Chapter 26

18 2 0
                                    

Chapter 26

"Lady Haffai! Kanina pa po si Mr. Ramos doon sa office ninyo. Doon na po siya nag-hintay. Ayaw nga po namin papasukin pero nag-pumilit, pasensya na po." Bungad niya sa amin ni Leie at yumuko.

Napatingin naman ako kay Leie. "Ayos lang iyon, salamat." Tugon ko at muli siyang tumango at humingi ng pasensya.

Dali-dali na kaming naglakad ni Leie papunta sa elevator, mabilis lang namin narating ang fifth floor kung saan ang opisina naming dalawa ni Leie.

"Mr. Ramos." Bungad ko ng makita si Mr. Ramos na nakaupo sa couch sa opisina ni Leie.

"Ms. Estamos, you're late."

Ngumiti ako. "Yes, Mr. Ramos, I'm sorry for being late I hope you understand." Sabi ko at niyakap ang dalawang stuff toy na bigay ni Leie.

Nagpalit-palit ang tingin ni Mr. Ramos sa akin at kay Leie na ngayon ay nasa likuran ko.

"Yes, I understand. Mukhang nag-date pala kayo, pasensya na."

"No sir-" Hindi na ako natapos sa pagsasalita dahil sa isinagot ni Leie.

"Hindi naman po kayo naka-abala sa date namin, Mr. Ramos na-traffic lang po kami kaya na-late ng pagbalik, we're sorry, sir." Aniya.

Magrereklamo pa sana ako ng tumawa si Mr. Ramos at tumayo atsaka ako hinarap. "Hindi na ako magtatagal dito Ms. Estamos, gusto ko lang sabihin na ikaw at ang HJE branch ang gusto kong kuhanin this upcoming month, is it okay to you?"

Nanlaki ang mata ko. What? Seryoso ba ito? HJE branch ang gusto niyang kuhanin?

"Correct me if i'm wrong, Mr. Ramos pero hindi po ba ay para sa isang magazine iyan?"

"Yes, I really like you and your branch, masiyado itong sikat kaya ito na rin ang napili ko na kuhanin. Is it okay to you, Lady Haffai?"

Napatawa naman ako ng peke. Hindi ko alam ang isasagot, sa pagkakaalala ko ay walang naituro o nasabi sa akin ang mga kapatid ko tungkol sa ibang kompanya na nais kumuha sa branch ko.

Naalala ko ang sinabi sa akin nila Ate na kapag hindi ko alam o hindi naman sa akin naituro, tanungin ko lang daw si Leie.

Muling bumalik sa utak ko ang mga sinabi sa akin ni Ate Caiohme. Hindi ko nga alam ang gagawin ko rito, nakakahiya rin na mag-tanong kay Leie.

"I think its hard for you to answer this, I know this is quite fast, Lady Haffai. My bad. I just want to help to grow the HJE branch. I'll give you two more days to think Lady Haffai and after that I will come back here to hear your answer." He said and he smiled to me.

"Thank you, Mr. Ramos." I answered.

Inihatid siya ni Leie papabalabas ako naman ngayon ang napaupo sa couch. Hindi ko alam kung papayag ba ako, although makakakuha na naman ako ng achievement at mas makikilala ang HJE branch. For sure mas dadami na naman ang trabaho ko dahil magkakaroon ng collaboration with other company kapag tinanggap ko ito.

"Haffai..."

Napadilat ako. "L-Leie. Tama ba ang narinig ko kanina? Sinabi mo kay Mr. Ramos na nag-date tayo?" Iyon agad ang naitanong ko sa kaniya.

Napaiwas siya ng tingin, umayos ako ng upo at binigyan siya ng espasyo para makaupo. "O-oo, iyon na rin naman ang sinabi niya."

"Ah, Oo nga. Anyways, Leie can I have your opinion?"

"Hmm..."

"You think I should accept his offer?" I asked.

Caiohme Jiahnna's POV

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon