Chapter 13

20 5 0
                                    

Chapter 13

Ashen's POV

Kanina ko pa napapansin ang pagbubulungan ni Haffai at Xiemen. What's wrong with them? Hindi ko akalain na pag-dating kay Haffai ay mababago ang 'Living Ice' na ito, iyon ang tawag ni Haffai kay Xiemen dahil sa sobrang lamig daw nito kung makatingin.

"Ate, they're creepy." Sumbong ko kay Ate Caiohme, pupunta kami ngayon sa isang gathering ng kompanya sabit lang kaming apat dahil sila Auntie at Uncle ang Estamos na humahawak sa branch na ito.

"Let them. Your sister is smiling again, can't you see?"

"I can see it clearly, Ate." Giit ko at nag kibit-balikat na lang si Ate Caiohme sa akin.

Bakit ba hindi makausap ng maayos ang isang ito? Magkaaway na naman ba sila ni Agust? Puro sila away at bangayan 'yon ata ang nakakapagpatibay sa relasyon nila. Ewan ko ba.

"Ate?"

"Ashen Jiehne, kung tungkol lang sa kanila ang sasabihin mo wag mo akong kausapin, okay? Makisali ka sa kanila if you want, leave me alone." Gigil na sabi ni Ate Caiohme na ikinangiwi ko na lang. Kawawa naman ako, mag-isa walang kausap.

Ngumuso ako ng magpasak ng earphone si Ate Caiohme, ayaw niya man lang akong kausapin hindi ko alam kung 'red days' ba ni Ate ngayon o magkaaway sila ni Agust. Ayoko na lang kulitin pa dahil baka itulak niya na lang ako bigla dito sa sasakyan.

Kami ang nasa likod ni Ate, bantay namin ang mga galaw ng dalawa sa unahan namin, I can't hear what they're talking to, hindi naman ako chismoso pero nag e-eavesdrop ako ngayon. I'm just curious. Ako ang kaibigan ni Xiemen pero mas mahahabang salita ang ibinibigay niya sa kapatid ko, samantalang sa akin bwisit na bwisit siyang magsabi ng isang sentence. Kung word ay mapapatawad pa e.

"Ayaw ko non, parang ang pangit."

"Hindi ha, bagay nga sayo ang ganoong kulay, Haffai." Xiemen answered.

Gusto ko pa sanang mag-salita pero natatakot na ako kay Ate dahil kaunting galaw ko lang ay naiirita na siya. Baka mahampas pa ako.

I texted my love, Missy.

To: Missy

Honey, I miss you so much hope you're here, inaaway na naman ako ni Ate. Magkausap naman si Xiemen at Haffai, lonely ako hon kawawa naman ako.

Sana naman ay maawa ang mapapangasawa ko sa akin at tawagan na ako. Badtrip si Ate Caiohme ayokong mahawa kating-kati na akong kausapin si Xiemen pero hindi pa puwede, kanina pa rin ako hindi pinapansin ni Haffai

Kawawa naman ako, mag-isa.

Nakatulala lang ako at tinitignan ang labas, grabe nakakaantok pala ang ganito. Nag beep na ang cellphone ko at mas lalo akong nanlumo.

From: Missy

Magdusa ka.

Sanay na ako sa ganitong treatment ni Missy sa akin. Iyan nga ang nagustuhan ko sa kaniya e, she's lucky because Ashen Jiehne Estamos is madly deeply inlove to her.

Ang gwapo ng nagmamahal sa kaniya at ang gwapo ng mapapangasawa niya.

I sigh. Inuuto ko na naman ang sarili ko. If Missy is here she will probably mock on me because of my childish acts.

Instead of thinking about it, kinalabit ko si Xiemen para mapansin niya na ako pero hindi man lang niya ako nilingon.

Naisip kong bigla ang sitwasyon at kalagayan ni Haffai ng makita ko ang kislap sa mata niya at magagandang ngiti.

Its been two years since she recovered. Maayos na ang kalagayan ng kapatid ko ngayon, kaya naman na niyang mamuhay mag-isa pero hindi namin hinahayaan ni Ate Caiohme.

Alam namin ang sitwasyon ni Haffai, nahirapan man kami ni Ate Caiohme na paniwalaan iyon ay sa huli naniwala rin kami. She's our sister, though. We trust her and we know that she's telling the truth based on her eyes. Haffai is in danger, wala man akong alam patungkol sa dinadanas niya sa mga pag-tulong na ginagawa niya ay alam ko na puwede siyang mapahamak. She never said, "Kuya help. " instead she always says, "I can do this on my own, trust me."

Noong formal party ang ka huli-hulihan ko na nakita ang takot sa mata ni Haffai. She's really strong, hindi pa rin naman nawawala sa mata niya ang pagiging intimidating niya kahit na malaki na ang ipinagbago niya ngayon.

There's something in her smile, maybe she's smiling because of their topic or because she's really happy on what's going on in her life now.

I already stopped eavesdropping to them, they have their own world and I can see that they can't be stop.

Xiemen is my best friend for five years, I like his attitude that's why I get him as my partner. Isang dahilan din kung bakit ko nakumbinsi ang sarili na padaliin ang pamumuhay ni Xiemen dahil tinulungan niya ako. Sobrang magaan ang loob ko sa kaniya.

Kaya hindi na ako nag dalawang isip na ipalapit si Xiemen kay Haffai, lalo pa't may inamin sa amin si Haffai noong formal party. Maybe Xiemen is really different not just for me but also for Haffai.

I know that Xiemen can help my sister, he has a secret too just like Haffai. Maybe they can find a way to their new success in life by being together. They have different pathway but I think their dead-end is just the same.

Matagal ng kilala ni Xiemen si Haffai, tumupad pa rin naman ako sa usapan naming magkakapatid patungkol sa kalagayan ni Haffai, kahit na kating-kati ako na sabihin kay Xiemen ay pinigilan ko pa rin ang sarili ko.

I know that he's just waiting for a right time and he'll finally do his plan. I hope his plan will be successful.

This is the start. I know this is the start of everything.

--
SassyKylie

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon