Chapter 18

13 4 0
                                    

Chapter 18

Its been a week since that accident happened. Hindi na rin ako nakikipagkita kay Leie sa buong linggo na lumipas, palagi akong nagrarason para lang makaiwas sa kaniya. Kahit na sinabi pa ni Kuya Ashen at Ate Caiohme na kailangan ko i-handle ng maayos ang branch ko, hindi ko magawa ngayon. Why now?

"I told you, Kuya. I'm sick."

I heard his sigh. "Alright, then. I'll take care of your branch, papuntahin ko-"

"No need, Erika will be here later, she'll take care of me. Thanks Kuya, love you." Sabi ko na lang at ibinaba na ang tawag.

Ayoko talaga na mapalapit muna kay Leie ngayon lalo pa't may ganoong pangyayari.

He's my first kiss. What a life. Yes I had flings before pero wala ni isa sa kanila ang nakahalik akin. Tanging pisngi, kamay at noo lang ang nahahalikan nila pero ang labi ay hinding-hindi. But Leie accidentally had it.

"Tigilan mo ako coffee guy, hindi ko siya namimiss."

Si coffee guy ang kasama ko ng puntahan ko ang hospital na sinasabi ng batang si Warren. His wish is simple. He wants me to tell his mother to come back on that hotel, para puntahan ang bawat sulok na pinuntahan nilang mag-ina. Iyon lang daw at masaya na siya.

His mom was shocked when she saw me at Warren's room.

"Who are you?" Tanong niya.

Napalunok ako, I can't tell her the truth. Katabi ni coffee guy si Warren na parehas nakatabi sa ina ng bata.

"Hi ma'am. I'm Jae, I am Warren's f-friend po."

Napapikit ako dahil sa pag-utal ko. Gosh, I thought this will be easy dahil simple lang ang gusto ng bata, I didn't know that his mother is a bit scary.

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Jae, hindi ko na tatanungin kung saan kayo nagkakilala ng anak ko. Sadyang gala ang anak ko at hindi ko alam, Jae hija. Bigla na lang ako nakarinig ng balita na heto na siya isinugod sa ospital." She said.

Mas nagulat ako dahil bigla siyang nag-breakdown sa harapan ko, she's now holding my hand and starts crying. Wala na akong nagawa kung hindi yakapin siya, this is it. Eto ang magandang bwelo para masabi ko na ang hiling ng bata.

While hugging Warren's mom, kagat-labi ako na nakatingin kay Warren ngayon. Diretso lang siyang nakatingin sa amin ng mama niya at ang kaniyang luha ay walang tigil na lumalandas sa pisngi niya. Hawak ni coffee guy ang balikat nito.

"Ma'am."

Nakita ko na yumuko si Warren at tumabi na sa amin ng mommy niya. "Yes, hija? Nako, pasensya ka na kung napaiyak ako sa iyo ha, hindi ko na kinakaya ang sakit hija pasensya ka na."

"Don't mind it, Ma'am. Ma'am, may ihihiling po sana ako sa inyo ngayon at ngayong araw niyo rin po gawin. Pakiusap ma'am, para kay Warren."

Nakita ko agad ang pagkunot ng noo niya. "What? Ano ang sinasabi mo hija?"

"Ma'am, naaalala niyo po ba ang hotel na pinuntahan ninyo ni Warren?"

"O-oo, paano mo nalaman ang tungkol diyan?"

"Long story po ma'am. Makinig ka po sa akin, you need to go there ma'am at puntahan muli ang bawat sulok na napuntahan ninyo ni Warren. Here ma'am, use this card ipakita niyo lang po ito roon then do what I said, I'll wait you here ma'am at pangako sa pagbalik mo, gising na si Warren." Paliwanag ko.

Muli siyang umiyak sa balikat ko, wala akong nagawa kung hindi yakapin siya. How I wish I have a mother like her. I mean a soft mom like her.

"Salamat. Salamat Jae anak." Aniya.

Napaluha ako dahil sa pagtawag niyang iyon sa amin. I never heard that word to my own mother, she never called me 'anak'. I was wrong earlier, akala ko ay nakakatakot siya. Siguro ay sa mukha lang siyang mataray but she's really kind inside. A soft hearted and loving mother. Warren is so lucky! No wonder why Warren is a soft and kind boy.

"Sige na po ma'am."

"Mabilis lang ako, anak. Mabilis lang ako, pakibantayan muna si Warren ha? Susundin ko ang sinasabi mo para sa anak ko, Jae anak pakiusap bantayan mo siya."

"Yes ma'am, ako na po ang bahala kay Warren, we'll wait you here."

Tumango siya at muling yumakap sa akin. Mag-iisang oras na ng mawala ang mommy ni Warren. Naramdaman ko ang paggalaw ng daliri ni Warren. He's with his Mom, and now his finger moved!

"Doc! Doc!"

"Wait there, miss." Tugon ng nurse sa akin at tumango ako. Ilang minuto lang ang itinagal nila at pinapasok na ako.

"He's now fine, Miss. Pagpapahingahin muna namin siya dito ng dalawang araw at pwede na siyang makauwi."

"Thank you, Doc."

Pagkaalis ng mga doctor ay pumasok na ako sa kwarto ni Warren. He's smiling at me.

"Ate, salamat." My heart melted when he said those words. I wish I have a little brother pero ayos na rin ito.

"Welcome, Warren."

"Warren, Warren anak!" Sigaw ng Mom ni Warren ng makita na magandang nakangiti at gising na ang kaniyang anak. I'm so happy for the both of them. They deserve this kind of happiness and I hope, magtuloy-tuloy.

"Jae, salamat. Salamat."

"Welcome po, ma'am. Mauuna na po ako, may mga aasikasuhin pa po ako, e." Pagrarason ko na lang. I can't stand here anymore, my tears are going to fall.

"Ganoon ba hija? O sige, salamat talaga hija, salamat!"

"Salamat Ate."

Ngiti na lang ang isinagot ko sa kanila at hinayaan na nila ako na umalis. Magkayakap sila ng umalis ako, narinig ko pa ang iilang pangako ng Mom niya sa kaniya.

"Anak, pangako magbibigay na ng oras ang mama sayo, hindi na kita papabayaan anak, patawarin mo ako at masiyado akong natutok sa trabaho."

Masaya ako na nakatulong na naman ako.

Napangiti ako. Kaharap ko ngayon si coffee guy, parehas kami na nagkakape.

"Ikaw coffee guy? Kailan ka?"

"Bakit kasi ayaw mo pa na bumalik? Hindi mo rin naike-kwento sa akin bakit ka ganiyan."

"Ang sipag mag-kape, ang tamad mag-kwento." Natatawa ko na sabi.

Natigil ang pag-tawa ko dahil sa mayroong nagsalita.

"Haffai?"

"L-leie?"

--
SassyKylie

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon