Chapter 30

15 4 1
                                    

Chapter 30

Hinintay ko na muna sa harap ng elevator si Ate Caiohme, kung mayroon man na magbabalak pumunta sa floor na ito ay itatawag muna kay Leie at ipapaalam sa akin. That's the rule here.

Ilang saglit pa ay nakita ko na ang pag-bukas ng elevator. "Ate!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinatak ko na siya agad kahit pa hindi pa totally bukas ang elevator.

"Wait, Haffai!"

"Ate, you need to know this. Samahan mo muna ako sa restroom. Doon ko na lang ipaparinig sayo." Sabi ko at hinatak na siya papuntang restroom.

I am holding my phone so I easily open it and high the volume. Hindi ko sobrang nilakasan dahil apat lang naman kaming nandito sa floor kaya kung mapapadaan sila Kuya at Leie, paniguradong maririnig nila 'to.

"What is it ba? Sa sobrang pagmamadali ko kanina muntik ko pa masagasaan yung pusa." Sabi niya.

"This is emergency, sorry. Listen carefully." Sabi ko atsaka ko na ni-play ang record.

For the whole time I am just looking at her, I wanna see her reactions. Slowly she's gritting her teeth, kumunot na rin ang noo niya at ilang mura na rin ang narinig ko mula sa kaniya. It's been a long time since I heard her curse, itinigil na niya kasi 'yon matagal na.

"Kaya pala pinapaurong niya ng pinapaurong ang kasal nila ni Ashen kasi ganiyan pala." Sabi niya.

She told me everything she know, she accidentally overheard Ate Missy and Kuya Ashen's conversations kaya nalaman niya lahat-lahat. If Ate wasn't there for sure Kuya won't tell us, paniguradong itatago niya lang 'to.

"That girl. Sana pala si Leilani na lang ang pinush ko kay Ashen. She's a doctor and an actress, huh." She said.

Kahit ako ay nagsisisi dahil mali ang babaeng napili namin na suportahan para kay Kuya. Leilani is frank and straightforward and you can really sense that she's a bitch-y type of girl but she's too honest in every way because she really hates liar.

I tapped her shoulder, I know what she is thinking right now.

"I can't believe this..." She whispered.

"Same."

"I'll do everything para mag-hiwalay na sila, hindi ako papayag na magtatagal pa sila. Hindi deserve ni Ashen na magpakatanga sa babaeng 'yan."

Our telepathy worked. Ganitong-ganito rin ang naiisip ko.

We're hurt by this facts, paano pa si Kuya Ashen kung malalaman niya ito lahat? He changed because of Ate Missy I am now scared that he will change again but now in a negative way.

"Let's go, Haffai. Hindi na dapat tayo nagsasayang ng oras dito. Susugurin ko pa si Missy sa hospital na yon." Sabi niya.

"Ate, look at Kuya he's laughing with Leie. Natatakot ako na masira yung mood niya." Sabi ko naman.

"But we have no choice but to tell this to him, you know there's no secret between us three. Hayaan mo siya masaktan, gano'n talaga." Sagot niya.

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam ko naman na tama si Ate. Kinakabahan ako na pumasok sa opisina namin ni Leie.

"Ate! Haffai!" Tawag agad ni Kuya sa amin pagpasok.

He even kissed our forehead. Gosh, hindi deserve niya deserve na masaktan. Huminga ako ng malalim para mapigilan ang mga nagbabadyang luha sa mata ko.

Leie tapped my head. "Where have you been? Hinahanap ka na ng mga anak natin." Bulong niya sa tenga ko at tsaka ngumisi.

"Baliw ka." Sagot ko sa kaniya.

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon