Chapter 37

14 4 0
                                    

Chapter 37

"Grabe look at them they're so perfect!" Fernando said.

Isa siya sa mga employee ko dito, isa rin siya sa pinaka-malapit sa akin. All of them are close to me but I am more close to him.

His real name is Fernando and he's gay, he prefer to be called Fen para daw fentestic he is so witty. Ayos lang sa kaniya kahit na tawagin siya sa pronouns na he at him.

"You shut up there, Fernando." Biro ko.

We're here in the meeting room for lunch. I let them eat here together with me, ngayon lang 'to at sobrang nag e-enjoy ako.

"Lady Haffai naman, e." Angal niya.

"Omg ngumiti siya! Lady Haffai ngumiti!" Aniya at pumalakpak palakpak pa.

Tumingin ako kay Leie at nakita ko na nakangisi ito. Agad akong umiwas ng tingin ng makita niya akong nakatitig sa kaniya. No. Please heart be normal, please cooperate.

"Nako, Lady Haffai! Kung ayaw mo kay poging secretary, akin na lang." He said.

"Sige Fernando, sayo na." Sagot ko naman.

"Ay!" Tili niya at nabuo ng tawanan ang meeting room.

Napailing-iling na lang si Leie at nag-umpisa ng kumain ng french fries. Hindi ko alam kung diet ba siya o ano e.

Natapos na akong kumain at fries pa rin ang nilalantakan ni Leie. Pati ang ibang empleyado ko ay tapos na at mga naghahanda na, ang iba sa kanila ay bitbit ang pinagkainan at nagpaalam na babalik na sa trabaho.

Kaming apat na lang nila Leie, Fen at kaibigan ni Fen ang natira dito.

"Secretary akin ka na lang!" Sabi niya at tumili.

"No, i'm not available." Sagot ni Leie na ikinasamid ko.

I wiped my mouth using the tissue, Fen's brows went up.

"Why are you staring?" I asked him.

"Lady Haffai, sabi mo akin na lang siya! Hindi available si secretary!" Sagot niya na parang wala si Leie sa harapan niya.

"Fen wala ka bang hiya? Nasa harapan mo lang si secretary." Tugon ng kaibigan niya.

"Che, inggit ka lang chaka!"

Binatukan lang siya nito at nagpaalam na. Tumayo na rin ako para maiayos ang pinagkainan.

"Lady Haffai."

"What?" Natatawa kong tanong dahil todo pout siya sa harapan ko.

"Lady Haffai."

"Magtatapon ako, Fernando. Its not my problem anymore, binigay ko na siya sayo." Natatawa kong sagot.

Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ako ng meeting room para mag-tapon. Bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang tanong ni Fernando sa kaniya.

"Secretary, bakit hindi ka available may nagugustuhan ka ba kung meron sino?" He asked.

"Lady Haffai."

Hindi ko na nga narinig ang sagot ni Leie dahil dire-diretso ang lakad ko at biglang tumili ng napalakas si Fernando, whatever his answer is I don't care.

Tumili si Fen so sigurado akong may isinagot si Leie kung meron man hindi ko na aalamin kung sino.

As usual, wala ng employees na nandito sa floor. All of them went back to their works and sections. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa office nang may mapansin ako.

"Hi?" Sabi ko sa isang matandang lalaki na nakatayo sa gilid ng mahabang hallway papuntang elevator. He's smiling at me that's why I feel something weird.

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon