Chapter 32

16 4 2
                                    

Chapter 32

"Ashen don't listen to her, don't listen to your sister. I can tell you all the details. Hon you should listen to me, sa akin lang." Pagmamakaawa niya sa kapatid ko.

Alam ko na kaya niya inaaya lumabas si Kuya kanina para ilayo lang sa amin o para maiwasan niya ang topic.

"I think we should go now." Leie whispered but Ate disagree.

"Later, makinig muna tayo." Sagot niya.

Tumango lang si Leie at muling pumwesto sa likuran naming dalawa ni Ate. Nandito lang kami banda sa may pintuan ng malaking kwartong ito, samantalang sila ay magkaharap doon sa table ni Kuya.

I pity her but she's a good actress, hindi dapat ako mahulog sa mga ginagawa niya ngayon.

"You can tell me all the details?" Kuya finally talked.

"Yes Ashen. All." She answered.

"Tapos puro lang kasinungalingan ang sasabihin mo?"

Ate Missy scoff. "What are you talking about? Na-brainwash ka ba ng kapatid mo?" Sabi niya.

Gusto kong magalit pero mas matibay ang ebidensya na hawak ko. Alam ko rin na nasa tamang pag-iisip ang kapatid ko at alam na niya ang gagawin, baka nga may binabalak na siyang gawin pag-tapos ng usapan nila ngayon.

"I didn't mention her name, don't blame her." He said.

"Then who did? Caiohme?" Sabi niya.

"Dear, don't blame me." Sabat ni Ate.

Napayuko siya dahil doon. Nakakaawa siya sa totoo lang pero wala rin naman akong dapat na gawin dahil mas malala pa diyan ang pinaranas niya kay Kuya.

"Ashen."

"Don't touch me." Sabi ni Kuya at humakbang papalayo kay Ate. Napatigil si Ate Missy at nagulat kaming lahat ng sumigaw siya.

"Ashen! Bakit! Bakit mo ito ginagawa sa akin! Why! Bakit kayang-kaya mo akong saktan! Ashen Jiehne! Bumalik ka na sa dating ikaw please, yung under at takot sa akin!" Sunod-sunod na sigaw ni Ate Missy.

Pinapahiya niya lang talaga ang sarili niya. Hindi rin ba niya naririnig ang sarili niya?

"Can you hear yourself, Mizpah? Bakit ginagawa ko ito sayo? Bakit kayang-kaya kitang saktan? Did I hurt you? Sinasaktan ba kita ngayon? When you became mine hinding-hindi kita sinaktan sa ano mang paraan. Sa ating dalawa, ikaw ang nanakit. Ikaw ang may ginawang kakaiba, and what is that again? You don't love me, you just used me for a fame and whatsoever, you just used my surname to make you a high person. Mizpah. Let's end this. The old Ashen you knew will never come back to you. Kung babalik man ang Ashen na nakilala mo, paniguradong hindi na sayo kundinsa ibang babae na. Let's end this shit, ayoko ng intindihin ka. Pagod na rin ako magpaka-tanga. Don't pretend that you're hurt and disappointed because we both know that you like this one, you're now free to flirt and chase your doctor. Do what you want, wala na akong pakialam sayo." Tuloy-tuloy na sabi ni Kuya.

Lumakad siya ng konti papunta sa tabi ni Ate Missy.

"Minahal kita pero tama na siguro kasi ayoko na. Kung magsisisi ka dahil dito, please lang, magsisi ka pero wag na wag ka ng magpapakita sa akin, wag ka ng babalik. Just be happy, Missy." He said and walks towards us.

Lumapit siya kay Ate atsaka ito hinatak palabas. Tinignan ko muna sandali si Ate Missy na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin, umalis na lang din ako dahil naramdaman ko na ulit ang kamay ni Leie sa bewang ko.

Alam ko na inarte lang 'yon ni Ate dahil nakita ko rin naman ang pasimpleng pag-ngisi niya kanina. Hindi na siya magbabago.

Hinihintay lang pala kami ni Kuya Ashen sa sasakyan ni Ate Caiohme. "Let's go, sa rooftop ng HJE branch." Sabi ni Kuya na parang walang nangyari kanina.

Nakita ko na natigilan sa pagtawa si Kuya, lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Ate Missy na naglalakad papalapit sa sasakyan namin. Akala ko ay sasakay siya rito o di kaya ay kakausapin si Kuya.

"Mizpah, Did you cry?" Tanong ng isang lalaki. Iyon ang tinatawag nung Cheryl na Doctor Lee. Yes. Siya nga.

She looked at us first before she slightly bow her head. Saan ba siya kumukuha ng kapal ng mukha? Kakatapos niya lang sa Kuya ko at ngayon ay harap-harapan siyang susunduin ng doktor na 'yan dito mismo sa branch ng kapatid ko? She's definitely insane.

Kuya smirked. "Tara? Can we use your rooftop, Haffai?" He asked and I just nodded.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kapatid ko pero alam ko na nasasaktan siya ngayon.

"Come here, I don't want to see you crying it makes me weak."

"Lee..."

"Alright, tara na sa Calle Café. Let's buy your favorite coffee there." He said and opened the passenger seat's door.

Tumingin muna si Ate sa amin bago pumasok. Ate raised her middle finger to her that's why she bow her head. Pumasok na rin siya at pinagsarhan ng lalaki. Mukhang hindi napansin ng lalaki ang pagtaas ng daliri ni Ate Caiohme.

"Tara!" Masiglang sabi ko ng makaalis na sila.

No one dare to speak. We only hear sounds from the stereo. Kuya decided to drive, beside him is Ate while Leie and I are on the middle row seat.

"Xiemen, free ka ba mamaya?" Kuya asked.

"Yes."

"Bar later, sagot ko." Sabi ni Kuya atsaka ngumiti.

"Ashen! Anong bar pinagsasabi mo, yayayain mo pa si Xiemen. Tigil mo 'yan makikipag-basag ulo ka lang doon, ako na lang babasag sayo." Sabat naman ni Ate.

"Ate no, inom lang." Kalmado niyang sagot.

I looked at Leie first before I speak. "Tara mag-inom!" Sigaw ko habang nakataas ang kaliwang kamay.

"Syempre sa unit ni Kuya." I continued.

Medyo na-pressure ako sa mga tingin nila kaya mabilis ko rin na sinunod ang mga salita ko, mahirap na, baka pagalitan pa nila ako.

"Hey, good idea! Bili na lang tayo ng drinks." Sabi naman ni Kuya.

"HJE rooftop muna, gabi na lang 'yang sa unit mo Ashen. Ikalma mo muna baga mo." Sabi naman ni Ate na ikinatawa naming lahat.

Kahit na mabigat ang kinaharap na problema ni Kuya, alam ko na pinipigilan niya lang maging malungkot. Kilala ko siya, hindi niya ipapakita sa amin na mahina siya.

Natigil ako sa pag-ngiti ng maramdaman ko sa tenga ko ang bulong ni Leie.

"You're not going to drink." He whispered.

Tumingin ako sa kaniya. "Dadamayan ko lang si Kuya."

Umiling siya sa akin. "Magagalit mga anak natin-"

"Leie!" Sigaw ko pero ngumisi lang siya.

Napansin ko ang tingin ng dalawang kapatid ko sa akin kaya naman nag iwas tingin na lang ako.

"Hindi ka iinom, ha?" Sabi niya ulit pagkababa ng sasakyan.

"Dadamayan ko nga-"

"Wag na kasi."

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Bata ka, wag ka na. Kaming tatlo na lang." Sabi niya.

Hindi ko alam kung nangaasar ba siya o ano pero halos mainis ako doon.

"Just don't drink. Period." He said.

"I will drink. Ang kulit mo." Sagot ko atsaka siya iniwasan ng tingin.

"Okay. Drink and I will kiss you later." Aniya at nanahimik na.

Just what?!

--
SassyKylie

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon