Chapter 14

28 5 0
                                    

Chapter 14

Caiohme's POV

Mula umpisa ng byahe ay hindi ko pinansin si Ashen. Ang ingay-ingay niya at dinaig pa niya ang isang babae. If there is no Missy in his life aakalainin ko na bakla ang kapatid ko.

Malayo pa kami sa dadaluhan namin na Estamos gathering, napansin ko na natahimik si Ashen habang tinitignan ang dalawa kaya naman siniksik ko siya.

"What are you thinking, brother?" I asked.

Nagulat pa siya dahil kinausap ko siya. "Bati na kayo, Ate?" Natutuwang tanong niya. Umiling ako at sinabunutan siya.

"Wag na wag mong masasabi sa akin ang tungkol diyan, kung ayaw mo na masabanutan." Inis na sabi ko.

Natigil ang tawanan at usapan nila Haffai at Xiemen at parehas sila na tumingin sa amin ni Ashen.

"Ate you're already holding Kuya's hair, sinasabunutan mo na." Sabi ni Haffai atsaka ko lang ibinaba ang kamay ko.

Gulo na ang buhok ni Ashen, nag kibit-balikat ang dalawa at nagpatuloy na sa pag-uusap. Binalingan ko si Ashen na naka poker face na ngayon.

"Galit ka?" Tanong ko.

"Hindi." Iritado niyang sagot.

"Ano?!"

"Hindi Ate Caiohme, sorry na." Sabi niya sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko, tinapik ko siya kaya siya umayos ng upo. Sa aming tatlo si Ashen ang pinakamadaldal at clingy.

"Ashen, anong sinasabi mo kanina sa akin?"

"They're creepy."

"Why?"

"Tignan mo sila Ate, kailan lang ba natin sila pinaglapit? Nakuha na agad ni Xiemen ang loob ni Haffai. Isa pa, they're always smiling and laughing at each other." Bulong niya.

"Abnormal ka ba? Of course they'll laugh and smile because their topic is funny or something, what kind of mind do you have Ashen Jiehne." Usal ko, umiling-iling sa akin si Ashen at hinila ako sa pinakadulong upuan.

"Sandali, bitawan mo ako umaandar ang sasakyan baliw ka!"

Sandali na natahimik ang dalawa pero agad ding nakabawi. Ngayon ay nasa pinaka-likod na kami ni Ashen.

"Ate Caiohme, nakalimutan mo na ba?"

"Alin?"

"Aish! Ate, five years na nating kilala si Xiemen. Nung nagkasiyahan tayo noon together with Agust and Missy, sa unit ko, diba umamin ang lokong iyan?" Sabi niya.

Napakunot ang noo ko. "What?"

"Ate. Madali niyang nakuha ang loob ni Haffai, talo ka na." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

"Talo?"

"Ate! Tapos na, talo ka na. Nagawa na ni Xiemen ang dare mo sa kaniya!" Sagot niya sa akin.

Natahimik akong bigla. Oo nga pala, naalala ko na!

"Damn, Ashen! Ilang taon na ba ang lumipas noon ha? Hindi pa nagigising si Haffai ng gawin natin ang dare game na iyon!"

"Exactly, Xiemen became busy in the past two years, magtatatlong taon ng gising ang kapatid natin mula sa pagkaka-coma, Ate."

"Oh my gosh, Ashen..." Miski siya ay napakagat-labi, ito ba ang iniisip ni Ashen kanina kaya siya natahimik?

Kaya din ba niya ako gustong kausapin kanina dahil ba rito? Yes, matagal na matagal na ang dare game na iyon at nito lang talaga sila nag-kakilala at naging malapit but knowing Haffai, hindi madali ang makipag-kaibigan sa kapatid ko na iyan.

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon