J A C O B
Di ko alam kung bakit at paano ko nagawang lumabas ng library matapos kong makita yung senaryo sa loob.
Hindi ko man lang nagawang lapitan si Vain.
He is crying and I don't know the reason why.
Is it because of the cold treatment me and my classmates are giving to him? Or is it about the video?
Whatever it is, I know there's a part of me telling that I am responsible for it
Hindi ko alam pero naguguilty ako.
I felt guilt overflowing in my body from that very moment I saw him crying. I stood frozen without knowing what to actually think or do.
Hindi ko siya magawang lapitan, dahil sumasagi pa rin sa isip ko 'yung mga nangyari.
May part sa isip ko nagsasabing deserve niya yung kung ano mang pinagdadaanan niya ngayon dahil 'yun ang consequences ng actions niya.
Pero kasi nilalamon din ako ng konsensiya ko dahil sapat na ba yung mga ginawa niya para husgahan ko nang buo yung pagkatao niya?
Hindi ko naisip na paano kung may mabigat pala siyang pinagdadaanan, kaya nagawa niya yung mga 'yon.
Na he is carrying a burden that he doesn't want anyone to know. Na sinasarili niya lahat.
Hindi ko na alam ang dapat isipin. Mukha na kong tanga na nakatulala sa labas ng library dito.
"Sa lagay ni Vain, He need someone to rely on . . ." Bulong ko sa hangin.
Should I go again inside? and comfort him . . .
Wait.
And comfort him? Lol. Wala ako sa posisyon para gawin 'yon. Matapos lahat nang nangyari parang 'di tutugma na gawin ko 'yon.
Hanggang sa pumasok sa isip ko si Philip.
Right! Philip is still at the front of the gate waiting for Vain.
Mas aakma siguro kung si Philip ang magcomfort sa kanya.
I walked as fast as I could while I leave the library and go to where Philip is.
Sigurado ako nagaabang pa ro'n si Philip.
Pero napahinto ako nang madaanang muli ang principal's office at doon nakita si Philip na nakatayo mag-isa.
He probably thought that Vain is still inside. I immediately changed the direction I'm walking to and went straight to his location.
Nasa hallway na ko nang mapansin ako ni Philip.
I was about to mutter that Vain is in the Library when suddenly the door to the Principal's office opens.
Napunta na man do'n ang attensyon ni Philip, naghihintay siguro na lumabas do'n si Vain.
Nakarating na ko sa tabi ni Philip nang magulat siya nang biglaang makita si Sir. Rancher Francisco na aming School Principal.
He saw us and I immediately greeted him with respect.
"Good afternoon Sir" I said with a good manner tone.
Sinuklian niya naman ako ng ngiti.
At biglang nag tanong."Ano palang ginagawa niyo rito mga Iho?" Magalang niyang tanong.
"Inaabangan ko po kasi s-" sasagot na sana si Philip ng pigilan ko siya.
"He's in the Library" bulong ko kay Philip.
Nagulat naman si Philip.
"What is it again?" Tanong ni Sir Francisco.
BINABASA MO ANG
Lost in you
RomanceWhat if a competitive, cold and rugged person like Vain, who always aims for the position of number 1 meet the person that academically he will lose to. And the competitive environment that the two has in the beginning, changed and became light, ca...