Vain's POV
Wala na akong gana. Wala na akong gana sa lahat. Hindi ko nga alam kung pano ko pa nagagawang pumasok pa.
Sa nangyari ay halos lahat ay sinukuan ko na, pati na rin ang pag-aaral.
Hindi ako yung tipo ng tao na mabilis sumuko nalang pero. . .
Ang hirap lumaban kapag wala na yung inspirasyon mong lumaban . . .
Hirap na hirap na ako.
Pero kasi kinaya ko naman ito dati eh. Kinaya ko ngang wala si Aim sa buhay ko nung hindi ko pa siya nakilala pero bakit ganito? Bakit ang hirap sakin magpatuloy ngayon na wala na siya?
Bakit ang hirap . . .
"Vain . . ."
"Okay kalang ba talaga? Ilang araw ka nang tulala at . . . m-malungkot Vain . . ." Rinig kong sabi ni Philip na nagpabalik sakin sa wisyo ko.
Nilingon ko naman sila
"Okay lang ako." Tipid kong sagot.
"Alam naming hindi ka okay—-"
"Okay nga lang ako." Medyo napalakas kong sabi sa kanila.
Nakita ko naman silang napatulala at nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko.Nahiya ako sa inasal ko kaya naisipan ko nalang tumayo at lumabas ng classroom.
Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko pero wala na akong pakialam don. Gusto ko munang makalayo at mapagisa.
Nakarating naman ako sa isang puno malapit sa pinaka sulok ng school namin. Wala masiyadong studyante ang napapadpad sa lugar na to kaya mas magandang dito nalang muna ako.
Umupo ako sa ilalim ng puno at bumuntong hininga.
Naramdaman ko nalang ang pagkawala ng mga luha sa mga mata ko.
Sandali ko namang itinanggal ang salamin ko at inilapag ito.
Sa gabi gabi kong pagiyak hindi parin pala nauubos tong mga luha kong to. sabi ko sa isip ko habang pilit na pinupunasan ang patuloy parin sa pag agos ng mga luha ko.
Pumasok ako nagbabaka sakaling makalimot at maituon man lang attensyon sa pag-aaral pero wala.
Nasasaktan parin ako mapasabahay o sa school man.
Ayuko na ng ganito . . .
Ang sakit sakit sa dibdib.Gusto kong kalimutan si Aim para di na ko masaktan pero hindi ko magawa.
Umaasa parin ang TANGA kong sarili na maayos niya yung kasal na yon at babalik siya sakin.
Umaasa parin ako kahit may maliit na porsyenteng mangyari pa iyon.Umaasa parin ako dahil Mahal ko siya eh . . .
Sobrang Mahal.
Napayuko nalang ako habang yakap yakap ang aking mga tuhod at patuloy na umiyak sa kawalan.
————
Jacob's POV
"Nakita ko siyang pumunta ron eh." Sabi ni Fate kaya sumunod naman kami sa tinuturo niya.
Sinusundan namin si Vain dahil nga sa biglaan niyang pag-alis kanina. Break time namin ngayon kaya medyo maraming tao at pahirapan hanapin si Vain.
Sobrang concern na kami sakanya. Lalo na't this past few days ay halos hindi siya makausap ng kahit sino, madalas siyang tahimik at nakatingin lang sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...