Chapter 57

11 3 0
                                    

Chapter 57

"Do you have a place? We can help you." Ate Caiohme said to Rai.

Agad na naka-recover si Rai kaya ipinagpasalamat ko agad 'yon, nagpasalamat din siya ng ilang ulit sa akin.

"I'll go back to my mother." He answered.

"Ihahatid ka na namin, isa pa gusto kong humingi ng tawad sa Mom mo." Sagot ko kaya napatingin sila sa akin.

"No need to apologize, Haffai. Wala rin namang idea si Mommy sa akin, ayoko na rin na mag-alala siya sa akin." Sagot niya.

"But I was the reason behind everything." Sagot ko pa sa kaniya.

Umiling siya at sandali na ngumiti sa akin. "No, hindi ikaw. Si Mill ang may gawa nito, he purposely hit me para mawala ang kaagaw niya."

Yumuko ako dahil doon, hindi ko talaga inakala na magagawa ni Mill na  gumawa ng ganitong krimen dahil lang sa akin. He's out of his mind and I don't know if I should blame myself.

"Mill is in jail now, he'll stay there for life." Ate Caiohme said.

Hindi na rin kami nag-tanong ng ilang details dahil ang mahalaga ngayon ay nakakulong na siya.

Rai thanked my sister, he said he owe us a lot.

"Agust texted me, mauna na ako." Sabi ni Ate at tumango na lang ako sa kaniya.

Pagka-alis ni Ate ay agad akong lumapit sa katabing upuan ni Rai at umupo ako doon.

"Rai, I am very very sorry." I said.

"Please stop apologizing to me, hindi mo naman kasalanan e." Sagot niya sa akin.

"Don't say it please, ako ang dahilan kung bakit ka niya ginanon."

"Sisisihin mo na naman ba ang sarili mo? Ibababa mo na naman ang sarili mo? Haffai, sawa na akong marinig na ginaganyan mo ang sarili mo so please tanggapin mo na wala kang kasalanan dito, hindi ikaw ang may kagagawan at dahilan nito." He said.

Yumuko ako. I want to smile and hug him for being grateful to him, he is really kind.

"If only I wasn't carried away by my cousin at kung baka hindi siya best friend ng pinsan ko, baka hindi ko siya pinatulan." I said.

He smirks. "See? You're a victim too, na-pressure ka lang."

"Rai..."

"Shh, it's fine. It's alright I swear, mas maganda pa na na-reject mo ako no'n kesa naman sa nagkaroon nga tayo ng something pero napipilitan ka lang pala. Natuto rin ako sayo." He said.

"Rai..." I whispered his name again.

Umiling lang siya at ngumiti sa akin atsaka ako ni-tap sa ulo. For me he's not coffee guy anymore, he is Rai and he is my friend.

"Ngayon kaya na kita ganituhin dati hindi e." Sabi niya sabay tawa.

Hinayaan ko lang siyang gawin ang ginagawa niya sa buhok ko, this is a simple happiness that I can give to him.

"By the way, sobrang sorry pala do'n sa park." Sabi niya at umayos ng upo.

Bumalik ang mga alala ko nung gabi na 'yon, sobrang takot na takot ako. Halos hindi ako makahinga nung gabi na iyon.

Then I suddenly remember Leie, natatakot rin ako ngayon sa pwedeng sabihin at gawin ni Keie sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin gumigising si Leie, mas kinakabahan na ako sa pwedeng maging resulta niya.

"Wala na 'yon, huwag mo ng isipin."

"Alright but who is he?"

"Hindi ko talaga siya kilala, humingi lang siya ng pabor sa akin."

"What favor?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Na maghanda ka sa mission mo, dahil sa nangyari kaya hindi rin ako nagpakita sayo nung mga sumunod na araw." Sagot niya.

Humingi pa siya ulit ng pasensya sa akin pero sinabihan ko siyang huwag na ulit i-bring up 'yon dahil ang mahalaga naman ngayon ay nakabalik na siya.

"By the way, si Johnson pala dadalaw dito." I said.

"Huh? Diba nasa ibang bansa siya?"

"Oo."

Ngumisi siya. "Hindi niya ako matiis, excited din akong makita." He said.

Nag-usap pa kami ng ilang minuto hanggang sa parehas kaming mapagod, nakaramdam na rin siya ng antok kaya hinayaan ko na muna siyang mag-pahinga.

Lumabas ako ng kwarto niya kaya narinig ko si Keie na umiiyak. Gustuhin ko mang pumasok sa loob ng kwarto ni Leie para tanungin si Keie pero alam ko na magkakaroon lang ng gulo. She's still mad and I am very well aware of that.

Nakita ko rin si Ate Caiohme at Kuya Agust kaya sinabihan ko agad sila na natutulog sa loob si Rai, sabay rin naman silang tumango sa akin.

Si Kuya Agust na lang muna ang pumasok sa loob para na rin daw ibaba ang snacks na pinamili nila.

Nagpaiwan si Ate Caiohme sa tabi ko. "Ate, can you hear her crying? Can you check on her?" I asked.

Tumangi siya sa akin at agad rin siyang pumasok, hindi niya gaanong naisara ang pinto kaya doon ako sa gilid pumwesto para mapakinggan ang usapan nila.

"Oh my god, Xiemen!" Ate Caiohme said.

Napatayo ako ng diretso dahil sa narinig ko, agad din naman nag-ngilid ang mga luha ko.

"Ate Caiohme..." He whispered.

Doon na nagsimulang magsipatakan ang mga luha ko, pinipigilan kong 'wag gumawa ng kahit na anong ingay para hindi nila ako mapansin.

"Haffai!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin, it was my brother. He's holding Lani's waist, agad ko namang pinunasan ang luha ko.

Dahil nga hindi naisara ni Ate ang pintuan at nasa gilid lang ako nito ay siguradong rinig ng tatlo sa loob ang sigaw ni Kuya Ashen.

"Bakit ka-Xiemen!" Sigaw ni Kuya sabay pasok sa loob.

Naiwan dito sa labas si Leilani na nakatingin pa rin sa akin, magsasalita pa sana ako pero agad niya akong hinatak papasok. Hindi niya binitawan ang kamay ko.

Gamit ang kanang kamay, agad kong hinawakan ang kwintas na ibinigay niya sa akin. Pinipigilan ko rin ang sarili ko na umiyak sa harapan niya.

Sobrang saya ko na ayos na siya ngayon, na nakikita ko na siya ngayon. Finally Leie.

Keie was about to talk but my brother stopped her, he begged for her so she didn't resist anymore. Hinayaan niya na lang din ako.

I look at Keie's hand, she's holding her brother's hand. Gustuhin ko mang lumapit at hawakan din siya ay hindi ko magawa.

Binitawan na ako ni Leilani but I wish she didn't dahil hindi ko na alam kung saan pa ako kakapit ngayon para mas mapigilan ko ang namumuong luha sa mga mata ko.

I keep looking at him, studying his details especially his beautiful eyes. Masaya ako na nakikita ko na ulit 'yon.

Our memories starts to flash in my mind, parang kahapon lang ay lumalabas pa kami para kumain at maglaro sa timezone, ginagawan niya pa ako ng juices sa rooftop, sabay kaming gumagawa ng paperworks at kung ano-ano pa.

"Ashen remove your hands." He said.

I missed that. I miss seeing him being cold to other people except me, sobrang namiss ko ang lahat sa kaniya.

"Arte." Pabalang na sagot ni Kuya.

"And so?" He said.

"Hay nako, namiss niyo lang isa't-isa e." Pang-aasar ni Ate sa kanila.

"Ate Caiohme!" Sigaw naman nilang dalawa na mas nakapagpatawa kay Ate.

I smiled because of that, nakakatuwa na kahit papano ay unti-unti na ring bumabalik ang lakas niya, kaya niya ng mag-taray ulit.

"Kuya-"

Bukod kay Keie, napatigil kaming lahat dahil sa biglaang tanong ni Leie.

"Ashen who's she?" He asked.

--
SassyKylie

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon