Chapter 13

99 7 0
                                    

V A I N

Kasalukuyan akong naglalakad habang nakasunod sina philip at jacob sa likod ko.

Nasa loob pa ko ng school at balak nang umuwi.

Hindi ako nagsasalita o umiimik simula kanina, dahil na nga ro'n sa nangyare.

"Vain, okay ka lang? Ano ba kasing nangyare?" Nagaalalang tanong sakin ni Philip.

Gusto ko sanang sabihin kay Philip na nawala na yung scholarship ko kasi nalaman ko na hinihintay niya pala ako pero kasi kasama namin si Jacob.

Ayokong malaman niya.

Pero mukang masasabi ko dahil sa sobrang kakulitan nitong si Philip.

"Sige pag 'di mo sinabi magwawala ako rito. Concern lang naman ako sayo eh" pangungulit pa ni philip kaya wala na akong nagawa kundi huminto.

Pagkahinto ay naramdaman ko ring huminto na rin yung dalawang naglalakad sa likod ko.

"I lost my scholarship." Halos bulong at walang emosyon kong sabi habang nakatalikod pa rin sa kanila habang nakayuko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko dahil eversince na nagkakaproblema ako ay sinasarili ko nalang. Ayokong may nakaka-alam na iba. Ayoko na kinakaawaan ako. Ayokong nagmumukhang mahina.

Pero iba sa araw na ito, parang gusto ko man lang ilabas yon kahit papano, masiyado nang mabigat ang dinadala ko at gusto ko namang gumaan yung pakiramdam ko.

Maya maya'y nakaramdam nalang ako ng brasong umakbay sa balikat ko. Agad kong iniaangat ang ulo ko at nakita si Philip sa tabi ko.

"Kaya ka ba umiyak?" Tanong niya sakin. Nagulat ako nang sinabi niya iyon. Nakita niya kaya akong umiiyak?

Dahan dahan lang akong tumango upang sagutin ang tanong niya.

Bigla naman niyang ginulo ang buhok ko sabay sabing

"Okay lang yan, Panigurado ako mababawi mo rin yan agad." pagche-cheer up sakin ni Philip.

Maya maya'y nakaramdam nanaman ako ng pag-agos ng luha sa mga pisnge ko.

Napalitan naman ng pag-aalala yung ngiti ni Philip. Magsasalita na sana siya nang unahan ko na.

"S-Sorry Philip for causing you troubles. Sorry sa lahat ng sinabi ko sayo kahapon, alam ko napakawalang kwenta kong tao for hurting such a genuine friend like you. Sorry sa lahat." Sabi ko habang umiiyak na parang bata.

Sa wakas na sabi ko na rin sakanya. Matagal na rin yang bumabagabag sa loob ko.

I may be cold and rude sa iba pero sincere ako pagdating kay philip dahil alam kong gano'n din siya sa'kin. First day ng school at magaan na agad ang loob ko sakanya simula nung pahiramin niya ko ng pamaypay, simula nun ay pakiramdam kong sobrang tagal na naming magkakakilala.

"You don't need to be sorry dahil hindi naman ako sobrang nagalit sayo, nagtampo lang ng konti" he said while smiling.

"Wag kana umiyak, pinagtitinginan ka na ng mga tao oh. Daig mo na si Kathryn sa pag-arte" panloloko niya pa sa'kin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang nagpupunas ng mga luha.

"Bati na tayo ah" dagdag pa ni Philip.

Tinanguan ko lang siya na parang siga sabay nginitian.

"Pero hindi ka lang dapat sakin mag-sorry" sabi niya naman sa'kin na ipinagtataka ko.

Tinignan ko siya sa mukha ng may halong pagkalito. Nakita ko naman yung nguso niya na parang may itinuturo sa likod.

Nakita ko si Jacob na nakatayo lang do'n at pinapanood kami.
At dun ko nagets yung sinasabi ni Philip.

Lost in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon