Vain's POV
Matapos nang pag oopen up ko about sa break-up na nangyare sakin kila Philip, Fate at Solomon ay halos minu minuto at araw araw na nila akong kinocomfort
Hindi ko naman maitatanggi na medyo gumaan ang bigat na nararamdaman ko.
Kumpara nga sa nakalipas na araw ay mas maayos na ako ngayon. Hindi na ko madalas na nakatulala at wala sa sarili. Pinipilit ko na ring kumain at nakikinig na ko sa klase namin.
Pero di parin naman tuluyang nawawala yung sakit sa dibdib ko.
Paminsan minsan ay bigla bigla kong naiisip si Aim, kung kamusta na siya, kung kumakain ba siya? Yung mga ganong bagay.
Medyo matagal tagal pa ata para tuluyang maghilom ang mga sugat sa puso ko kaya sa ngayon ay pipilitin ko munang makalimot.
Pipilitin kong bumalik sa dating ako kahit na mahirap . . .
"GUYS MAG PATALI NA NG BUHOK YUNG MGA GIRLS PARA MAMAYANG 1pm DI NA TAYO MAGHABOL SA ORAS" Sigaw ni Gin sa buong room.
Busy sila lahat ngayon kasi ngayong araw ang speech choir competition. Kinakabahan na rin ang bawat isa lalo na sila Philip at Fate, first time raw kasi nilang sumali sa ganitong competition.
"Manonood ka naman Vain diba?" Tanong sakin ni Philip.
"Oo! Manonood kami." Sagot naman ni Solomon sabay akbay sakin.
Bahagya naman akong ngumiti kay Philip para siguraduhing manonood nga ako.
Napangiti naman si Philip dahil don at bumalik na sa harap para mag practice ulit.
Vacant time namin ngayon kaya ginamit nilang oras yun para magpractice nalang.
Naramdaman ko naman ang pagbigat ng pantog ko kaya agad kong tinanggal ang nakaakbay na kamay ni Solomon sakin.
"Mag-CCR lang ako." Sabi ko sabay tayo.
"Samahan na kita." Sabi nito habang nakangiti at akmang tatayo na pero pinigilan ko siya.
"Wag na, kaya ko naman umihi magisa." Sabi ko sakanya.
"Sa CR kaba talaga pupunta? Malay ko ba kung biglang mong maisipan pumuntang rooftop at tumalon don." OA niyang sambit sakin.
Kinutusan ko naman siya sa ulo kaya napa-aray siya.
"Di ko gagawin yon." Sabi ko sabay alis na.
"Balik ka agad!——" pahabol niya pa bago ako tuluyang makaalis.
Naiihi na talaga ako kaya dumiretso na akong CR namin. Pagkarating doon ay agad kong binuksan ang zipper ng pantalon ko at umihi na.
Saglit lang ang tinagal ko sa banyo at lumabas na rin. Naisipan ko ring pumunta munang canteen at bumili ng biscuit.
Umupo na rin ako sa upuan sa loob ng canteen sa may bandang sulok na hindi masiyadong agaw attensyon sa iba.
"Hindi ganon katibay yung props natin baka masira kapag nag-perform tayo . . " rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses na pumasok sa canteen.
"Si Vain at yung ibang boys kasi ang gumawa nun, ano pa bang ineexpect mo kay Vain? Baka nga sinasabutahe tayo nun eh." Gulat kong rinig na sabi ng isang babae.
Hindi ko na sila nilingon at nanatiling nakatalikod lang sa kanila at nakikinig.
"Sabagay, grabe nga pala ugali nun noh? Narinig ko nga na natanggal scholarship niya."
"Deserve niya naman eh——— Ate isa nga po pala rito tsaka isang juice."
"Hindi ko nga maintindihan kung bakit parang kaclose niya sila Fate, Philip at si President, di kaya pinaplastic niya lang yung tatlo?"
BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...