Chapter 8

31 6 0
                                    

Chapter 8

Napatulala na lang ako sa sinabi ni Johnson sa akin.

"Hoy, Haffai!" Aniya.

Isang buwan mahigit ko ring hindi nakita ang isang ito. May iilan na rin siyang nasabi sa akin na detalye.

Zachary Levi Zamora. Elcee Mei Shie.

Sila ang nakasama namin ni Johnson sa Soul World. Dahil sa mga detalye na sinabi ni Johnson sa akin ay unti-unting lumiliwanag sa akin ang dating blur sa utak ko. Naaalala ko na pero hindi pa rin lahat.

"Imposible." Simpleng sagot ko atsaka uminom ng kape. Sila ang mag-kasama ngayon ng multong mahilig sa kape kaya pala hindi siya nagpapakita sa akin nitong nakaraang araw.

Isang linggo na ang lumipas ng magkaroon ng party para sa isang branch ng company namin.

"Malay mo naman."

"Coincidence lang siguro. Baka dahil sa sobrang pagdadasal ko?" Suhestiyon ko pero umiling lang siya.

"Silly, Haffai. Malay mo siya na? Ayaw mo ba no'n? Nandiyan na ang makakatulong sayo." He commented.

Umiling ako. No. This can't be. Hindi puwedeng maging siya 'yon. No. Hindi talaga puwede.

"Nah, hindi." Sabi ko na lang. Parehas kami na sumimsim ng kape. Nakikita ko si Erika na panay ang tingin dito sa table namin. Napangisi ako.

"Johnson, may tanong pala ako. Paano ko ba malalaman na nakakasalamuha ko na ang special person ko?"

"Hindi ko rin alam e. Kasi ang sa akin wala pa."

Tumango ako. "Ah, I see. By the way, do you miss Zachy?" Tanong ko. Sa limang taon ko sa mundong iyon ay napunan nila ang lungkot sa puso ko. I had fun with them without being depressed because I am away from my family.

"A bit."

"Lang?"

"Oo, kabaklaan na kung mamimiss ko ang mokong na yon."

"Why not?"

Masasabi ko na mas makisig si Johnson kumpara kay Zachy, pero kung sa kagwapuhan lang ay pantay ang dalawa para sa akin. Chinito si Zachy at brown eyes naman si Johnson.

"You? Do you miss him?" Tanong niya at tumango ako. I do miss that guy. I forgot his name but not the bond we had.

"Yes."

"You can interact with him." Kalmadong sagot niya. Muntik ko ng maibuga ang kape ko sa kaniya buti at napahawak agad ako sa bibig ko.

I can interact with Zachy? But how? Isn't it against the rule in that world?

"Try to call his name, magpapakita 'yon sayo." He said.

What?

"Hoy! Wag mo akong niloloko Johnson!" Sabi ko na hindi pa rin naniniwala sa kaniya.

"Hey, chill. Hindi kita niloloko, okay. Let's try..."

Pumikit siya ng ilang segundo, tinitignan ko lang kung ano ang ginagawa niya.

Iinom na sana ulit ako ng kape ng makita ko na si Zachy na nakatayo sa gilid ni Johnson. He's smiling.

Nasobrahan na ba ako sa kape? Am I hallucinating?

"Masiyado atang matapang ang kape na 'to." Bulong ko na ikinatawa ni Zachy at Johnson.

"Z-zachy?" I said without thinking.

"Haffai, not here." Sabi ni Johnson, kinuha niya ang dalawang kape at hinatak ako papalabas. Ni hindi ko na nakuha ang kape ko dahil sa paghatak niya sa akin.

Idinala niya ako sa isang tabi na walang dumadaan.

Tinanguan lang ako ni Johnson. Hudyat na pwede ko ng kausapin si Zachy. Is he real? I mean, nandito ba talaga siya? I thought he can't go down here? Iyon ang pagkakaalam ko.

"Hello, din." Sabi ko. Nangingisi lang si Johnson sa tabi ko. Naguguluhan pa rin ako kung papaano ba nangyayari ito.

"Talaga? Madalas kang magpakita kay Johnson? E, ba't sa akin hindi?" Tanong ko sa kaniya.

"Plano niyo?" Tanong ko at tumango naman si Zachy.

"Bakit naman hindi ka na lang dumiretso na magpakita sa akin. I won't be scared for sure!" I said.

"Nagulat lang." Bulong ni Johnson. Inismiran ko siya at napangisi lang siya.

"I miss you too, Zachy! Sa dalawang taon, ngayon ka lang nagpakita sa akin." Sabi ko sa paraang nagtatampo.

Nagulo man ng mabilisan ang buhay ko ay ayos lang dahil may ganito akong mga kaibigan. They did everything just to make me happy.

"Oo, maduga kayong dalawa ni Johnson." Sabi ko.

"Gusto ko rin! Gawin mo rin sa akin!" Sabi ko sa kaniya. Tumango siya.

"Talaga? Sige, asahan ko 'yan mamaya ha? Kahit 'wag ka na magpakita. Just do it."

Sabi niya lahat ng mga nangyari sa akin sa Soul World ay ipapaalala niya sa akin by the help of his powers. Mabuti na lang talaga at siya ang anak ng itinuturing na reyna ng mundong iyon. Johnson and I are lucky because Zachary Levi is our friend.

Mabuti at gagawin ito ni Zachy sa akin. Sa dalawang taon ay kulang-kulang ang nalalaman ko, kala mo'y kabute si Johnson na biglang ime-message ang Ate ko at gustong makipagkita sa akin. I don't even know how did he get my sister's number but I don't care about that anymore.

"Yes, Haffai," Sabi bigla ni Johnson at niyakap ako. Nagulat ako, I hugged him back. Tinapik-tapik ko pa nga ang likod niya, binitawan niya ako at saka nagsalita.

"Muntik na tayo don." Sabi niya.

"What?"

"May dumaan, hindi mo napansin kasi busy ka sa pakikipag-usap kay Zach."

Omg! Buti at nayakap akong bigla ni Johnson. Akala ko ay chismoso lang siya buti at lumilinga-linga rin siya sa paligid!

"Thank you." Sabi ko at tumango lang siya.

"Zachy, we need to go, I have some errands pa e." Paalam ko. Tinanguan niya lang ako sabay wave, tinalikuran na namin siya ni Johnson.

"Haffai, mamaya. Kapag binigay na ni Zach sayo ang ibibigay niya, stay what you are. Okay?"

Napakunot ang noo ko, "What? Why? Of course."

Umiling siya, "Basta ha?" Aniya at tinanguan ko na lang. Nagpaalam siya sa akin na sa kabilang lane siya dadaan. Babalik na lang siguro ako sa Café ngayon.

Hindi kaya tama si Johnson? Maaring si Leie na ang sinasabi ni Queen Aneth na 'Special person to help you'.

Naguguluhan ako. Puwede kasing nagkataon lang ang mga pangyayari. Noong ibinigay niya ang damit ko, noong sinundo niya ako at noong nabangga ko siya.

I have no evidence nor proofs, wala pa rin akong napapatunayan. Naguguluhan ako.

Plus, Zachy! Nagkikita pala sila ni Johnson dito, nagpapakita siya. Oh great! Hindi ko naitanong kung bakit at paano. Basta ang malinaw sa akin ay nakita at nakausap ko siya sandali kanina. Ibibigay niya ang ibang alaala ko na hindi ko na natatandaan.

Bakit parang ang gulo-gulo? Hindi man lang mag sink in ng maayos sa utak ko ang lahat. I'm overwhelmed again.

--
SassyKylie

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon