Chapter 12

24 6 0
                                    

Chapter 12

"Damn you!"

Agad kong nilingon ang taong sumuntok kay Mill, it was Leie. What is he doing here?

"L-leie," Usal ko. Narinig niya ako at agad na nanlambot ang mukha niya. From wild face to bright face.

Wala na ang mahilig sa kape, nawala na naman siya dahil nandito si Leie hawak-hawak ako. Madami na ang tao na nakatingin sa amin ngayon, ngayon lang din sila nagkaroon ng pake samantalang kanina na kailangan ko ay hindi sila magsitingin. Thank god, Leie came.

"Gag* pare, girlfriend ko yan bakit mo niyayapos ha?" Matapang na sabi ni Mill, tumingin sa akin si Leie at ngumisi.

Mukhang may hindi magandang mangyayari, ngayon ko na lang ulit nakita na ngumiti si Leie.

"Baby? Siya ba ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan?" Mill said, I don't want to answer him.

Wala kaming pinagsamahan. Hindi naman naging kami dahil puro laro lang naman ang nangyari sa amin atsaka isa pa, sobrang tagal na na pangyayari 'yon. Napakagat labi na lang ako, parang umurong ang dila ko at hindi makasagot sa kaniya.

"What did you say, huh?" Sabi ni Leie sabay bitaw sa akin at sinuntok na naman si Mill. Hindi ko alam kung bakit ba nagkakaganito si Leie.

Hindi ko na maintindihan ang mga pangyayari. It's too much for me, I can't handle it anymore.

"L-leie."

"Wag na wag mo ng lalapitan si Haffai, one more move and you'll be in jail." Leie said.

Kinuha na niya ako at inakay na lumakad. Hindi ko na rin tinignan pabalik si Mill dahil nakakatakot na talaga siya.

"Haffai..."

"Leie, I'm sorry. Please don't tell this to my siblings, they might kill him please Leie, please?" Pagmamakaawa ko.

Alam ko na mali si Mill doon, nasaktan ako sa pagkakahawak niya sa akin sa braso ko. It can call harassment.

Ayoko ng magkaroon pa ng interactions kay Mill kaya mas mabuti pa kung hindi ko na 'to palakihin. We can just ignore and forget this.

He sigh. "Alright, then. Basta ay sasama muna ako sayo ngayon."

Ngumiti ako. Wala na akong oras para mag-isip, mamaya ko na lang siya tatanungin nanghihina ako ngayon sobra.

"Sa unit na lang tayo." Sabi ko na tinanguan niya.

"Haffai, ayos ka lang?" Tanong sa akin ng secretary dito sa unit, tumango lang ako sa kaniya.

"Let's go, Haffai." Sabi ni Leie sa akin.

Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng panghihina.

Bigla akong hinawakan at binuhat ni Leie. It was like a bridal style. Hindi na ako naka-imik dahil dire-diretso rin naman ang lakad niya.

Binaba niya ako ng marating na namin ang table dito sa rooftop. "S-salamat, I'm sorry." Nahihiya ako sa kaniya ngayon dahil sa mga nangyayari.

First he helped me, second I asked a favor and now this, binuhat niya ako. Puro kahihiyan na lang ata ang mararamdaman ko kapag kasama ko siya.

"Haffai, this is the first time na magtatago ako sa Kuya mo. I promise, I won't tell this to him basta ay mangako ka sa akin na hindi ka na makikipag-kita sa gag* na yon." Sabi niya habang tinatanggal ko ang sapatos ko, nanghihina pa rin ang tuhod ko kaya binato ko na lang ang sapatos ko sa kung saan at hinayaan na nakatapak ako.

I nod a little before I answer him. "Yes, I promise." Sabi ko sabay abot ng cellphone ko sa kaniya.

He read the text messages and I saw how mad he is.

Habang binabasa niya ang message ay nanatili ang paningin ko sa kaniya. Bakit parang siya na lang ang nakikita ko? Bakit parang siya ang emphasis ng isang painting, siya ang focus, siya ang topic, wala akong ibang makita ngayon. His pointed nose, his thick eyebrows, how he clenched his jaw. Get yourself together, Haffai Jae!

"Mabuti talaga at nandoon ako, paano na lang kung wala edi mas napahamak ka. Alam mo ba ang ginagawa mo?" Tanong niya sa akin pero hindi iyon pasigaw.

Nadagdagan na naman ang mga tanong ko kay Leie.

He suddenly grab my cheeks and look into my eyes, alam ko na galit siya pero mas lamang sa kaniya ang pag-aalala. Why is he like this?

"I-i'm sorry..." Iyon na lang ang nasabi ko at yumuko, binitawan niya na ako at umupo siya sa tabi ko.

"You can ask now, I know you want to ask me." Sabi niya.

"W-why are you there?" Unang tanong ko.

"Unwind?"

Gusto ko na itanong kung bakit niya ito ginagawa sa akin, bakit niya ako tinulungan, pero common sense naman na dahil kapatid ako ng kaibigan niya.

"Too shy to ask, huh? I helped you because I am your 'friend?' right. Napansin na kita una pa lang, akala ko nga ay magpapahangin ka lang din katulad ko, but I was wrong, when I saw you talking to a guy hindi na kita tinignan or what. I thought it was your friend or boyfriend but when I saw him shouting and holding you, lumapit na ako hanggang sa ayon, sinapak ko na." Pagpapaliwanag niya.

He explained everything, ito na rin ata ang pinaka-mahabang nasabi niya. Is he a mind-reader?

"A-ah gano'n ba? Sorry Leie, naabala ka pa wait lang may kukuhanin lang ako sa loob." Sabi ko at dali-dali na bumaba ng lamesa, hindi pa man ako nakakababa sa upuan na tinutun-tungan ko ay nalaglag na ako.

He was like the flash because of his fast reflexes! Nasalo niya agad ako.

"S-salamat." Bulong ko.

Binaba niya ako. "Ano ba ang kukuhanin mo?"

"Secret, sige kaya ko na, settle down ka na muna diyan may kukuhanin lang ako."

Wala na siyang nagawa sa akin at tinanguan na lang ako. Dahan-dahan lang ako sa paglalakad ko papasok, ayoko naman ng matalisod o ano.

Sa ilang buwan, pansin ko na kapag nagkakasama kaming dalawa ni Leie, lumalabas ang iba-iba naming side. He's protective, wala naman akong ibang iniisip doon kundi ang pagiging mag-kaibigan namin at isa pa kapatid ako ng kaibigan niya. Of course he'll help me.

Kinuha ko na ang limang band aid, bulak, pati ang alcohol at betadine. He's wounded because of me.

"Leie, give me your hand..." Sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

He was confused but when he noticed the kit beside me, kusa na lang din niyang ibinigay ang kamay niya.

Nag-alcohol na muna ako nilagyan ko din ang bulak na hawak ko. "Ready?" Tanong ko at tumango lang siya, pinahid ko na agad ang alcohol sa kaniya, alam ko na mahapdi ito kaya hinihipan-hipan ko.

As holding his hands, patuloy ako sa pag-hipan habang nakatingin sa kaniya. Nakapikit siya kaya ayos lang na tignan ko siya ng ganito. He's handsome I can admit that.

"Betadine naman."

"Wag na, band aid na lang. Ayos na ang alcoho." Aniya at tumango ako. Nilagyan ko muna ng bulak atsaka ko ikinabit ang band aid sa kaniya.

"I'm sorry, Leie."

"Ayos lang iyon, okay? Wag ka ng mag-alala." Sagot niya, palagi talagang mahaba ang sinasabi niya ngayon, I'm surprised.

"Haffai..." Natigil ako sa pag-aayos ng mga kinuhang gamit sa loob dahil sa pag-tawag niya sa akin. Nagsimula na rin akong kabahan. I feel uneasy again.

"Y-yeah?" Napapikit ako dahil sa pag-utal ko.

"Thank you, thank you so much, please don't do that again. I am willing to protect and help you kahit na hindi ito inuutos sa akin. Haffai, tinakot mo ako kanina, please wag mo na ulit gagawin iyon? Kung sobra kang nasaktan sa kaniya kanina, I might kill him by punching his face nonstop." He said.

Wala akong ibang naririnig ngayon kundi ang malakas at walang tigil na pagtibok ng puso ko. Oh my god. What the hell is this feeling, this is unexplainable!

--
SassyKylie

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon