Chapter 2

147 9 0
                                    

V A I N

Natapos na nga ang flag ceremony at annoucement of top-notchers, kaya't agad na pinapunta ang mga studyante sa kani kanilang mga bagong classrooms.

Gusto ko na rin sanang umupo nalang sa room dahil badtrip ako sa naging resulta, bitter na kung bitter pero wala kong pakialam.

Pero sa halip na yon ang mangyari, kami ngayon ay pinadiretso muna ng office at kakausapin muna ng principal.

Binagalan kong maglakad para di makasabayan yung iba at dahil na rin ayukong makihalubilo sa kanila dahil nga mainit din ulo ko.

Pero may susulpot parin talaga na sisira sa sira mo ng araw.

"Oy, congratss satin!!"

Kahit di ko natignan kilala ko na agad sa masiglang boses palang. Si Salmon o Salman? Aba ewan basta di ko na lang siya pinansin.

"Diba ikaw yung kanina sa Gate?" Daldal niya ulit. Hindi ba niya mahalata na naiirita ako sa kanya? Na mas pinipili ko na mag sawalang bahala at wag siya pansinin.

"Ang galing mo naman dalawang lang mali mo sa entrance exam" pahumble pa ng gago na nagperfect ng exam, uulitin ko, masakit na ulo ko kaya di ko nalang siya pinans-----

"Anong strand nga pala kinuha mo?"
This time na pa hinto na ko sa paglalakad.
At binigyan siya ng matalim na tingin.

"Pwede wag mo ko kausapin?" Badtrip kong sabi. At patuloy na naglakad. San ba siya nakakakuha ng lakas na loob na kausapin ang isang taong di naman siya sinasagot.

Mas maganda nang umpisa palang alam niya na na hindi kaibigan ang ituturing ko sakanya.

"Bakit naman?" Pota.

Binilisan ko na lang ang paglakad para makaiwas, Hanggang sa makarating kami sa office.

Agad akong pumasok pag katapos mauna ng teacher.

Agad naman na sumalubong ang malamig na hangin na nang gagaling sa aircon.

Thank god! Pag diwang ng buong sistema ko. Agad akong pumwesto sa tabi ng aircon sa gilid dahil gusto ko ng lamig ng aircon at para na rin makaiwas sa salmon na yon.

Hanggang sa naka pasok na ang lahat.
Ang katabi ko ngayon ay yung top 3 na si Dale at yung teacher na nag announce. Syempre pakitang loob muna ang lahat sa loob dahil nasa harap ang principal.

"First of all, Congratulations sa inyong lahat" pagbati ni Principal Rancher. Suot ang mamahaling polo't necktie kasama ng maganda niyang postura, kagalang galang mong tunay na masasabi.

"You all have exceeded my expectations, that's why I am giving you all a full scholarship and a free tution for this whole academic year."
At nagpalakpakan ang lahat. Walang paligoy ligoy niyang sinabi, di ko alam kung direct to the point siyang tao oh nagmamadali lang siya dahil may lakad.

Pero ganunpaman ay parang isang musika na nagpakalma sakin ang sinabi ni Principal Rancher. "Full scholarship at Free Tuition" inisip ko nalang agad kung anong matamis na pagkain ang mabibili sa ibibigay na allowance.

"Sana hindi niyo ako biguin at patuloy na mamayagpag sa buong taon" nakangiti niyang sabi.

Marami pa siyang binanggit na iba pang mga bagay na hindi ko na rin naintindihan dahil halos makatulog na ko sa sarap ng hangin ng aircon.

Ilang saglit pa ay pinaalis na rin kami sa office, katulad ata ni Principal Rancher ay ambilis ko na rin magkwento pero wala akong pake.

Pinalabas na nga kami at binigyan ng kanya kanyang mga certificates, agad ko naman itong tinupi at nilagay sa bag.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon