Chapter 39

20 3 1
                                    

Chapter 39

Ako naman ang wala sa trabaho ngayon, walang idea si Leie kung bakit ako on-leave for one straight week.

Siya na muna ang naka-handle sa HJE branch ngayon, lahat ng meetings ko ay iuurong next week.

Dahil sa message na 'yon ay hindi ko na alam pero palagi na akong natatakot. Natatakot ako na baka sobrang lapit na talaga ng last and hardest mission ko. Ngayon pa lang ay nagiisip na ako kung kakayanin ko ba.

Nag-rason ako sa kanilang lahat na mawawala ako ng isang buong linggo, kung ano ano pa ang ni-rason ko kaya hindi na sila nagtanong. But I know, Leie wants to ask me so much question but he just stopped himself.

"Johnson. I'm scared." Sabi ko. Ni-loud speak ko na ang tawag para malinis ko ang buong rooftop habang kausap ko siya.

"Honestly, kinakabahan din ako tungkol diyan. Are you alright there?"

"Yeah, still breathing." Sagot ko at inumpisahang walisan ang iilang kalat.

"Did you see him again? Ano naman kaya ang kailangan niya."

"Hindi ko rin alam. Basta natatakot ako. What if siya pala yung sign, based on him I should get ready." I said.

"Kalma, Haffai. Just calm down and continue helping, alright? Basta palagi ka lang mag-handa." He said.

"Yes. I know." Sagot ko na lang. Nagpaalam na siya dahil may gagawin pa siya.

I thought everything was fine but it's not. Nakakatakot, nasa isip ko pa rin kung kakayanin ko ba 'yon pero iyon lang ang last way ko para matapos na ang sitwasyon ko na ito. I need to bear, endure and finish it.

Despite of our situation, Johnson is living peacefully in England. Hindi niya nakakalimutan na tumulong, okay rin ang pag-handle niya sa mga natutulungan niya kaya wala siyang nagiging problema.

Nagulat ako nang bigla kong makita si coffee guy na nakaupo na naman siya sa lamesa ko.

"Why are you here? Need anything? Wala akong kape ha." Pagumpisa ko.

Umiling siya. "What? Seryoso ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

He said he want me to go with him, may kailangan daw ng tulong ko.

"Where is that?"

"Park? Gabi na, park?" I confirmed and he nodded.

"Fine, give me some time. Mag-papalit lang ako ng damit." Tumango siya at dali-dali ako na pumunta sa loob ng unit ko.

Past seven na, sino naman ang nangangailangan ng tulong ko sa ngayon? Sana lang ay madali para makauwi ako agad-agad.

Lalabas na sana ako nang mahagip ng mata ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Leie noong nakaraang araw.

Leie gave me a necklace with a sun pendant, sobrang ganda nito. I felt a strange feeling when I first saw this, parang nagpapakuha talaga sa akin.

I shook my head and pulled myself together. Kailangan ko ng umalis, anong oras na.

Kinuha ko ng mabilis mula sa side table ang kwintas, tinignan ko rin ito saglit bago suotin.

Kasalukuyan akong nagda-drive papunta sa tinutukoy na park ni coffee guy, I trust him, alam ko na hindi niya ako ipapahamak. He's my friend for a year and months. I'm sure he wouldn't betray me or what. Nang marating namin ang park, of course ay walang tao at tahimik na ang paligid.

"Coffee guy..." He just smiled to me, napakunot ang noo ko ng makitang muli ang lalaking nagsabi sa akin ng get ready.

Kagaya ng ginagawa ni Zachy at Elcee para maayos ako na makausap, umikot din siya ng dalawang beses at hinarap ako. He's still smiling, he looks fine and he doesn't look like he needs my help so I don't know what's the point of being here.

"Hi Lady, its been a while." He said.

Napalunok ako dahil doon. Iniiwasan ko talagang lumabas-labas dahil ayoko na muna siyang makita. May takot akong nararamdaman kapag siya na ang nakakaharap ko.

"You look scared. Don't be. I just want to tell you this..." He said and he slowly walk towards me. Wala akong nagawa kundi humawak lang sa kwintas na suot ko at pumikit dahil palapit na siya sa akin.

"I told you to get ready but you're not doing anything. Well I guess you want surprises don't worry he will come to you sooner or later." He whispered.

Nararamdaman ko na ang mga luha sa pisngi ko, sobrang natatakot na ako sa ngayon pero wala talaga akong ibang magawa kundi ang humawak sa kwintas na 'to.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit si Leie ang tinatawag ko sa mga ganitong oras.

Nag-angat ako ng tingin para makita siya pero hindi ko inaasahan na sobrang nakakatakot na siya ngayon.

Napaupo at napasigaw ako sa sobrang takot. Hindi ko gusto ang ganito!

"Please wag kang lalapit!" Sigaw ko.

Hindi ko siya kayang tignan. I don't know what he is talking about! Hindi ko siya maintindihan!

"Haffai!" Dahil sa tawag niyang iyon, mas lumakas ang iyak ko. Nagmamanhid ang buong katawan ko.

"Haffai, who the hell makes you cry?" Galit niyang tanong.

Hindi ako sumagot at nanatili ako sa posisyon ko at umiiyak pa rin. Ayoko siyang harapin. Ayoko.

"Haffai, face me! Haffai!"

Dahan-dahan ako na umangat ng tingin, parang gripo na tuloy-tuloy na tumutulo ang luha ko. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

"Haffai, get up.

"Ate Missy..."

--
SassyKylie

His Touch (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon