World bago ka dumating, madami na akong nalalaman dahil 'yon sa pagtira ko sa mundong iyon, kahit ikaw, sa limang taon diba marami ka ng nalaman?" Tanong niya.

I nodded. "Yes, pero hindi lahat ng nalaman ko noon ay detalyado pa rin sa akin ngayon. Something is blur to me."

"That's why I'm here, Haffai. Kahit ako, ang iba sa nalalaman ko ay blur na pero alam ko ang sagot diyan. Kailangan nating ipagpatuloy ang ginagawa natin sa mundong iyon."

"Ang pag-tulong?"

"Exactly, Haffai, 'Wag na 'wag mo itong ipagsasabi kahit na kanino. 'Wag kang magsasayang ng oras na ipaliwanag lahat ng ito sa kanila. Let them be curious. Wala sila sa lagay mo at ang magagawa lang nila ay sabihan ka ng baliw. Keep this as a secret, are we clear on that?" He said.

Tumango ako, "I can't believe this, seryoso ba lahat ng ito?"

"Oo, bago pala ako makabalik may huling salita si Queen Aneth sa akin."

Si Queen Aneth? The queen of that world? Seryoso nakausap niya?

He's right, hindi ko ito pwedeng ipagsabi sa iba dahil mapagkakamalan lang akong baliw.

People can easily say that I am going crazy. Literally crazy.

"What did she say?"

"Magiging payapa ang buhay natin kung mahahanap natin ang special person na makakatulong sa atin. Tss, hindi ko naman maintindihan iyon special person for us?" Ismid niya.

He's right. May special person pa ba na makakatulong sa lagay naming ito? I'm glad na hindi ako nag-iisa sa ganitong klase ng sitwasyon.

"Saan naman natin makikita ang special person na 'yan?" I asked. I'm not that interested though.

"I don't know. Sa dalawang taon nating pag-recover, wala pa rin akong nakikitang special person, Haffai."

"Uhm, well same."

"Oh. I have to go, may pupuntahan pa ako. I'm really sorry I don't have enough time for us. I'll tell you more details soon." He said.

"Yeah, sige."

"Remember what I said don't tell this to anyone, alright? Oh by the way huwag kang kakausap ng multo kapag mag-isa ka at nasa public place, kulitin ka man nila dumiretso ka lang, understood?"

"What-"

"Sa ganoong paraan hindi ka nila masasabihan ng baliw. Proven and tested, Haffai. Basta 'wag mo munang pansinin kung sakali na kinukulit ka. Pumikit ka kung tinatakot ka. You're more scarier than ghosts, baka sila pa ang tumakbo palayo sayo." He said and laugh a little.

"You!"

"Just kidding, basta ganoon ang gawin mo, okay? 'Wag kang kakausap, pag hindi mo naman sila pinansin iiwanan ka na lang din nila. Right boy?" Sabi niya sabay tingin sa katabi ko.

He hugged me first before he leave.

"Yeah, ingat." Iyon na lang ang huling sinabi ko sa kaniya.

Sumakit yata ang ulo ko sa mga nalaman ko. Hindi ko akalain na si Johnson ang lalaking inaasar ko no'n na mukhang bakla. What a small world. I never expected anything of these.

"Hoy babae!"

"Hoy babae ka!" Sigaw ko dahil sa pagkakagulat sa akin ni Erika.

"What?" Tanong ko sa kaniya.

"Anong pinagusapan niyo ha? Magdidate ba kayo? Sama ako!"

Tumayo ako at dinala ang kape ko. Johnson gets his coffee and the other one because the coffee ghost decided to be with him.

"Oh teka, saan ka pupunta?"

"Uuwi, obviously?"

"Hoy, nagtatanong pa ako! "

Hindi na ako sumagot at lumabas na ng café. Hindi na niya ako nahabol dahil may isang customer na tumawag sa kaniya.

Johnson is right, I need to hide this but can I hide this to my siblings?

--
SassyKylie

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon