Chapter 24

12 2 0
                                    

Chapter 24

"Leie, What time is our next appointment?" I asked.

"Two o'clock."

"Hmm, alright. Hindi ka muna ba kakain?"

"Sabay na tayo."

Napatango ako sa kaniya. Kinuha ko na ang bag ko at sumunod sa kaniya palabas.

"Lady Haffai, may nagpapaabot po."

"What's that?" Hinarang ako ni Leie at siya ang kumuha ng iniaabot sa akin.

"Love letter?"

"What?" Gulat kong tanong at hinablot kay Leie ang papel.

Dear Haffai,

Hi, Haffai! I'm so sorry hindi na ako nakapagpakita sayo bago ako tuluyan na umalis ng bansa. Siguro ay magtatagal ako rito sa London. Always take care and eat your food on time, alright? Hindi kita pinabayaan kaya wag na wag mong pababayaan ang sarili mo. I will miss you. Tatawag ako kapag may free time ako, I won't tell you the reason why I came here in London, secret na lang 'yon, haha! Gonna end this letter. See you when I see you! :)

-Johnson Sky Mcgayver.

Napaawang ang bibig ko. Kamakailan lang ay magkasama pa kami ngayon ay nasa London na siya? Oh my god, Mami-miss ko siya ng sobra.

"Thanks." Tugon ko sa babae na nagbigay sa akin, tinanguan niya lang ako at inakay na ako ni Leie sa elevator.

Nanatili akong tahimik at iniisip ang patungkol sa sulat ni Johnson. Ibig sabihin dinaan niya muna ang letter na ito, bago siya tuluyang umalis? Sana sa akin niya na lang idiniretso ang sulat, ano man ang rason niya ay ayos lang basta lang ay mag-iingat siya doon. Wala na akong mapagsasabihan ng buong-buo patungkol sa sitwasyon ko.

"Haffai, are you alright? Mind telling me what's with the letter?" Leie asked.

"Yes, I'm fine. Ah, nothing just a letter from my friend." I answered.

"Oh, Okay."

Nang marating namin ang ground floor ay bigla kaming sinalubong ni Zemirah.

Alam ko na agad na kailangan kong dumistansya, his girl is here.

"Babe!" Pagkasabi niyang iyon ay isinabit niya agad ang dalawa niyang kamay sa batok ni Leie. Seriously?

"Zemirah."

"What babe? Namiss lang kita!"

They literally saw each other yesterday how come she missed him? Okay, nevermind.

"Mauna na ako, Leie." Singit ko sa pag-uusap nilang dalawa.

Agad humiwalay si Zemirah at hinarap ako. Naaalala ko na ang pangit ng bawat 'moment' na pagkikita namin.

"Oh, Haffai, Ikaw pala! Hindi ka ba nahihirapan sa HJE branch?" She asked d.

Ngumiti ako. Bakit naman ako mahihirapan, bukod sa napag-aralan ko na ito ng buo at naituro na rin sa akin ni Ate Caiohme ay akin ang branch na ito. HJE nga diba? "No."

"Ganoon ba? Sabihin mo sa akin kung nahihirapan ka na ha? I'm willing to be a CEO." Ngiting-ngiti niyang sabi.

Is she this shameless? Nakakahiya siya, ako yung nahihiya para sa mga pinagsasabi niya.

"Sige. Maghintay ka na sabihin ko."

Tumawa siya ng peke. "You're funny, Alam ko naman na hindi mo sa akin sasabihin e."

"Oh? Alam mo pala." Sagot ko sa kaniya.

Narinig ko na ang ilang bulungan. Oo nga pala, nasa ground floor kami at mas marami ang nakakakita sa amin dito.

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon