Chapter 10

27 7 0
                                    

Chapter 10

Hindi ako makaimik ngayon, madami akong gustong itanong sa kaniya pero umurong ata ang dila ko. Until now I don't have any idea why did he say that.

That was so random.

Sobrang tahimik. Pirmi din ako rito sa upuan ko, binaling ko na lang sa labas ang paningin ko. Hindi ko kayang tignan ang gawi ni Leie.

Naguguluhan talaga ako sa lahat, bakit ba kailangan maging magulo lahat?

I stopped overthinking because of the sound of his phone, it was kinda loud.

"Ah, can you please get my phone there?" Aniya sabay turo sa likuran, tumango na lang ako at agad itong kinuha.

"Here." Abot ko sa kaniya.

"Thank you."

He loud speak the call, mas pinili ko na tumingin na lang sa labas.

"Xiemen, nasaan na kayo?"

"On our way."

"Turtle. Faster."

Hindi na sumagot si Leie kay Kuya Ashen. Bakit ba hindi man lang ako sinabihan ni Kuya tungkol dito?

"Ashen told me to pick you up kasi hirap ka raw na mag-commute." Pag-una niyang sabi kaya napatingin ako. What?

Sana hindi siya makatunog sa kung anong mayroon sa akin.

"I-i'm fine, kaya ko naman over protective lang talaga si Kuya."

"Hmm, I see."

Malaking palaisipan talaga sa akin na kapag kasama ko si Leie ay wala akong makitang mga multo sa paligid.

"Are you alright, Haffai?"

"Yes, I am. Malapit na ba tayo?"

"Yeah, malapit na."

Hindi ko alam kung ano ang pupuntahan namin at saan ba kami pupunta, ang alam ko lang pinapatawag ako ni Kuya Ashen.

"We're here." Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang sasakyan ni Kuya Ashen sa harap ng isang magarbong restaurant.

Meeting? Mini-gathering? For what?

"Tara na." Aya niya at tumango lang ako. Pinagbuksan niya na naman ako ng pinto, bagay na big deal na big deal sa akin.

Tinanguan ko lang siya at nauna na akong pumasok, agad kong nakita si Kuya Ashen sa counter, sinalubong niya ako.

"Lil sis, you're here!" Kung anong saya ng mukha niya ay siyang asim ng sa akin, anong problema ng kapatid ko na 'to? Alam ko na successful ang formal party nung nakaraang gabi, sobrang saya ba niya dahil doon?

"Kuya, sana sinabihan mo na lang ako para 'di na naabala si Leie."

"Nako, lil sis kung alam mo lang, anyways tara."

What? Inakay niya ako pupunta sa isang table, halos manlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Is this real, oh my god?

"Ate Missy!" Bati ko at sabay yakap sa kaniya.

"Haffai, I missed you!"

"I miss you more, Ate!"

"Hep, hep! Nagseselos na ako, Haffai. Grabe ka na makayapos sa fiancée ko." Kuya said in a cool way.

What did he say? Fiancée?!

"Kuya?! Ate?!" I asked in the tone of hysterical.

"Yes, we're engaged." Sabay nilang sabi at taas kamay nila na may suot na singsing. Magkatabi sila at magkatabi kami ni Leie.

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon