Chapter 5

44 9 0
                                    

Chapter 5

Back in present.

Ngayon na lang ulit nagpakita sa akin ang binatang mahilig sa Kape. Natatandaan ko na sumama siya kay Johnson noon at basta ako iniwan.

"Oh? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya ngayon, kasalukuyan akong nagwawalis dahil sa dami ng kalat ko kagabi. Hindi ko na naayos dahil sa sobrang antok.

"Kape na naman? 'Di ka ba nagsasawa?" Tanong ko sa kaniya. Umiling-iling naman siya. It's been a month since I saw this guy, isang buwan na rin mula ng makausap ko si Johnson at hindi ko na alam kung saan siya nag-gagala ngayon. Mala-Diego talaga.

"Wala akong stock ng kape dito, hindi rin ako lalabas. Bukas na lang." Sabi ko sa kaniya dahil nagmamakaawa sa akin na bilhan ko ng kape. Hindi kaya palpitations ang binagsak nito?

"Bukas na nga." Sabi ko dahil sa kakulitan niya. Sinusundan niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Maayos ko na nagagawa ang sinabi ni Johnson sa akin. Ang 'wag kumausap ng multo kapag nasa public place. 

"Aish, bahala ka. Hindi kita bibigyan."

Nag indian sit siya sa lamesa ko, nakapamewang ko naman siyang tinignan. "Ano? Magtataray ka na naman?"

Hindi niya ako pinansin at nanatili siyang nakaupo. Talaga bang inaasar ako ng multong ito?

"Sabing excuse, magpupunas."

Hindi pa rin siya umaalis, naka-pout pa rin siya sa akin. Anong akala niya? Madadala ako ng pag-nguso niya? No way.

"Bukas na nga kita bibilhan."

"Ayaw mo talaga umalis?" Umiling lang siya sa akin. Ginagalit niya talaga ako ah?

"Sige, 'wag kang umalis. Wala kang kape at 'di na rin kita tutulungan, okay?" Nakangiti kong sabi, mabilis siyang nag-laho at nakita ko na nasa gilid ko na ngayon.

"Wag mo akong ginugu-Ay!" Sigaw ko dahil may biglang humawak sa balikat ko.

Dahan-dahan akong tumingin para tignan siya, tao ba ito? Kung hindi, baka siya 'yung multo kagabi.

"You okay?" Tanong niya habang hawak pa rin ang balikat ko.

Tao ba siya? He's handsome! Mas gwapo pa ata ito sa Kuya ko!

I'm sorry Kuya he's just handsome for me.

"H-huh?"

Umiling siya, sinilip ko ang buong paligid. Saan napunta 'yon?

"Nasaan na 'yon?"

"Who?" Tanong niya pero hindi ko siya pinansin dahil patuloy pa rin ako sa pag-tingin sa multong kasama ko kanina.

Tinignan ko na ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Agad din naman niyang tinanggal at nagpagpag. Maarte pala.

"Why are you here?" Mataray kong sabi, he's handsome but I don't like him. His vibe to be exact, he looks like a cold person.

"Haffai Jae Estamos right? I am Xiemen Leie Villaflor. Your brother's partner. Hindi raw siya makakapunta ngayon. Pinapabigay." He said and hand me the bag. Ang detailed niya masiyado.

So Kuya has a new partner huh and it's handsome? But still I don't like him, he's really cold. Proven.

Tumango ako, "Sige salamat, L-Leie?" I said awkwardly.

Natigilan siya. Tumango na rin at nagpaalam na na umalis. Muli kong sinuyod ng tingin ang buong paligid. Nawala talaga ang multong mahilig sa kape. Saan naman napunta iyon?

Maeami ng beses akong nagulat ni Erika habang may multong nakapaligid sa akin pero hindi naman sila nawawala. Natakot ba siya kay Leie?  Bakit kaya nawala ang isang iyon? Oh well. Ayos din na nawala na siya at makakapagpunas na ako ng walang mangungulit sa akin.

Binuksan ko ang paper bag at nakita ang isang baby blue long dress doon, nakita ko rin ang isang pares ng heels. Mukhang si Ate Caiohme ang pumili nito, maganda at kuha ang type ko. Nakita ko ang isang note na nakadikit sa box ng heels.

To: Haffai Jae

Lil sis, wear this tomorrow night. I'll pick you, okay? I love you.

-Ashen Jiehne

Bukas na pala ang party. Sana lang ay formal na talaga iyon at hindi katulad noong nakaraang taon na akala ko ay formal pero bigla-biglang mag di-dim ang lights. 

Pumasok ako sa unit at inayos ang dress. Itinabi ko na rin ang heels. Sana lang ay walang multo na um-epal sa akin bukas ng gabi. Fudge! Gabi pa naman! I'm going to ignore them all kung sakali man na kulitin nila ako. 

Paglabas ko ay nakita ko na ang multong mahilig sa kape na nakaupo na naman sa lamesa.

"Oh? Bakit nawala ka kanina?" Tanong ko sa kaniya pero kibit-balikat lang ang isinagot niya sa akin.

"Hindi mo alam kung bakit? Dumating lang naman si Leie, nawala ka na bigla." Sabi ko sa kaniya na akala mo ay close ko ang dumating kanina. 

Kibit-balikat na naman. "Wala kang kuwentang kausap, wala kang kape sa akin sige."

He waved his hand. "Ano? Hindi mo talaga alam? Seryoso ka ba?" Tanong ko at tumango lang siya. How come? Bigla siyang nawala ng gulatin ako ni Leie?

Something is weird, huh?

Nalinis ko na ang buong rooftop. Ngayon ay wala na akong magawa, nagpaalam na ako sa multong mahilig sa kape na magpapahinga na. Muli niya akong kinulit sa kape pero 'di ko na siya pinansin.

"Nakakapagod!" Sigaw ko at ibinagsak ang katawan sa kama.

I'm excited for tomorrow. I just hope that no ghosts will go in my way or else my night will be ruined.

Kahit sa party lang na iyon ay maging mapayapa ang gabi ko, gusto kong magliwaliw. Gusto kong mag-saya.

Johanna is calling.

"Yeah?" Bungad ko sa kaniya.

"Hey girl, sasama ka ba bukas?" She asked.

"Yep. Napadala na sa akin 'yung susuotin ko, why?"

"Pakisabi bukas nag-LBM kamo ha?"

Napataas ang kilay ko. "What the? Ano na naman ang gagawin mo?"

"Chuchuness, Alam mo na 'yon!" Sabi niya sabay tawa ng mahina.

Napailing na lang ako. "Bahala ka."

"Thank you!" She said and ended the call.

Only my siblings know my situation. We can't tell this to our parents and we will never tell this to them. I begged for them not to reveal this to anyone because I will be ashamed.

It's really not in my plan to tell my situation to them but I just can't keep any secret to them. Ayoko rin na pag-isipan nila ako ng hindi maganda, ayos na akong ganito dahil at least may idea sila sa kung anong kinahaharap ko. They wouldn't find me weird or crazy because they know what is I am going through.

Pinikit ko ang mata ko. Pagod na pagod talaga ako.

"You okay?"

"Haffai Jae Estamos, right?"

"I am Xiemen Leie Villaflor."

What the heck? Why am I thinking about that?

--
SassyKylie

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon