Chapter 9

23 6 0
                                    

Chapter 9

Kasalukuyan kong kausap si Zachy ngayon. Para siyang abo na lumulutang, hindi katulad ng ibang multo na nakakasalamuha ko.

"Ang creepy mo banda jan, puwede-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil umikot siya ng dalawang beses at katulad niya na ang mga multong nakakasalamuha ko. Wow.

"Wow." Sabi ko.

"Talaga?" He answered. Nagulat ako dahil sumagot siya, he's talking, hindi through my mind ang gamit kundi nakakausap ko talaga siya like a normal person. Iba talaga.

"Anyways, salamat sa pag-dalaw."

"Wala 'yon, nautusan din ako ni Queen Aneth na ibigay na sayo, so nandito ako, ayos ba?"

Umismid ako. "Baliw."

"Sky told me about that guy, ang sinabi ko sayo noon, Haffai. 'Wag mong kakalimutan." He said.

"Hindi ko naman sasabihin, 'wag kang mag-alala pero something is weird talaga."

"Specific."

"Na biglang nawala yung multong mahilig sa kape, nung hinawakan niya lang ako sa balikat ko, atsaka nung ano, nung bigla ko siyang nabangga, hindi na ako sinundan nung nakakatakot na babae." I told him.

Natahimik siya. "Hmm, hindi ko rin kasi alam ang tungkol diyan at hindi ko rin naman natatanong si Queen."

"Aish. Pero imposible naman siguro na si Leie ang maging special person ko diba? Imposible naman na siya ang taong kailangan ko sa buong buhay ko dito?" Tanong ko.

Bahagya siyang tumawa. "Haffai, hindi natin 'yan masasabi. Wag mong pangungunahan, expect the unexpected okay?"

I rolled my eyes and I sigh. "I don't know. Atsaka duh, Zachy! Ilang taon na silang mag-kakilala ng Kuya ko tapos nito ko lang nakaraan siya nakita at nakikilala."

Ngumisi siya. "Malay mo? May binabalak pala ang Kuya mo?"

Kaya minsan ay ayokong kausap si Zachy, dahil puro siya tanong, ginugulo niya ang isip ko.

"Ayan ka na naman, ginugulo mo na naman ako." Sabi ko sa kaniya ng nakataas ang kilay.

"I'm not. Malay lang natin diba? Wala namang masama mag-isip ng possibilities."

Ngumiwi ako, "Ha? Possibilities ba kamo? Possibilities your face, Zachy! Alis ka na nga." Pagtaboy ko sa kaniya.

It's been a long time since I saw this cute guy. Miss ko na ang bawat kulitan namin, pero ayoko sa tuwing nagseseryoso siya dahil hindi ko na ma-reach ang level niya. Sobrang seryoso. Kamusta na kaya siya sa dalawang taon?

"Zachy-" Wala na siya, sinuyod ko ang paligid ng rooftop pero wala na talaga.

Bakit ba ang masunurin niya masiyado? I was just joking for pete's sake!

Naalala ko ang sinabi ni Johnson sa akin. Tawagin ko lang at magpapakita na siya.

"Zachy?" Tawag ko, nag-hintay ako ng ilang minuto pero wala pa rin. Okay! I give up! Bukas ko na lang tatawagin ang isang yon! Napakamasunurin.

Humiga ako sa table. Ubos ko na ang can drink ko kaya iginilid ko na lang.

I always lay down here. What if hindi ito nangyari sa akin? Baka tuwang-tuwa akong gumagala araw-araw. Kami ng mga kapatid ko, baka palagi kaming gumagala, isa na rin siguro ako sa tinitingala sa Estamos Company.

Tinitingala lang ako dahil isa akong Estamos hindi dahil maya achievements akong naidadagdag sa apilyido namin.

My old life was gone. In just a snap it was all gone. Nakakalungkot isipin na dahil sa isang aksidente binawi nito ang magandang buhay ko. I know I have a bad attitude, pero parang sobra naman yata ang nakuha kong parusa.

Gustuhin ko mang ibalik ang dati kong buhay. Hindi ko na magagawa, helping and seeing ghosts is part of my life now, this is the consequences of my second life.

Nagagawa ko pa rin naman ang mga bagay na gusto ko pero kadalasan ay nabibitin ako dahil sa mga pasaway at makukulit na multo. Not all the time I can help them, I also decline their request lalo kung hindi ko kaya. Hindi madali ang pag-tulong sa mga multong ito lalo pa't ang iba ay maarte. Nakakatakot din na mapahamak.

Mas pinipili ko na lang na mabuhay ng simple pero dahil Estamos ako mataas pa rin ang lebel ng buhay ko. Hindi ako hinahayaan ng mga kapatid ko na magpaka-simple. They will do anything for me. They give me branded stuffs, katulad ng nakasanayan ko. Hindi nila ako kailanman pinabayaan. Takot man ako noong una na sabihin sa kanila ang tungkol sa kalagayan ko ay ginawa ko pa rin. I need them. I need their help, sila lang naman ang makakatulong at makakaintindi sa akin.

Kaya sa tuwing may parties at gatherings ang Estamos family, ako at ang mga kapatid ko ang nahihirapan. Some ghost are crazy and desperate. We do white lies para makaalis na agad doon at dumidiretso lang kami dito sa rooftop.

I am free here. Tanging si Zachy at ang multong mahilig sa kape lang ang nakakapunta sa payapang lugar na ito. I don't know, safe ang lugar na ito para sa akin. Walang sumusunod o nagpapakita bukod sa dalawang iyon.

One year ko ng nakakasama ang multong mahilig sa kape at hanggang ngayon wala akong nakikitang ideya kung papaano ko siya tutulungan, wala rin naman siyang sinasabi o hinihiling bukod sa kape na gusto niya. Siguro ay na palpitate talaga ang isang ito. Wala siyang tigil at sawa sa kape. Die hard fan ng kape?

Minsan ay naaawa ako kay Ate at Kuya dahil mas nagbibigay sila ng oras sa akin kaysa ang sa Boyfriend at Girlfriend nila. I am close to Kuya Agust and Ate Missy, pero syempre, natatakot pa rin ako na malaman nila ang kalagayan ko.

I don't want to be judge, hindi ko rin naman 'to pwedeng ipagkalat sa iba.

Makita ko lang talaga kung sino ang sinasabi ni Queen Aneth, Johnson at Zachy na "Special person," hindi na ako makakaabala ng madalas sa mga kapatid ko. They're also busy I am aware of that but everytime I need them, pupunta at pupunta sila. They'll find time for me. For their loving little sister.

Saktong imumulat ko ang mata ko ng mapansin ko na akmang gigisingin ako ni Leie. Napatayo agad ako dahil doon, siya naman ay napaatras.

"Why are you here?" Tanong ko sa kaniya. I saw how his Adam's apple move.

"Ashen and Ate Caiohme told me to pick you up..."

"What? Bakit? Para saan?"

"I don't know." Sabi niya sabay kibit-balikat.

"Wait. I'm going to call them first." Paalam ko at takbo sa loob ng unit tsaka tumawag sa dalawa kong kapatid. Ano ba naman ito, bakit biglaan yata hindi man lang ako nasabihan!

"Kuya!"

"Haffai Jae, kumalma ka. Alam na ni Xiemen kung saan ka dadalhin, see you in a bit sis!" Iyon lang ang sinabi niya at pinatay na ang tawag. Wala pa akong ligo! Mag-aayos pa ako!

"L-leie, can you wait for a while? I'm going to take a shower first. Mabilis na lang." Sabi ko na medyo nag-aalangan.

"Sure. No problem."

Hindi ko alam kung papapasukin ko ba siya o hindi na. Mas presko rito sa labas dito na lang siya.

Papasok na sana ako ng unit ng marinig ko ang ibinulong ni Leie. Mahina iyon, mahinang-mahina pero klaro kong narinig.

"Haffai, I missed you..."

--
SassyKylie

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon